Chapter 12 - The Sister.

21.1K 800 159
                                    

#NAFwp
Chapter 12


"I got this." Sabi ni Ashton sabay buhat sa maleta ko. Napangiti ako at sumunod sakanya papunta sa lift.


Tinabihan ko siya sa loob ng lift. "You're really being extra gentleman, you know. Nafafall ka na?" Panunuya ko sakanya at bahagya ko pa siyang siniko para mas lalo siyang maasar.


Sumimangot siya ng bahagya bago ako balingan ng tingin. "Don't get your hopes up, Harmony." Pabalik niyang sabi sa akin.


Kinagat ko ang ibabang labi ko at hindi na nagsalita. His actions these past few days were enough reason for me to think that he's starting to get interested with me. And that's more than enough for me.


Naging masaya ang mga sumunod na araw namin dito sa Cebu after naming pumunta noon ng Oslob, after niyang sabihin yung mga katagang nakapagpagulo ng sistema ko.


Things were really great between Ashton and me. Paminsan minsan ay nasusungitan parin niya ako at umiiral parin ang pagiging bossy niya. Madalas ay tuwing magsswimming kami siya nagpapakaboss, gusto niya na magrashguard ako at wag magbikini, pero hindi ako pumapayag.


But other than that, he's been really good. In fact, last night, siya ang nagluto ng dinner namin. He prepared pasta and steak last night. Magaling pala siya magluto, nakuha daw niya sa Daddy niya yung galing neto sa kusina.


Pagbaba namin ay agad kaming sinalubong ng valet para sa sasakyan. Pinagbuksan ako ni Ashton ng shotgun seat bago siya magmartsa papunta sa driver's seat. "Seatbelts." Simpleng sabi niya pagpasok niya.


Sinuot ko iyong akin at nakita kong sinuot niya narin yung kanya. Habang nasa daan kami papunta sa airport ay pinaguusapan namin iyong itatayo nilang hotel dito sa Cebu. Aniya ay ayaw niya dito sa Cebu City magpatayo ng hotel dahil marami na noon dito. He wants to build one in Oslob. For God-knows-why, ay doon niya gusto magtayo ng investment.


We arrived at the airport in no time. May nagaabang na pala ulit sa aming private jet patungo sa Manila. I wonder if Ashton ever experienced riding a normal plane. I bet not.


Habang nasa himpapawid kami ay nilabas ko ang phone ko para makapanuod. I played the only movie in my phone to ease my boredom. "Minions?" Nagulat ako nang higitin ni Ashton ang isang earphones ko at bulungan niya ako.


Tinigil ko ang panunuod bago humarap sakanya. "Papatayin mo ata ako sa gulat. Ano iyon?" I asked him, still in a state of shock.


"You're watching Minions?" Aniya at nginuso ang phone ko.


Ngumuso ako at tumango. "Hey, no judging!" Pagaalma ko nang makita kong bahagya siyang napangiwi sa pinapanuod ko.


Tumawa siya at bumalik sa pagkakaupo niya ng ayos kanina. "Why are you girls so fond of those little yellow thing? Ni-hindi niyo naman sila naiintindihan." Bored niyang sabi.


Hinampas ko siya sa braso. "They're cute, that's why." Natatawa ko ring sabi. "At paano mo alam na gusto naming girls yung minions? Babae ka rin noh?" Sabi ko at bahagya ko siyang tinusok sa tagiliran dahilan upang mapaigtad siya.

Not A FairytaleWhere stories live. Discover now