Chapter 20 - The Invitation.

19.6K 784 87
                                    


#NAFwp
Chapter 20


"Bakit hindi mo man lang sinabi sakin na uuwi ka pala? Edi sana nasundo kita sa airport. Halos isang taon kang wala dito sa Pinas tapos hindi ka man lang nasabi na uuwi ka pala." Sabi ko kay Nicolai habang nagmamaneho siya.


Kanina after ko siyang yakapin ng mahigpit ay agad din niya akong niyaya para umuwi dahil napagod daw ito sa byahe. Gusto niya lang daw talagang makita ako kaya sinundo niya ako.


Kinamot niya ang batok niya at ngumisi. "Ate naman, surprise nga eh. Why the hell would I tell you? Edi hindi na surprise iyon." Natatawang sabi niya.


Umiling ako at hinampas ko siya sa braso. "Surprise surprise! Alam mo naman na gusto kong ako yung sumusundo sayo sa airport eh." Pagaalma ko sakanya.


Nilingon niya ako saglit bago siya bumalik sa pagmamaneho. "Well, I won't let you fetch me, anyways. Kuya Dom called telling me that you're still not feeling well." Aniya habang deretso ang tingin sa daan.


Ngumuso ako at umayos ng upo. "Kahapon pa kaya ako magaling. Oa lang si Dom. You know how protective he is." Sabi ko sakanya.


"Very protective, that is." Nakangising sabi ng kapatid ko.


Habang nakatingin ako sa labas ay bigla kong naalala si Ashton. Hindi ko na siya pinansin kanina nang makita ko si Nicolai but I'm well aware na tinabihan niya ako kanina. I'm just not sure kung ano yung sinabi niya dahil masyado akong nashock sa pagkakita ko sa kapatid ko.


But whatever, I don't really care about him anymore. Maging gago siya hanggat gusto niya, wala na akong paki.


"Ate. We're here." I snapped out of my thoughts. "You okay? Kanina pa kita kinakausap. You seem to be spacing out." Aniya.


Tumango ako at binuksan na ang shotgun seat ng sasakyan niya. "Pagod lang siguro." Pagdadahilan ko.


I don't want him to know about Ashton. Kung protective si Dom sa akin ay mas doble pa ang kapatid ko. At pag nalaman niya yung mga kagaguhan ni Ashton, for sure ay pipilitin niya akong magbitiw sa trabaho. I mean, syempre gusto ko na umalis doon pero nakakahiya din kasi kay Sir King at Tita Steffie.


"Hindi mo pa sinasabi sakin kung bakit ka biglang umuwi." Sabi ko habang paakyat kami ng hagdan. As usual ay doon kami sa kwarto ko dumeretso.


Pag nandito siya ay lagi ko siyang pinipilit na sa kwarto ko magstay. Minsan ko nalang makasama ang kapatid ko kaya naman clingy ako sakanya. "Business Ball. You know Dad and his rules about the ball." Simpleng sabi niya at humiga sa kama ko. Mukhang may jet lag pa talaga siya dahil sa byahe niya.


Hinubad ko yung sapatos ko bago ako umupo sa tabi niya. "Of course. Business Ball. Family." I muttered and rolled my eyes heavenwards.


Its the one night a year where we have to pretend like we're one big happy family. Taon taon ay required kaming pumunta. At kahit ayaw ko ay napipilitan ako dahil pinipilit akong pumunta ni Daddy, para daw ipakita sa public na masaya kami. Kahit na ang totoo naman ay kahit kailan, hindi kami naging isang masayang pamilya. Our family's a mess. Pero hindi iyon alam ng publiko. His publicity is his number one priority in life, well next to his business.

Not A FairytaleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin