Chapter 12: Proxy

1K 34 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez





Chapter 12: Proxy



From: Dale

Don't forget sa photoshoot Elica.




Maaga txt sakin ni Dale, hindi ko na mumulat ang mata ko bigla namang nagvibrate sa tabi ko yung phone ko. Nang mabasa ko yung txt nya bigla ko namang naalala yung usapan namin nung isang araw. Yung photoshoot namin sa Bench. Hayss, kung iisipin naiilang ako sa aura ni Dale pagkatapos kong sabihin sa kanya na si Van ang mahal ko at hindi sya.




Bumangon naman ako sa kinahihigaan ko at saka agad naman akong nagtungo sa kusina, bumungad naman sakin yung mag-asawang Eleazar na busy na kinakalkal ang kusina ko at nakuha pa nilang magharutan. Haysss, define lovelife nga naman..



"Trespassing kayo sa pamamahay ko ah!" sabi ko sa kanila kaya naman napahinto naman sila sa paghaharutan.

"Gising ka na pala Elica, eto pinagluto ka namin ng specialty kong chicken soup.." sabi nito at ginulo naman nito ang buhok ko.



Napakunot naman ako ng noo sa inakto ni Anna sakin.



"Kuya Gil, anong nangyayari dito sa asawa mo?" tanong ko pero binigyan naman ako nito ng malawak na ngiti.

"Ang weird nyong dalawa promise.." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Wag kang mabibigla sa sasabihin namin Elica.." sabi ni Kuya Gil at napatingin pa ito kay Anna at saka binalik nila yung tingin sakin.

"Im pregnant Elica, magigign tita ka na!" sabi ni Anna sakin.

"So?"

"Anong so? Di ka ba masaya?" tanong ni Anna sakin.




Tumayo naman ako saka...




"CONGRATULATIONS!!" at niyakap ko naman silang pareho.


Kaya naman agad akong napahiwalay sa kanilang dalawa.


"Kailan nyo pa nalaman?" tanong ko.

"Ngayon-ngayon lang balak pa naman sana naming isurpresa sa iyo kaso tulog ka baka...alam na.." sabi ni Anna at nagmake face pa ito.

"Tsaka ang gusto ni Anna ikaw ang magpaglihian nya kaya ang aga naming trespassing dito.." sabi ni Kuya Gil sakin.

"H-Halata nga.." sabi ko at saka bumalik uli ako sa kinauupuan ko.

Unexpected You [CGS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon