Chapter 34 - The Jerk.

22.3K 1K 740
                                    



#NAFwp
Chapter 34


Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ng sabihin sakin ni Doktora ang resulta ng pregnancy test na ginawa namin kanina.


Positive.


I'm 5 weeks pregnant.


I didn't know how to respond when she dropped the bomb. I was shocked at first, hindi ko inakala na may buhay na pala sa loob ng tyan ko. Until my emotions turned into sadness, paano na ang anak ko ngayon yung tatay niya ay ikakasal na sa iba. Pero mas nangibabaw sa akin yung saya.


Saying I was happy would be an understatement. Masaya ako na may munting buhay na pala sa loob ko. Masaya ako na may little angel na ako. Masaya ako. Masayang masaya.


Kahit na walang kikilalaning ama ang magiging baby ko ay masaya parin ako. Yes, hindi ko siya ipapakilala kay Ashton. I mean, why would I?


I won't make the same mistake my Mom did. Hindi ko ipapaako ang anak ko sa lalaking hindi ako mahal.


And besides, I don't need him to raise my child. I can do that on my own. Hindi ako desperada para magmakaawa sakanya na bumalik sa akin dahil nagbunga yung mga pinaggagawa namin. Hinding hindi ako magmamakaawa na panagutan niya ako at ang anak ko.


I can't let my child suffer the way I did. Hindi ko hahayaang lumaki ang anak ko na ang pakiramdam niya ay hindi na siya dapat nabuhay. Na isa siyang malaking pagkakamali. Na nabuo siya dahil nagkamali ang mga magulang niya.


I've been through that so I know how painful it is to know that your father never loved you cause you were the unwanted child. Na kahit gaano ka pa mahalin ng Mommy mo ay hindi niya mapunan yung mga sakit na dulot ng Daddy mo.


I shook my head. That's all in the past now. Masaya ako na okay na kami ni Daddy. In fact, sinamahan niya ako dito sa ospital. And seeing him this happy knowing na magkakaapo na siya sakin, it was priceless.


"Are you sure you can do this alone? I can come with you." Hinawakan ni Daddy ang kamay ko nang makarating kami sa labas ng Stratford Inc.


Kanina ay nagalit siya ng todo ng malaman niya na si Ashton ang ama ng magiging anak ko at sinabi kong hindi ko ipapaalam dahil ayoko ng gulo. Paano daw nito nagawang buntisin ako gayong wala itong balak panagutan ako. And then I asked him...


"Ano pong naramdaman niyo nang malaman niyong buntis noon si Mommy sakin?" Tanong ko sakanya.


Natigilan siya sa tanong ko. Bahagya siyang kumalma sa galit niya kay Ashton. "I-I was..."


Hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin niya kaya naman inunahan ko na siya. "You were mad, right? Nagalit ka kay Mommy. We ruined your happy ending with your one true love. I can't let that happen again, Dad. Hindi ko hahayaang panagutan ako ni Ashton kung hindi niya rin magagawang mahalin ang bata. I'm fine. I'm sure I can raise my angel alone." Pagpapaliwanag ko sakanya.

Not A FairytaleWhere stories live. Discover now