Chapter 36: Little Van

1.1K 24 0
                                    


Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 36: Little Van


Napalingon na lang ako sa lalaking nasa tabi ko, at naramdaman ko naman ang mahigpit na pagkakayap sakin. Naramdaman ko naman na lumapat yung labi nya sa noo ko sensyales na nirerespeto nya ko.


"I love you Cai.." bulong nya sa tenga ko.


Napangisi na lang ako dahil nakiliti ako sa ginawa nya. Tumingin naman ako sa kanya at gumanti ng halik.


"I love you too Yan.." sagot ko sa kanya.


Siniksik ko naman yung mukha ko sa dibdib nya at naririnig ko ang tibok ng puso nya.


~Flashback~

"Im sorry Cai... Im really really sorry.."

Yakap-yakap ako ni Van habang umiiyak ako. Ewan ko ba sa sarili ko at sa wakas nailabas ko na yung sama ng loob ko sa mahabang panahon.

"Do you believe on her? Pagkatapos ka nyang lokohin, maniniwala ka na naman sa babaeng yan?! Van niloko ka nya!" galit na sambit ni Agatha.


Naramdaman ko namng humiwalay sa pagkakayakap si Van at hinarap si Agatha. Tinignan ko lang si Agatha na parang desperada na sa harap ni Van pero nakaramdam naman ako ng awa rito.

"Will you please stop this non sense Agatha? Tama na yung isang beses na pinaniwala mo ako sa mga kasinungalingan mo. " inis na sambit ni Van sa kanya.


Nagulat na lang ako sa sunod na nangyari. Biglang lumuhod sa harap ni Van si Agatha.


"Please Van.. Iniwan ka ng babaeng yan. Nang di dahil sakin hindi mapapariwa ang buhay mo! Noong panahong gulong-gulo ka sinong kasama mo? Ako diba? Sinong naging sandalan mo? Ako diba?" sabi nya.

"Sana noon pa lang hinayaan mo na lang ako Agatha. Hindi ko hiningi ang tulong ng kahit sino Agatha at ikaw lang itong nag inist kahit na ayaw ko.."

"Bab-"

"Stop it Agatha! Umalis ka na sa harapan ko bago pa may magawang masama ako sayo.." malamig na sabi nito.


At napansin ko namang biglang umalis si Agatha na umiiyak at tumakbo palayo samin.


"Chase her Van-"

"No, hindi kita iiwan dito. Hayaan mo sya na marealize ang pagkakamali nya.."

"Pero.."

"No bur Cai, bumalik na tayo sa resthouse.."

~End of Flashback~


Hindi ko alam kung ano ang sunod na nangyari, iniisip ko si Agatha na baka bumalik yun ng hindi namin namamalayan. I feel guilty for her.. Ewan ko ba bakit pakiramdam ko na ang sama kong taong pagkatapos ng nangyaring yun.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." sabi ni Van na hindi ko namalayan na nasa tabi ko.


Nilingon ko naman ito at saka ngumiti.

"Ano bang iniisip mo?" tanong nya uli.

"Iniisip ko lang kasi si Agatha, at isa pa naguguilty ako sa nangyari sa kanya kagabi at isa pa nagmahal lang naman sya diba?"

"Nagmahal sya sa maling tao, minahal nya yung tao na pag aari na ng iba Cai. Hindi sa lahat ng oras ay magbibigay ka. Matuto kang magtira para s sarili mo.." at naramdaman ko ang magaang na paghalik nya sa pisngi ko.


Mapait naman akong ngumiti sa kanya. At bigla na lang sumagi sa isip ko si Marcus. Matatanggap kaya ni Van si Marcus?

Nagulat naman ako bigla akong halikan ni Van. Namumuro na to ah.


"Ang lalim ng iniisip mo don't worry kakausapin ko sya-"

"No Van hindi tungkol dun.. Yung about kay Marcus.." napansin ko namang napakunot naman ito ng noo. "Y-Yung kay Marcus, aish! Di ko alam kung paano sasabihi-" nagulat ako ng ilagay nya yung index finger nya sa labi ko na tila pinatatahimik ako.

"Ssh.. I just wanted to meet my sob, now get dressed at uuwi tayo ng Manila..." then another kiss na naman.

Kiss stealer talaga tong si Van.

Bumangon naman ako at saka inayos ko yung sarili ko. Excited na akong umuwi ng Manila at namiss ko na yung baby ko.


***


Dalawa't-kalahati ang biyahe pabalik ng Manila. Ni hindi nila napansin yung pag alis namin dahil ipaalam ni Van, mahirap na baka sumunod sila.

Pinindot ko yung doorbell at mabilis naman itong binuksan kaya mabilis naman kaming nakapasok ng mansion. Sinalubong naman kami ni Mr. Walter habang hawak nya si Marcus at nang mapansin kami ni Marcus ay agad naman itong lumapit sakin at niyakap ako.

"Mommy!" at saka tumakbo ito palapit sakin.


Agad ko namang binuhat ito saka hinalikan ako sa pisngi.


"I miss you Mommy! Ang sabi ni lolo nasa work lang daw kayo bakit ang tagal nyo makabalik?" madaldal na sabi ni Marcus.


At napansin ko naman napatingin ito sa gawi ni Van.


"Mommy who is he?" inosenteng tanong nito.

"Baby sya si-"

"Your daddy.." singit nya.


Napansin ko naman napakunit ng noo si Marcus sa sinabi ni Van at saka tinignan nya ito ng mabuti.


"Akala ko ba patay na si Daddy?" tanong nya sakin.


Umiwas na lang ako ng tanong sa sinabi ni Marcus.


"Its a joke son, come here. " at kinuha naman sakin ni Van si Marcus.


Napangiti naman ako ng makita ko na magkasama ang mag-ama ko. Parang nabunutan na rin ako ng tinik sa dibdib ko. Ngayon may kinikilalang ama na si Marcus.


"Ang gwapo naman ng anak natin. Manang-mana talaga sa daddy.." sabi nito at kinurot naman nya ito sa ilong.

"Oo parang binagbiyak na bunga kayo dalawa pati ugali mo nakuha nya. Wala man lang nakuha sakin yang si Marcus.."

"Then, we make another you kamukha mo naman.." at mahina ko naman itong hinampas.

"Kailan ka pa naging pervert Van?" inis na tanong ko.

At narinig ko namang tumawa yung dalawa. Umalis na lang ako at nakita ko naman sa periphial vision ko na nagtatawanan sila. Napangiti na lang ako.


Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now