Chapter 43 *Dionne's Choice*

598K 12.9K 2.9K
                                    

A/N:

Sorry sorry sorry readers dahil ang tagal ng update. Sobrang nagiging busy na kasi ako. Aside sa mga inaasikaso ko sa work, nag eedit pa ako ng story para doon sa book na ippublish ko (abangan niyo ah!) Pero dahil pinromise ko na tatapusin ko ang AiD, hindi ko to i-o-onhold. Gagawa talaga ako ng time para makapag update! Sana po ay maintindihan niyo kung bakit medyo matagal ang updates. Salamat po sa pang unawa

-- Aly <3

**

Chapter 43

*Dionne's Choice*

 

 

[Dionne’s POV]

“sorry talaga Ashley ha at nakakaabala pa ako sayo dito?”

Kasalukuyan akong nandito ngayon sa room ng choir friend kong si Ashley habang siya naman ay busy sa paghahanap ng pantulog na pwede niyang maipahiram saakin

“ano ka ba Dionne, okay lang yun no! Pwedeng pwede ka mag-stay dito saamin hangga’t kelan mo gusto” sabi niya at binigyan niya ako ng isang ngiti

“thank you talaga ah”

Nginitian ulit ako ni Ashley.

Ibinalik ko yung tingin doon sa cellphone ko. Alam kong kanina pa text ng text si Japoy saakin at pinapauwi na ako. Sa totoo lang, grabe ang pagpipigil ko sa sarili ko na replyan siya at sabihing babalik na ako sa kanya kaya lang parang may nagsasabi rin saakin na wag muna.

Isa isa kong binasa yung mga text niya. Galit na galit siya at pinagbabantaan niya ako ng mga kung anu-ano.

Hay Japoy. Isang sorry lang naman ang katapat ko eh bakit hindi mo pa magawa?

Dahil sa inis ko, pinatay ko yung cellphone ko.

“mukhang tampong tampo ka talaga sa amo mo” sabi ni Ashley saakin “may gusto ka sa kanya no?”

Bigla naman ako namula sa sinabi niya “A-ah? E-eh k-kasi a-ano eh.. y-yung b-bali a-ano eh..” huminga ako nang malalim “oo may gusto ako sa kanya at nakakainis!!” sabi ko at nagpagulong gulong ako sa kama ni Ashley “uwaaaa Ashley ayoko na nang ganito! Pwede bang turuan ang puso na wag nang mahalin ang taong malabo naming maging iyo?”

“Hay naku Dionne kung pwede lang…” iniwas ni Ashley ang tingin niya “kung pwede lang ang ganung bagay edi sana wala nang nasasaktan ngayon..”

Nilapitan ko si Ashley

“bakit Ashley, nasasaktan ka ba ngayon?”

“h-ha? A-ah e-eh a-ano e-eh..”

Bigla naman akong natawa sa expression niya “hahahahaha gaya-gaya ka! Parang kanina ata ako ang nagsasabi niyan!”

Angel in DisguiseWhere stories live. Discover now