Chapter 11 - The Laugh.

23.4K 929 171
                                    

#NAFwp
Chapter 11


"Good morning." Masiglang bati ko kay Ashton na kakalabas palang ng kwarto. His hair's a mess but that only adds up to his handsome look.


Tumango siya ng bahagya at umupo na sa isang upuan sa harap ng mesa. Inilapag ko ang mga pagkain sa harap niya. "You cook all these?" Namamaos ang boses niyang tanong. I guess that's my fault though, ang sabi ko ay 4AM kami dapat gumising. Gusto kong masulit tong araw na ito.


Tumango ako at ngumiti. Mas maaga akong nagising, lets say isang oras lang halos ang tulog ko, kaya naman nagpasya akong ipagprepare siya ng breakfast. It was just a simple thing though, puro prito lang naman halos ang ginawa ko.


Nang matapos ko ilapag ang mga niluto ko ay nagtimpla din ako ng kape para saming dalawa. "Ready for today?" Nangiti kong sabi paglapag ko ng kape sa harap niya. Umupo na din ako sa kaharap niyang upuan para makapagumpisa na kaming kumain.


He shrugged at nagumpisa nang kumain. Kagabi ay pumayag siya sa gusto kong mangyari. One day, just one day. And I will make the best out of it.


Habang kumakain kami ay panay ang sulyap ko sakanya, he's quiet as usual. "Stop staring, Harmony." He said in a bored tone.


Kinagat ko ang ibabang labi ko at sumandal sa inuupuan ko. "I can't help it." Pinigilan ko ang pagngisi. He's just so hot!


"I thought you're gonna show me the Harmony I never knew. Seems like its still the same old flirty Harmony I know." He said bluntly.


Nagkibit balikat ako. "Im not flirting, I swear!" Sabi ko sakanya.


Umiling nalang siya at nagpatuloy sa pagkain kaya naman bumalik na din ako sa pagkain ko. Nang matapos kami kumain ay tinulungan niya ako na ligpitin ang pinagkainan namin.


"Maligo ka na. Ako na dito." He told me. Marunong ako magluto, pero hindi ako marunong maghugas ng pinggan kaya naman tumango nalang ako sakanya.


Naka-short shorts lang ako na faded at tank top ang pangitaas ako. Nakabikini akong white sa loob para narin ready ako sa mga gagawin namin mamaya. Pinatungan ko muna ang suot ko ng pullover dahil malamig pa naman.


Si Ashton ay nakaboard shorts at naka-plain gray t-shirt. What's with Ashton and his plain tees? Bitbit niya yung backpack niya dahil sinabihan ko siya na magdala ng tshirt at shorts na extra. I, too, brought two pairs of short shorts and tops.


Nang matapos kaming dalawa maligo at magayos ay inaya ko na agad siyang umalis. We really need to get going dahil malayo ang pupuntahan namin.


Paglabas namin ng hotel ay madilim pa ang kalangitan. Its just 5:15 in the morning, that's why. Agad akong pumara ng cab. "Wait, may sasakyan naman." Pagpigil niya sakin.


I shook my head at inangat ko ang kamay ko para pumara ulit. "We wont need your car." Sabi ko at kinindatan siya.

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon