Chapter 31: Ice Skating

998 22 0
                                    

Unexpected You By MyrrhRamirez


Chapter 31: Ice Skating


"Oy napapadalas na yang flowers na yan ah!!" sabi ni Elaine habang inaayos nya yung arrange nunsa vase.


Nagpadala na naman kasi ng bulaklak si Van sakin at talagang pinanindigan nya ang sinabi nya sakin. Napangiti na lang ako habang iniisip ko yun habang hinehele ko si Marcus.


"Yung ngiti na yan iba na ah.." pang-aasar nito. "Oy ngiti-ngiti ka dyann alam na ba ni Van yung tungkol dyan kay Marcus?"


Napawi naman yung ngiti ko sa sinabi ni Elaine sakin. Oo nga noh? Paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Marcus.


"O nasaan na yung shining shimmering smile mo? Hindi pa rin alam ni Van? Ayos na kayong dalawa di mo pa sinabi?" panenermon nito.

"Ayokong biglain si Van, Elaine hindi ko alam kung ano ang magiging  reaksyon nya pagnalaman nya na may anak na sya.." sabi ko.


Napansin ko namang nababuntong  hininga sya sa sinabi ko. Umupo naman ito sa tabi ko .


"Elica, lagi mong tatandaan walang lalaki ang hindi matutuwa pag nalaman nyang may anak sya, sa halip ipagmamalaki pa nila yan. Sige ikaw rin magagalit yun sayo..." aba nakuha pa nitong mangunsenya ah. 

"Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya sa pagkakaalam ko, ang alam nya na anak ko si Marcus kay Dalw. Ngayon namomroblema ako kung paano ko sasabihin sa kanya na si Marcus ang dugo't-laman nya.."

"Alam mo girl pinapahirapan mo pa yung sarili mo, simple lang naman ang sasabihin mo sa kanya eh. Anak mo sya tapos ipaliwanag mo lahat.." preteng sabi nito.


Napabuntong hininga na lang ako sa pinagsasabi sakin ni Elaine. Paano ba kasi? 


"Hello girls.." sabay naman kaming napalingon ni Elaine sa biglaang pagsulpot ni Dale sa kwarto.


"O, nagiging big boy na si Marcus ah.." at saka kinuha naman sakin ni Dale si Marcus.

"Walang shoot?" tanong ko sa kanya.

"Meron, sinabi ko lang kay direk na masama ang lagay ko, kaya napaaga ang uwi ko.." paliwanag nito.

"If i know Mr. John Dale Torres tinatakasan mo lang yung fan girl mo na patay na patay sayo. Sa sobrang obsess nya sayo, halos ipagsigawan nya na sa buong media na nobya mo sya.." sarcastic na tono ni Elaine sa kanya na may halos nakakalokong ngiti.


Napangiti naman ako sa mga binaggit ni Elaine at saka tumingin sa kay Dale, napatingin naman si Dale samin pareho ni Elaine at saka napakunot ang noo nito.


"What?" tanong nito.

"Ikaw ah!! Di ko alam yun! Sino naman yang babaeng yan ah?" tanong ko sa kanya.

"Charm? Narinig ko sa media na Charm yung pangalan ng babae eh? Sabi pa nga charm na nga ang pangalan nya pero baka hindi daw tumatalab kay Dale.. Nako nako tinamaan nga naman ni kupido.." at saka napailing naman si Elaine.

Unexpected You [CGS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon