*Twenty*

130K 1.2K 41
                                    

Lumabas si Ate Claire at si Hanzen. Siguro naramdaman nila na may importante kaming dapat pag usapan ni daddy. I know it's not appropriate to talk some serious matter with dad's situation? May sakit siya eh. Pero kailan pa? Minsan may mga dapat talagang pag usapan kahit wala sa tamang oras at panahon.

"Bago mo sagutin yung tanong ko sa'yo. I-explain mo muna sakin kung sino yung kasama mo."

"Dad!"

"I'm waiting, young lady." Alam ko naman na di papatinag to si daddy. Sa kanya ko ata nakuha ang katigasan ng ulo.

"H-he's Hanzen. Hanzen Miguel Monteverde."

"Monteverde. Sounds familiar."

"He's the president of Monteverde Shipping Line, and Monteverde Royale Inc." Si daddy naman tumatango tango lang.

"Tell me more about him princess." I just sigh in defeat.

"He's 26. Too make the story short, he's my employer."

"You worked for him? Alam ba nila o ng company nila ang tungkol sa mga ads?"

"He does. Pero hindi naman ako nag ta-trabaho sa company nila eh." Napayuko ako, nahihiya kasi ako eh. Dean's lister kasi ako nung nag aaral pa ko. Pero sa pagiging yaya lang ang bagsak ko. Pero, thankful ako kasi nakilala ko si Hanzen.

 "Then where?"

"I'm his babysitter."

 "BABYSITTER? Jusmiyo, Maria. Hindi ka nag aral para maging babysitter."

"Hindi rin naman ako nag aral para mag asawa lang kaagad." Natigilan siya. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni daddy nung sinabi ko yun. May tampo pa rin ako sa kanila, kahit na okay na kami.

"Ciara... alam kong ang laki ng kasalanan ko sa'yo. Pero sana, mapatawad mo na ko sa pag ma-manipulate ko sa buhay mo. Sana pakinggan mo muna ko."

"Kaya nga po ako nandito ngayon para makinig sa inyo. Kasi kailangan niyo talagang mag paliwanag sakin! Bakit daddy? Bakit gusto mo kong ipakasal agad? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko na makapag trabaho sa company natin? Kailangan ba magna cum laude ako gaya ni ate, para makapasok sa mundo niyo? Ganun na ba kabigat ang tingin niyo sakin kaya gusto niyo na kong ibigay sa iba? Kulang pa ba lahat ng achievements ko? Hindi pa ba ko maihihilera kay ate?"

"Kia... hindi ganon anak..."

"Kung hindi, ano? Nag hihirap na ba ang tayo? Bagsak na ba ang negosyo natin kaya kailangan niyo kung ipakasal kay Jorgen? Gusto niyo bang makipag merging sa kanila?!"

"Ciara, without anyone's company, kayang kaya ng kumpanya natin na makipagsabayan globally. Hindi kita gustong ipakasal para lang sa merging. Nung napag desisyunan namin ang kasal, hindi sumagi sa isip namin ng mommy mo ang kalagayan ng kumpanya. Gusto ko lang naman na... na may mag po-provide ng pangangailangan mo ng hindi na nag tatrabaho. Ikaw ang prinsesa ko, Kia. Ayaw kong uuwi ka ng late dahil nag over time ka sa kumpanya. Ayokong mapuyat ka sa pag gawa ng presentation. Ayokong malipasan ka ng gutom dahil sa mga paperworks na nakatambak sa table mo. I wanted to spoil you in every way you want. Pero, na-realize ko na, you've grown up. Sa pag ma-matured mo, naiwan ako. Hindi ako nakasabay. Sorry for everything, princess."

Naiyak lang ako sa sinabi ni daddy. Naaalala ko nung nasa grade school pa lang ako, pag nag ta-tantrum ako, grabe talaga. Siguro nasa grade two ako nung nagising ako ng madaling araw. Sinumpong talaga ko nun ng sobra. Nung nag iiiyak ako, nagmamadaling pumasok si daddy sa kwarto, may dalang baseball bat, tarantang taranta siya nun. Akala niya kasi may mag nanakaw, bigla na lang akong nag sisisigaw ng ice cream. Pinapatigil ako ni mommy, kasi nambulahaw pa ko para lang sa ice cream. Hindi na daw ako toddler. Nag kataon pa na naubos na yung stock namin na ice cream sa ref. Sarado pa ang mga groceries, kasi nga madaling araw pa lang. Hindi nila ko mapatigil, kaya naman kinuha ni daddy yung susi ng kotse sa kwarto nila at umalis kaming dalawa. Buti merong ibang 24 hours na mini groceries, pero malayo pa sa village namin. Kaya nakabalik kami, sikat na yung araw. Hindi na nga nakapasok si daddy nun sa company kasi napagod siya at puyat na din. Bumili na nga din siya nun ng ilang gallon ng ice cream eh.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon