Chapter 30: Runaway

1K 28 0
                                    


WARNING! WARNING! RESTRICTED AREA! PLEASE READ FOR YOUR OWN RISK.

_________________________________________

Unexpected You by MyrrhRamirez

Chapter 30: Runaway

'Sana maabutan ko pa sya..'

Sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo palabas ng simbahan, pero napahinto naman ako sa pagtakbo ng bigla kong maalala kung saang airport ko hahanapin si Van.

'Bakit di ko na naisip yun? Ang daming airport sa Pilipinas saan ko naman sya hahanapin dun?'

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok dahil sa inis. Napansin ko namang napatingin naman yung mga tao sa persensya ko, siguro iniisip nila na isa akong baliw dito. Kaya naman napaupo na lang ako sa isang bench na malapit sa playground.

Yung akala ko magiging happily ever after na drama ko, nagkamali ako. Paano ko nga kasi sya hahanapin eh ang daming airport sa Pilipinas? Sana sinabi man lang ni Anna kung saang airport sya nagsayang pa tuloy ako ng effort sa pagtakbo. -_-!

Napabuntong-hininga na lang ako sa mga iniisip ko ng magulat ako ng may nagabot ng mineral bottle sa mukha ko, kaya naman napalingon ako sa kung sino.

"Alam kong nauuhaw ka kaya tanggapin mo nakakapagod maghawak.." sabit nito.

Kilala ko ang boses na yun... Kaya walang anu-ano ay agad naman akong tumayo at nilingon ito at saka ko ito niyakap.

"San ka ba galing?" tanong ko sa kanya.

Naramdaman ko namang niyakap ako nito pabalik, hindi ko namang maiwasang hindi maluha sa mga nangyayari.

"Namiss mo ko noh?" mapang-aasar nito tanong nito.

Agad naman akong humiwalay sa pagkakayakap sa kanya at saka tumingin ako rito. Bakas rito ang malawak na ngiti sa kanyang mukha, at hinampas ko naman ito ng mahina sa kanyang dibdib.

"Nakakainis ka! Aalis ka na lang basta-basta? Ba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla naman niyang siniil ng halik ang labi ko at mabilis naman itong humiwalay.

"Bakit ko naman gagawin yun kung alam kong anong mangyari ay babalik at babalik ka sakin ng hindi ka kinukuha sa iba.." sabay ngiti nito.

At muli ay niyakap ko ito.

"Uwi na tayo?" tanong nito sakin, kaya naman nag nod na lang ako bilang sagot.

Sumama ako kay Van pauwi sa kanila pero tinawagan ko muna sila Elaine na sila na muna ang bahala kay Marcus. Feeling ko parang teenager na naman ako kung kiligin dahil sa nangyayari ngayon.

"Anong gusto mong kainin Cai?" tanong nito sakin.

"Kahit ano, hindi naman ako mapili basta wag lang lason.." sagot ko at saka naupo ako sa sofa.

Napansin ko namang sumunod ito sakin at saka umupo sa tabi ko.

"O? Akala ko ba magluluto ka?" tanong ko sa kanya.

"Nagbago ang isip ko, ikaw na lang kakainin ko.." he said with husky voice tone.


Hanggang sa nakipagtitigan lang ako rito, pero sa huli ako rin ang sumuko dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya. Masyadong maganda ang mata at iyon ang kahinaan ko. Pero nagulat naman ako ng hawakan nya ang baba ko para ilingon sa gawi nya. He stare at me with full of desire, hindi ko alam pero parang glue ang kanyang mata na hindi ko maalis paningin ko sa kanya.

Unexpected You [CGS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon