Chapter 16 - The Bouquet.

20.1K 878 168
                                    

#NAFwp

Chapter 16


Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan yung tawa ko. So that was it, huh? He thinks Im with Dom, kaya niya ako pinapahirapan. He's acting jealous-again-without him even noticing.


Tinignan ko si Dom at ngumisi siya. Oh, I know that smirk. That evil smirk. "Sure, dude. Paki-ingatan lang yung girlfriend ko. Mahal ko yan." Aniya at lumapit sakin para halikan ako sa pisngi, but at the same time, bulungan ako. "Nagseselos pala si gago sakin, girl." Bulong niya sakin.


Hindi ko napigilang mapatawa. "Bye." Pagpapaalam ko sakanya. Nakita ko ang pagiling ni Ashton at pinauna na akong maglakad palabas papunta sa sasakyan niya.


Akala ko ay magpapaka-jerk ulit siya pero nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto ng shotgun seat. Pagpasok ko ay tinulungan pa niya ako sa gown ko. Wow. I muttered my thanks bago niya isarado ang pinto. Nagmartsa siya papunta sa driver's seat at agad siyang nagmaneho after.


Tahimik kami pareho habang nasa byahe. Hindi ko alam kung saan kami papunta, pero hindi na ako nagtanong pa. Habang nasa byahe ay biglang nagring ang phone ko. It was Dom. "Hello?" Sagot ko sa tawag niya.


"So nagseselos pala si Ass-ton. Ibang klase din magselos yang boss mo, girl." Malanding sabi niya sa kabilang linya na ikinatawa ko.


Tumingin ako sa labas at napansin kong nasa bandang Makati na kami. "Alam mo, ewan ko sayo." Natatawang sabi ko kay Dom.


"Sus, if I know, tuwang tuwa ka na nagseselos siya." Sabi niya. "Oh siya, tumawag lang ako para lalo siyang magselos. Bye, girl! Love you!"


I chuckled. "Love you too. Bye." Sabi ko at binaba na ang tawag. Napalingon ako kay Ashton at nakita kong napatiim bagang siya.


"You were gone for 15 minutes and he already called you. Are you really that clingy with each other?" Tila ba naaasiwa niyang sabi.


I shook my head. Tama nga si Dom, lalo itong magseselos sa pagtawag niya. "I wish I could say that you're cute when you're jealous. But then, you're not." I blurted out.


Tumingin siya sa akin, kasalukuyan kaming nakahinto dahil red pa ang stoplight. "So you're saying that I'm jealous?" Umiling siya at mas lalong sumama yung timpla ng mukha niya. "I'm not jealous, Miss Dizon. Because you know what? I hate it when girls flirt even when they're committed to someone. In short, I hate girls like you." He said bluntly before driving again.


Umiling ako. "I've never seen someone as judgmental as you are." I muttered as I took my gaze away from him. Hindi na siya nagsalita after nun. Pagdating namin sa tapat ng isang gate ay tsaka ko lang napigura na sa bahay pala ng mga Stratford gaganapin ang party.


Pinagbukasan niya ako ng pinto, napatingin ako sakanya paglabas ko. Umiwas siya ng tingin sakin at inalalayan ako papasok. Pagpasok namin ay may iilang bisita ang bumati samin. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa garden kung saan mas marami ang tao. "Don't flirt with guys here. Most of them are married, and the rest are my friends." He said, disgust still evident on his face.

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon