Chapter 22 - The Phonecall.

20.6K 859 332
                                    


#NAFwp
Chapter 22


Ilang minuto din kami sa ganong posisyon ni Ashton. Nang kumalma na ako ay bahagya akong lumayo sakanya. I wiped my tears away and smiled. "Sorry for breaking down. Let's pretend that didn't happen." I let out a chuckle to ease the tension between us.


Umiling siya at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You can drop the act, Harmony. Stop pretending to be tough. I won't judge you for being you, you know." Seryosong sabi niya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko.


Tumawa ako. "You won't judge me? I doubt that, knowing how judgemental you are." Panunuyang sabi ko. I need to ease the fucking drama here. Hindi ako sanay na may umaalo sakin ng ganito. At mas lalong hindi ako sanay na ganito siya kabait sakin.


Napatiim bagang siya bago niya padausdusin yung kamay niya sa kamay ko. "Look who's judging now." Simpleng sabi niya at hinila na ako papasok ng hotel. Hindi na ako nagsalita pa ulit.


Bago pa kami makapasok sa pinaggaganapan ng event ay nakasalubong na namin si Nicolai at si Chloe na masayang nagtatawan. "Seriously?!" Nagalab ang mata ni Ashton at akmang susugod sa kapatid ko nang pigilan ko siya.


"C'mon! Akala ko ba hindi ka na magiging gago?" I muttered as I tugged him closer to me.


Sumimangot si Chloe. "What's your deal, Kuya?" Nahihimigan ko ang inis sa boses niya. Katabi parin niya si Nicolai na deretso ang tingin sakin, halatang nagtatanong kung anong nangyayari at kung sino ang kasama ko.


"My deal? This guy is toying you. He's with Harmony earlier, and now he's with you. Now you're asking me what my deal is?" Seryosong sabi niya pero masama parin ang tingin kay Nicolai.


Hindi ko na napigil yung tawa ko. Umalingawngaw sa buong hall yung tawa ko. Epic! "W-Wait." Natatawa kong sabi. Nakasimangot akong hinarap ni Ashton. "K-Kasi naman. Uso din magtanong." This time ay nakisabay na si Chloe sa akin.


"Epic fail ka Kuya." Natatawa nitong sabi.


"Okay. What the hell is happening here?" Sabay na sabi ni Ashton at ni Nicolai kaya naman mas napatawa pa kaming dalawa ni Chloe. Feeling ko nagiging bipolar na ako, kanina lang ay umiiyak ako, ngayon ay walang mapaglagyan yung tawa ko.


Oh god. Nahahawa na ako sa pagkabipolar ni Ashton!


"This is my brother, Nicolai." Sabi ko kay Ashton. Humawak ako sa braso ni Ashton at hinarap si Nicolai. "This is Ashton, my..." Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.


My boss? Goodness!


My friend? I doubt we're even friends.


My fling? Nope.


"Her special friend." Napalingon ako kay Ashton sa sinabi niya. Wait, ano daw?!

Not A FairytaleWhere stories live. Discover now