Chapter 23: Potassium Girlfriend

981 23 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 23: Potassium Girlfriend


"Babe, gusto ko pagtayo nagkababy, gusto ko babae para kami lang dalawa ang babae sa buhay mo.." sabi ni Agatha kay Van.


Tahimik lang ako sa likod ng kotse habang kanina pa daldal ng daldal si Agatha. Masakit sa tenga ang boses ni Agatha dahil sa sobrang tinis nito. Kaya naman itinuon ko naman yung sarili ko sa bintana ng kotse ni Van habang pinagmamasadan na lumalagpas na ito.


"Ok ka lang ba?" tanong ni Van hindi ko alam kung sino saming dalawa ni Van ang tinatanong

"Of course babe im fine! Ano bang klaseng tanong yan.." sagot ni Agatha.

"Not you babe si Cai.." at saka napatingin naman sa review mirror at hihinintay ang responce ko.

"You don't have to worry about Van im fine.." sagot ko sa kanya.


At napatingin naman ako sa girlfriend ni Van at masama ang tingin nito sakin. At napansin ko namang huminto yung kotse ni Van sa Petron para siguro magpagas nagpaalam si Van na umalis muna para mag cr. At naiwan naman kami ni Agatha sa kotse nya, tahimik at walang nagsasalita.


"You know what.." napalingon naman ako sa kanya ng magsalita ito.


Nakataas ang kilay nito at ramdam ko na hindi nya talaga gusto ang presensya ko. Kung alam ko lang na ganito eh di sana hindi na lang ako sumabay kay Van.


"Magiging pranka ako sayo, ayoko sayo Cai at ayoko sa ginawa mo kay Van. As far as i know your just his ex-girlfriend right?" sabi nito.


Naparoll naman ako ng eyes sa sinabi nya,  ano bang pinapalabas nito? 

"To tell you honestly girl, yes im his ex-girlfriend but remember im his childhood bestfriend. At isa pa hindi rin naman kita gusto para sa bestfriend ko, para ka kasing saging mayaman sa potassium.." sarcastic kong sabi.

"What?"

"Hindi mo alam? Potassium, oo nga pala nakalimutan ko na high school graduate ka lang, pero sa pagkakaalam ko third year pa lang pinagaaralan na yung periodic elements.." nakangiti kong sabi. " Potassium, pota na assuming pa, opps sorry for the word, nacarried lang ako mukha ka kasing saging.." pagpapatuloy ko.


Akala nya ba sya lang marunong magtaray, well nagsisimula pa lang ako. Nagsisismula pa lang akong bawiin ang akin, bawiin si Van sa kanya.


Napansin ko namang napakuyom naman ito ng kamao at hinihintay ko na lang na suntukin nya ako sa sinabi. Batay kasi sa nakuha kong impormasyon miyembro sya sa club, sabagay mapapansin mo na lang sa kanya dahil nakahalter top sya at kulang na lang ilabas na nya yung ano ang maipapakita nya pa. Then nakasupershort shorts. Nagbago na ba yung taste ni Van sa mga babae? 


"Sorry tagalan ako, tara na.." sabi ni Van at saka bumalik sa driver's seat.



Napangisi na lang ako at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Nagpahatid naman ako sa bahay at pinagbuksan pa ako ng pinto ni Van pero ako na lang nagbukas nun at baka maghuramento yung potassium girlfriend nya.

Unexpected You [CGS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon