*Eighteen*

125K 1.1K 22
                                    

"Bad daddy!" Sabi sakin ni Reese habang nag lalaro kami ng barbie dito sa may garden. "Palo niya ko."

"Baby, daddy Hanzen is not bad. Ginawa lang niya yun to discipline you. You say sorry to daddy later, is that clear?" Sinulyapan lang ako ni Reese saka tumango at nagbalik ulit ang atensyon niya sa hawak niyang barbie na nagmumukha ng contortionist, dahil lagi niyang pinapa-split at bini-bend yung barbie. 

"Tita Xienna." Ayan nanaman yang Xienna na yan, juskoo po. Kumikirot ang dibdib ko.

"Baby, paano kung niyaya kitang mag mall, tapus niyaya ka din ni Tita Xienna. Sinong pipiliin mo?" Tinignan lang ako ni Reese na parang may malaking question mark ang mukha ko. Hindi nga naman niya maiintindihan. "Do you love mommy?" Tumayo si Reesesa pag kakaupo niya, lumapit siya sakin at niyakap ako.

"Opo. Love na love kita." Niyakap ko din siya. Sobrang napalapit sakin si Reese. 

"Love na love din kita." Tapus hinalikan ko siya sa cheek niya.

Tumayo ako para sagutin yung tawag sa cellphone ko. Si Nina yung caller. Anu kayang problema ng babaeng to. 

"She's back!" Bungad agad sakin ni Nina pag kasagot ko ng tawag niya.

 "You mean Xienna?"

"Yeah, so kilala mo na pala talaga ang ex." Of course, muntik ng hindi. Wala din kasi sigurong balak ipaalam ni Hanzen sakin.

"Of course I do. Nakapag move on na nga kasi si Hanzen sa ex niya. Kaya sinabi niya sakin." Masamang magsinungaling, pero at least, nakukumbinsi ko ang sarili ko na talagang nakapag moved on na si Hanzen kay Xienna.

"Pinapaalalahanan na kita Maria ha. Matalino ka, kaya alam mo naman siguro ang mga nangyayari sa paligid mo. Kung nakikita mong seryoso si Hanzen sa mga sinasabi niya, eh di pag tiwalaan mo lang siya. Just help him and understand him no matter what. Gaya mo, mabigat din ang pinagdadaanan niya."

"Nina, I am. I'm trying to understand him. I'm trying to accept everything. Pero minsan, hindi ko maiwasan ang mag duda sa mga sinasabi niya. But at least, pinapakinggan ko siya, and somehow, nararamdaman ko din na safe yung puso ko sa kanya."

"Basta ramdam mong masaya ka. Ipaglaban mo yan, ok? Sige na, I'll call you later. Bye." Ini-end call na agad ni Nina yung tawag. Napapaisip ako sa mga sinasabi niya. Pakiramdam ko, may alam siya na hindi ko alam. Bago pa ko makapag isip na kung anu ano, napansin ko na wala na si Reese sa may table na pinag iwanan ko sa kanya. Wala din dun yung barbie.

Nilibot ko pa yung paningin ko at napansin kong bukas yung gate, kaya tinakbo ko yun. Tama ang hinala ko dahil nandun si Reese, may kausap siyang babae na nakayuko at nakapantay sa kanya, naka shades din yung babae, parang hinihila pa nga siya sa braso eh, pero nakahawak yung isang kamay ni Reese sa gate.

"Miss anong kailangan mo?" Napaangat ng tingin yung babae, si Hannah. Bubuhatin niya sana si Reese, pero naitulak ko siya. Alam kong wala akong karapatan, pero kaligtasan ni Reese ang iniisip ko at sa kung anung pwedeng gawin ni Hanzen pag nawala sa kanya si Reese. Biglang umiyak si Reese nung kinarga ko siya.

"Mommy! Mommy!"

"MOMMY?? Ang kapal ng mukha mo. Sino ka? Hindi ikaw ang mommy ni Reese. Ako dapat ang tinatawag niya ng mommy. NILALASON NIYO ANG UTAK NG ANAK KO!!" Nagsisisigaw na si Hannah, para siyang tigre na sobrang galit na galit. 

 "Hannah umalis ka na. Baka maabutan ka pa ni Hanzen."

"Sino ka ba? At anung karapatan mo, ha?? 

"Girlfriend ako ng kuya mo. Kung gusto mong makasama si Reese , tutulungan kita. Kakausapin ko ang kuya mo... pero kung ganitong umiiyak ang bata dahil sa kung anung ginawa mo, hindi ko to sasabihin sa kanya, just leave for now."

"KUNG GUSTO MO AKONG TULUNGAN, IBIGAY MO SAKIN NGAYON DIN SI REESE, AALIS NA KAMI. HINDI NA KAMI MAG PAPAKITA KAHIT KAILAN. MATATAHIMIK NA ANG BUHAY NIYO. BASTA'T IBIGAY MO SAKIN SI REESE."

 "Do you know what you're talking about? You're insane Hannah! You can't have Reese in a snap. You have to earn your kuya's trust para maibalik niya si Reese sa'yo. Patunayan mo ang sarili mo bilang responsableng ina na hindi kayang iwanan ang anak niya sa damuhan para lang iligtas ang sarili niya at makatakas."

"You don't know everything."

"Of course I do, pero sapat na yun para masabi ko na wala kang kwentang ina. Sa ginagawa mo ngayon, pinapatunayan mo lang talaga na hindi dapat mapunta sa'yo Reese." Iyak pa din ng iyak hanggang ngayon siReese, siguro talagang natakot siya. Biglang lumapit sakin si Hannah at pilit na inaagaw sakin si Reese.

"AKIN NA YANG ANAK KO!" Mas lalong umiyak si Reese, siguro dahil nasasaktan. Kaya hindi ko bibitawan si Reese kahit anong mangyari.

 "ANO BA HANNAH? BITAWAN MO SI REESE. NASASAKTAN SIYA." Nag patuloy lang kami sa pag hahatakan. "MANANG LUCIA!! MANANG CELIA!" Nagsisigaw na ko para humingi ng tulong. Nung nakahanap ako ng tyempo, tinulak ko ng malakas si Hannah, dahilan para maupo siya sa may gutter. Nagmadali akong tumalikod, sa taranta ko, hindi ko na nasarado yung gate. Ang focus ko lang, maipasok si Reese sa loob ng bahay. Nakita ko sila Manang Lucia na humahangos na papalapit samin ni Reese. 

Naramdaman ko na lang ang hapdi sa kaliwang braso ko. May umaagos na dugo. Sobrang sakit. Kinuha agad nila Manang Lucia si Reese sakin. Akmang susugod ulit si Hannah para kuhanin siguro si Reese, pero hinarangan ko siya at itinulak. 

"MAG KAKAMATAYAN MUNA TAYO, BAGO NIYO MAILAYO ULIT SAKIN SI REESE" Akmang sasaksakin niya ko, pero nahawakan ko ang braso niya, pilit niyang inilalapit yung kutsilyo na hawak niya. Ang lakas niya kumpara sakin na may malaking sugat sa kaliwang braso. Napapagod na kong pigilan ang pag tulak niya sa kutsilyo papunta sakin. Feeling ko, bibigay na ko any minute. I have traumatophobia. I can't stay any longer pushing the knife away from me. Nung nabitawan ko ang braso niya, alam kong katapusan na to. 

"HANNAH!!" The last thing I heard, before I passed out.



(c) Eilramisu

Lalalala =)) Nababagot na ba kayo?? Tara, usap tayo =)) Napipikon na kasi ako sa candy crush eh. Hahahahaha. 

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon