*Twenty Five*

116K 1.1K 69
                                    


"Hinahayaan mo lang na tawagin kang mommy ni Reese?" Sabi sakin ni Xienna pagkalapit na pagkalapit niya sakin.

"What's wrong with that?" Hindi ko siya nilingon. Nakatuon kasi ang pansin ko kay Hanzen at Reese na nasa pool. 

"Hindi ikaw ang mommy niya."

"As long as she knows that I'm not."

"Kahit na. Masasanay siya. Kung mabibigyan lang ng chance si Hannah, magiging mabuting nanay siya."

"Maybe... but I don't think so."

"Niloloko niyo si Reese."

"Walang nanloloko."

"Anong tawag niyo sa inyo? Sa tingin ko nag papanggap ka lang na mommy niya..."

 "Tingin mo lang yun."

"Umayos ka nga. Nakikipag usap ako sa'yo ng matino eh!"

"Mukha ba kong hindi matinong kausap?"

"ARGH!!! You're irritating."

"You're itchy..."

 "WHAT??"

 "Nothing." Tapus nginitian ko siya at tinalikuran. Pero hinawakan niya ko sa braso.

 "Sandali lang ako nawala Ciara. Bumalik ako para bawiin ang iniwan ko." 

"Engage ka na diba? Anu pang hinahabol mo?"

"That engagement is nothing. Hindi ko na kailangan pang mag explain sa'yo. Pero binabalaan na kita. Hindi ako aalis dito hangga't hindi ka umaalis sa buhay ni Hanzen." Alam kong mahal ako ni Hanzen, pero shett lang talaga. Kinabahan ako eh. Kinabahan ako dahil sa banta ng Xiennak na to. Ihagis ko kaya siya sa gubat para manirahan na siya kasama ang iba pang tiyanak.

"Kung yan ang gusto mong laban Xienna, hindi ako aatras. Dahil hindi ako kagaya mo na nang iiwan. Dahil kung mahalaga sila sa'yo, hindi ka aalis para sa sarili mong kapakanan. Pero nagpapasalamat na din ako. Dahil yung mga iniwan mo, ibinigay sakin." Pwersahan kong inalis ang kamay niya sa braso ko at nag dire-diretso na lang ako.

Kumuha lang ako sandali ng juice, pampalamig ng ulo. Aba! bastusan na to. Paano ba naman kasi, nung pabalik na ko, nagkatinginan pa kami ni Xienna tapus nginitian niya ko ng isang napaka demonyitang ngiti. Na shock ako nung lumapit siya sa pool at nag hubad ng sako, lol. Nag hubad siya sa loose shirt. Eto namang si Hanzen, napatitig sa tiyanak na yun. Anu pa nga ba? Eh model yun eh, maganda ang katawan. Pero shett lang diba? Bastusan na eh. Hindi ko naman masisisi si Hanzen, lalaki lang siya. Natural na ganyan ang i-react niya. Kaya di na ko nag patumpiktumpik pa. Nilublob ko na si Xienna sa pool hanggang sa maubos niya kakalunok ang tubig. Sana, ganon nga ang nangyari. Sana, ganon nga ang ginawa ko. Pero hindi eh. Lalaban ako ng katawan sa katawan. Makikita niya. Kaya inubos ko na ang juice at lumapit na din sa pool. 

Natauhan lang si Hanzen, nung nag dive na si Xiennak. Para mapansin ako ni Hanzen, nagpunta ako dun sa bandang harapan niya, si Reese kasi nandun sa pinaka dulo, yung mababaw, nakaupo lang sa hagdan ng pool at pinapalangoy ang barbie niya.


Nung napansin kong nakatingin na sakin si Hanzen, hindi ko siya tinignan. Nag sexy warm up pa ko. Para sakin lang talaga titingin sakin si Hanzen. AKO LANG, SAKIN LANG. Hinubad ko sa harapan niya yung robe ko. Tumambad yung pink two piece swimsuit ko. Anu ka ngayon? Patingin tingin ka pa sa katawan ng iba. Hmp! One month na walang ano!!!!! Ginulo ko pa yung buhok ko para sa dagdag effect. Aakitin kita. Sisiguraduhin ko na sakin ka lang hahabol habol. SUMPA KO YAN!! Napansin ko si Xienna na napairap sa kawalan. 


Nag dive din ako sa pool, pero mas sexy. Kung noon, hindi ako marunong lumangoy. Ngayon, feeling ko swimmer na talaga ko. Aanhin mo ang swimming pool kung di mo lalanguyin. Nag practice talaga ako ng mag isa lang. Salamat sa pag tuturo sakin ni Hanzen kung pano mag float, dahil nagagawa ko siya ngayon din. As in ngayon din. Kaya for sure, nakikita niya ang dibdib ko. Wala akong pakialam, kahit hawakan pa niya yan. Pero wag ngayon, dahil tatakamin ko siya.

Nag fu-floating ako habang nakapikit nung bigla kong maramdaman na may kamay na gumapang sa likuran ko. Nagulat ako kaya bigla akong nag panic. Naramdaman ko na may nalunok akong tubig. Shett, ako pa ata ang makakaubos ng tubig sa pool. Talagang nag panic na ko. Naramdaman ko na lang na naging steady na yung posisyon ko. Nasa harap ko na pala si Hanzen na hawak ako sa hips ko.  Tapus si Xienna napansin ko na parang palayo siya sa pwesto ko. Kaya tinitigan ko siya ng masama, bigla siyang nag iiiling at lumangoy papunta sa direksyon ni Reese.

"Are you okay sweetie?"

 "Do I look like I'm okay?"

 "Hey!!" Napa hands off si Hanzen. Nakakairita kasi yung ex niya eh. May pag ka demonyita!! Parang wala naman kaming napag usapan na may patayang magaganap between us.

"Lagi na lang ganito Hanzen. Hanggang kailan ba mag i-stay dito si Xienna?"

"Sabi niya two days lang siya dito." Two days? So balak niya kong palayasin dito in just two days? In her ugly chaka face. Sisiguraduhin ko na mas mauuna siyang umalis dito kaysa sakin. Lalaban ako ng patayan kung kinakailangan. 

 "Gadd, I can't stay with her any longer. I'm leaving Hanzen." 

"WHAT??!! Why Ciara?"

 "Then ask your ex."

"Hindi ka aalis Ciara. Please, don't leave us. I'll talk to her." Mission accomplished. Tinalikuran ko siya at umahon na ko sa pool. Kinuha ko yung robe ko at pumasok sa loob ng bahay. Patagalan pala ang gusto niya ha. Baka mag kaawa siya sakin. 

Sa buong buhay ko, hindi pa ko nakikipag kompetensya. Ngayon pa lang. Gagawin ko to para ipaglaban ang mga taong mahahalaga sakin at mahal ko. 

Nag patulong ako sa pag luluto kay Manang Lucia, gusto ko kasi mag luto ng favorite caldereta ni Hanzen. Hahaha, atleast may alam na ko. Ihihiwalay ko yung pagkain para kay Xienna. May bright idea kasi ako eh!

Nandito na kami ngayon sa dining table. Ready na para kumaen. Ako na yung nag lagay ng caldereta sa plato ni Hanzen, baka kasi mag kalintikan kung hahayaan ko siya eh. Iba rin yung food ni Reese, kasi maanghang pag caldereta. 

"Hmm, ang sarap ah!" Comment ni Hanzen nung sumubo na siya.

"Syempre, special yan eh." Nakita kong kumaha na din si Xienna, at poof!! Tama lang yung nakuhaan niya ng caldereta.

"Ang anghang!! Hoo!!" Dali dali siyang kumuha ng tubig at tinungga lahat ng yun. MWAHAHAHA!!! Success. Ang ginawa ko kasi, yung kalahati bowl sakto lang yung anghang niya, yun yung nasa harapan ni Hanzen, yung kalahati naman nun, super anghang, yun naman ang nasa tapat ni Xienna. Kaya magdiwang.

Gusto ko na sana humagalpak sa tawa, kasi napaka epic ng mukha niya ngayon. HIndi maipinta. Nung napatingin siya sakin, umiling iling lang din ako, na parang tumatanggi na agad sa kasalanan na ako naman talaga ang may gawa.

"No, tama lang naman ang anghang eh. Right, Hanzen?" Tumango lang si Hanzen at sumubo ulit.  

"Yung luto mo ng caldereta ang pinaka gusto ko. Hindi na kay manang Lucia." Tumawa ako ng pademure sa sinabi niya. Mwahahaha, bravo!!!



 (c) Eilramisu


Pasensya na po kayo sa update ko. Maiksi lang. Masakit ang ulo ko eh. Di mag function ng mabuti. Enjoy po!!!!!

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon