Chapter 33: Lies Over Truth

909 25 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 33: Lies Over Truth


Hindi ko maipinta sa mukha ko ang ngiti na kusang kumawala sa saking mga labi na hindi ko maitago. Hindi ko inaasahan na si Van ang lalaking pakakasalan ko. Nung una akala kung sino ang balak na ipakasal sakin ni Dad, sa kabila ng mga nangyari pero that's life nga naman. Kaya eto nakakagaan ng loob. Ni hindi ko nga alam kung paano nangyari..


Pero agad din na nawala yung ngiti ko ng may naalala ako. Paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Marcus? Natatakot ako na baka layuan nya ako pag sakaling nalaman nya ang tungkol kay Marcus. Kung mangyayari man yun, siguro kailangan ko ng maghanda.


"I can't believe kumpadre na sa tagal na panahon ay magkikita pa tayo. Simula ng malaman ko na may last will si Flor ay hindi na ako nagdalawang isip na hanapin kayo. Pero kung noon ko pa nalaman ang tungkol dito edi sana hindi na umabot sa ganito.." anang Dad.,

"Dad, don't blame yourself sa nangyari samin. At isa pa God has a plan kung bakit nangyari samin ni Van yun.." at saka kumawala ako ng isang buntong hininga. "Pero Dad, natatakot ako... Natatakot ako na baka malaman nila ang tungkol kay Marcus.." pag-aalalang sabi ko kay Dad.



Napansin ko namang napabuntong hininga na rin si Dad sa sinabi ko. Hindi pa kasi alam ng mga Villaflores na may anak ako kay Van. Ewan ko ba parang isang pagkakamali lang ng pamilya namin ay big deal na yun sa iba at isa pa panigurado sira ang apelyidong dinadala ko.


"Mas maganda siguro hija na habang maaga pa ay sabihin mo na kay Van ang tungkol kay Marcus. Wala namang masama anak kung susubukan mo and besides magiging pamilya din kayo.."


May point din naman si Dad pero taon din ang lumipas simula ng iwan nya ako. Hindi ko alam...Siguro mas magandang ipakilala ko na si Van kay Marcus..


"Hija wag kang pangunahan ng  takot, wala namang masama kung sumugal ka minsan kung alam mo naman na may paroroonan. Pero nakadepende sayo ang desisyon Elica, its either sasabihin mo o hindi.."

"Hindi ko rin masasabi Dad.." at saka napatingin naman ako dun kay Mr. Walter na butler namin.

"Lady Elica may bisita po kayo, kanina pa po sya naghihintay.." sabi ni Mr. Walter.

"Sino daw?" tanong ni Dad.

"Van raw ho ang pangalan nya.." 



Nagkatingnan naman kami ni Dad sa sinabi ni Mr. Walter, nagnod na lang si Dad na senyales na puntahan ko na si Van. Kaya naman umalis na ako sa harapan nya at saka tinungo si Van.


Nadatnan kong nakaupo si Van sa sofa at tahimik lang ito. Ramdam ko ang kakaibang aura na meron sya yung prang galit. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba sya o ano eh kaso napapangunahan ako ng takot. Huminga na muna ako ng malalim at saka lumapit ako rito. Nang mapansin na nya ako ay napatingin ito sakin kaya naman umupo ako sa isang loveseat, ngumiti naman ako. But he stare at me coldly.


Umupo naman ako sa tapat nya at saka hinintay ko ang sasabihin nya. Tahimik.. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot samin. Magsisimula pa lang akong magsalita ng..


"Totoo bang.." panimula nito.


Pero hinintay ko ang kasunod nito, pero wala na akong nakuhang sagot. Napalunok na lang ako at hinihintay ko pa rin ang susunodnyang sasabihin.


"Totoo bang ginagamit mo lang ako Elica?" tanong nito sakin.

"Ano bang sinasabi mo Van?" tanong ko.



Hindi ko alam kung saan nya nakuha yung tanong nya pero masama ang kutob ko sa nangyayari sa pagitan namin ngayon.


"Please Elica, sabihin mo sakin ang totoo. Yung anak mo.. Ginagamit mo lang ba sya para gantihan ako?"

"Ano bang pinagsasabi mo Van? Paano napasok sa usapan to ang anak ko?"

"Anak mo sya kay Dale hindi ba? Bakit ka pumayag magpakasal sakin kung kasal ka naman kay Dale? At ngayon ginagamit mo ako para makaganti ka sa lahat ng ginagawa ko sayo? That's bullshit Elica! Mahal kita pero bakit paulit-ulit mo na lang akong sinasaktan?!" galit na sambit nya sakin.


Nanlaki na lang ang mga mata ko sa mga salitang binitiwan nya. At sino namang abnormal ang nagsabi sa kanya nito? 


"Listen to me first Van hindi natuloy ang kasal namin D-"

"Then bakit noong buntis ka kaasma mo sya? Bakit nagsawa ka na sa kanya?"

"No! It's not what you think Van! Mali ang mga iniisip mo! Kaibigan ko lang si Dale at iyon ang totoo! At si Marcus-"

"At si Marcus ay anak ko? Ganun ba yun Elica? Don't make me fool Elica nahuli ko na lahat ng binabalak nyo. Paano ko magiging anak si Marus kung wala namang namagitan satin.."  malamig na sabi nito.


Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa lahat ng salitang binitiwan nya. Hindi ko inaasahan na masasabi nya sakin yung mga ganung bagay na yon. Mali sya... Mali sya ng iniisip sakin dahil merong namagitan saming dalawa patunay na si Marcus yun.



Namuo na lang ang mga luha sa mga mata ko dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.


"Makinig ka muna sa kin Van, hindi ko alam kung saan mo nakuha yang mga balitang yan, pero maniwala ka walang namagitan samin ni Dale-"  at saka humawak ako sa braso nya na tila nag makakaawa.



Pero laking gulat ko ng puwersa nyang inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata nya na nasasaktan sya, pero mas nasaktan ako dahil hindi man lang nya ako binigyan ng pagkakataon na sabihin sa kanya ang totoo.



Napansin ko naman ang pag-alis nito at saka napatingin na lang ako sa kanya habang nagkalalakad na itong palayo sakin.


'Not again Van...not again..'

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now