Chapter 4: Accident

1.3K 35 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez




Chapter 4: Accident


"Are you ok?" tanong ni Dale sakin pagkatapos akong ihatid nito sa bahay.

"Yes, im ok.." sagot ko at saka tinaggal ko yung seatbelt ko.

"Something's bothering you Elica, what's wrong?" pangungulit ni Dale sakin.

"Wala naman sadyang pagod lang ako sa party kanina, kailangan ko ng magpahinga mag-ingat ka ha.." sabi ko at saka bumaba na ako ng kotse nya.



Balinganga naman akong papasok sa loob ng bahay ng mapansin ko na may naapakan ako kaya naman napatungo ako. Napatingin naman ako sa sahig at may nakalapag na bouquet dun kaya naman agad ko naman itong dinampot. Napangiti naman ako dahil sa ang ganda ng pagkaka-arrange dun sa bulaklak at napatingin naman ako sa note na ito.


'I really miss you Cai and your finally back..'


Napakunot naman ako ng noo dun sa note na nabasa ko. Sino naman kaya ang nagpadala nito? Baka nagkamali lang...tama baka nagkamali lang.



Pumasok na lang ako sa loob ng bahay ko at saka inilagay yung bulaklak dun sa vase para hindi malanta at saka agad naman akong nagcollapse sa kama.




...

...

...


"Sinabi nya yun sayo nung gabing yun?" hindi makapaniwalang sabi ni Anna sakin habang kumuha ito ng push cart nya.

"Oo, hindi ko alam kung anong pinapalabas nya eh.." at saka nagsimula naman kaming itulak yung push cart papasok ng Puregold.


Naikwento ko kasi sa kanya yung tungkol dun kagabi sa sinabi ni Van, nalilito kasi ako kung ano bang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nyang 'Don't be'.


"Ang gulo talaga ng lalaking yun, mas mahirap pa sya itindihin kesa satin.." sabi ni Anna habang kumukuha ng canned goods. "Pero ako sa yo Elica, mas gugustuhin ko pang si Dale ang kasama mo kesa si Van. Alam mo kung bakit? Kasi si Dale madalas napapangiti ka, pero si Van? Puro pasakit lang sa buhay nyan ang ginawa sayo.."

"Pero Anna si Dale ay kaibigan ko lang, wala naman akong feelings dun sa tao eh kahit na ilang ulit pa nya akong pakilingin wala talaga.." protesta ko sa sinabi nya kaya naman napaharap ito sakin.

"Patay tayo dyan na friendzone pa si Dale, baka siguro iniisip nun na masaya sya pagkasama mo sya pero ikaw naman tong lipad ang isip sa ibang tao...Akala ko ba move-on ka na sa lalaking yun Elica?"

"Yun ang akala ko Anna pero ang totoo hindi naman nagbago ang tingin ko kay Van eh.."

"Hayss...ang hirap naman kasi ng kaso mo Elica, well let's talk about it later girl maghiwalay na muna tayo.." sabi ni Anna at iniliko nito ang push cart nya sa kung saan.


Habang ako naman ay busy sa pamimili when someone bumped my push cart kaya naman napalingon ako sa gumawa nun.


"Gosh! Ang lawak ng space bakit ba ginigitgit mo ako sa gilid!"inis na sabi ko dun sa nakabangga sakin.


Lumingon naman yung nakabangga dun sa push cart ko at..


"Ikaw tong bumunggo sakin, ikaw pa ang galit.." sabi nito habang hindi tumitingin sakin.



Inirapan ko na lang ito at saka itinulak ko yung push cart ko palayo sa nakakabwiset na lalaking to.


'Kita mo na, ang kulit din maglaro ng tadhana eh noh? Talagang hanggang Puregold nandito din sya? Ok just ignore him Elica..'



At nagpunta naman ako dun sa fruits and vegtables section then may isang girl na lumapit sakin for sampling kaya na kumuha ko ng may bumangga sa kamay ko at napalingon naman ako kung sino yun.



"Hanggang dito ba naman?!" inis na sabi ko sa kanya.



Kaya naman agad kong ng binitiwan yung hotdog at humarap ako sa kanya.


"Alam mo hindi ka pa rin nagbabago. Let me tell you na hindi kita sinunsundan dito, nagkataon na nandito ako.." sabi ko at tinalikuran ako nito.

"Well long time no see.." sabi nito kaya naman asar akong lumingon dito.


Pero tinalikuran ako nito kaya naman napanganga na lang ako.



' Ano daw? Long time no see? Eh nagkita na kami kahapon ah?'



Argh!! Ang gulo talaga ng lalaking yun! Bahala nga sya sa buhay nya!



Pagkatapos ay agad naman akong nagtungo sa counter para bayaran yung pinamili ko at pumunta na lang ako sa parking lot para hintayin si Anna. Habang naghihintay ako, hindi ko naman maiwasang hindi maiinis sa mga naiisip ko ng dahil sa nangyari kanina. Argh! That guy! Kabwiset!


Agad ko namang dinampot yung bato na nakakalat kaya yun naman ang pinagbuntunan ko ng galit. Kaya naman naibato ko ito sa sobrang inis ko.



"ARGGGGHHH!" sigaw ko pero...



Nakarinig naman ako ng kotse na tumunog kaya naman nataranta ako.



"OMG! GHAD!" sabi ko habang natataranta.


Kaya naman agad akong pumara ng taxi at saka umuwi.



'Sorry Anna but i have to go!'



Gosh! Kanina kaya yung kotse na mint green na yun? Makukulong pa yata ako dahil nakabasag ako.


OMG! Look what have you done Elica!

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now