Chapter 9 - The Suite.

20.9K 882 111
                                    

#NAFwp
Chapter 9


The ride to the airport was quiet. Hindi ko na siya kinausap matapos ko siyang sabihan na wala ako sa mood makipagtalo sakanya.


Ashton on the other hand, parang gusto niyang magsalita pero nanatiling tikom ang bibig niya. Maya't maya ko siyang naririnig na nagpapalabas ng buntong hininga pero ni-hindi ko siya tinapunan ng tingin.


I just never thought that his meanness would go this far. He's acting like a complete ass but he was gentleman too, not until now.


Pagdating namin sa airport ay may nakaabang ng valet kay Ashton so I guess dito niya lang sa airport iiwan yung sasakyan niya habang nasa Cebu kami.


Nang lumabas siya ng sasakyan ay binuksan ko narin ang pinto ko, lumabas ako ng walang sabi sabi. Im not even expecting him to open the door for me. Paglabas ko ay tsaka ko lang napansin sa nandoon na pala siya sa may pintuan ko, I rolled my eyes. Binuksan ko ang likod ng sasakyan kung saan yung maleta ko.


"Ako na." Ani Ashton nang binababa ko ang maleta ko at akmang tutulungan ako.


Umirap ulit ako bago umiling. "My luggage, right? Kaya ko naman." Inis na sabi ko at nilapag ang maleta ko. Bumuntong hininga siya at kinuha ang sakanya.


Sabay kaming naglakad papasok at sinalubong kami ng ilang mga lalaking nakabarong. Kinuha nila mula samin ang mga maleta at nilagay sa parang cart. "This way Sir Ashton." Ani ng isang lalaki na nakatuxedo.


Sumunod ako sakanila patungo sa kung saan. Inilibot ko ang paningin ko, madaming nagtitinginan na babae sa gawi namin. Of course, with someone this handsome, malamang ay lilingunin at lilingunin kayo ng mga tao.


Nakarating kami sa tapat ng isang plane. Napa-O ang bibig ko. Private jet ang sasakyan namin patungo sa Cebu. Just wow.


I mean, yes we're rich. But not this rich. May helicopter si Daddy, na hindi ko pa nasakyan sa tanang buhay ko, yun kasi ang ginagamit niya pag pupunta siya sa mga probinsya malapit sa Manila para sa mga meetings niya. But a private jet. Wow.


Oo nga pala, may sarili nga palang airline ang mga Stratford. Malamang ay barya lang sakanila ang presyo ng isang private jet.


Nang paakyat na kami ay inilahad ni Ashton ang kamay niya para sa isang mataas na step bago makaakyat sa plane pero hindi ko iyon tinanggap. Kinuha ko ang kamay ng isang lalaking nakabarong at tsaka ako umakyat sa plane.


Magkatapat ang inuupuan namin ni Ashton. Nakatitig siya sa akin habang nakabaling ang atensyon ko sa labas ng bintana, alam ko iyon dahil ramdam ko sa gilid ng mata ko ang matalim niyang tingin.


"Look Harmony, we're going to this trip to check on the different hotels in Cebu. We'll be working, so you can't keep on ignoring me while we're there." Narinig kong sabi ni Ashton pero hindi ko parin siya pinansin.


"Harmony." Pagtawag niya muli sakin. Mariin kong pinikit ang mata ko bago ako sumandal sa kinauupuan ko. "I've gone too far, I know. But -"

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon