Chapter 1 - The Usual.

41.8K 813 85
                                    

#NAFwp
Chapter 1


"God, Im starving." Inis na sabi ko at napilitan akong bumaba. Its already four in the afternoon and I just woke up. Agad akong nakaramdam ng gutom pagkagising ko.


Dumeretso ako sa kusina at nakita ko doon si Yaya Nay na nagtitimpla ng kape. "Good morning Yaya Nay." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Yaya Nay took care of me for as long as I can remember.


"Ikaw na bata ka. Hapon ka na naman nagising. Saan ka na naman ba kasi galing kagabi at inumaga ka na naman ng uwi?" Aniya at iniwan ang tinitimplang kape para maipaghanda ako ng pagkain.


Ngumiti lang ako sakanya. "Yaya Nay naman, Im not 10 anymore. You don't really need to look after me now." Sabi ko at kinuha ang platong inabot niya sakin.


"Harmony, kahit pa 30 ka na ay bata ka parin sa paningin ko." Natatawa niyang sabi at pinanuod ako habang sumasandok ako ng pagkain. "Lagot ka na naman sa Daddy mo." Aniya pa.


I stopped myself from rolling my eyes. As if I care about him. He can get mad all he want, I don't care. "Hayaan mo na siya Yaya Nay." Simpleng sabi ko at nagumpisa nang kumain.


Bumuntong hininga si Yaya. "Kayo talagang mag-ama. Hindi na ba kayo magkakaayos dal-"


Hindi natapos si Yaya Nay sa pagsalita dahil agad na pumasok si Daddy sa kusina. "Harm! Anong klaseng gising ba yan?!" He hissed at me. Nanlilisik ang mata niya nang tinitigan niya ako.


I returned the same intensity as I glared at him. "As if you care." This time ay hindi ko na napigilan ang pagirap ko.


Mas lalong sumama ang tingin niya sakin. "You're 23! Not 16! Act your age, hindi iyong puro party at night out lang ang alam mo. Why not try to work for my company, instead of just sleeping the entire day and going out at night." Mahabang sermon niya.


Tinapos ko ang pagkain ko kahit hindi pa ako busog. Nakakawalang gana talaga kumain dito sa bahay. "Akyat na ako Yaya Nay." Sabi ko at akmang lalabas na ng kitchen ng hawakan ako ni Daddy ng mahigpit sa braso. Agad akong napadaing sa higpit ng hawak niya.


"Rich, nasasaktan yung anak mo." Ani Yaya Nay pero hindi siya pinansin ni Dad.


"Don't turn your back on me, Harmony Faye Dizon. I'm still your dad." Madiin niyang sabi.


Pilit kong kinalas ang pagkakahawak niya sakin. "Wow. Kailan pa? As far as I'm concerned, you've never been a father to me, Dad." I hissed before storming out of the kitchen.


Dad? He was never a father to me, and when I say never, never. Ang kapal ng mukha niyang sabihing Tatay siya, eh kada titignan niya ako noon, kulang nalang itakwil niya ako. He should act like one kung gusto niyang itrato ko siyang ganun because seriously, I'm done being his daughter.


Nakakapagod ding manlimos ng atensyon niya kaya sumuko na ako. I gave up wanting my Dad's attention the moment my Mom died.

Not A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon