Epilogue:

1.4K 32 2
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez


Epilogue:

"Mom! Dad! Let's go!" sigaw ni Marcus.



Dali-dali ko namang kinuha yung mga gamit nakakailanganin namin sa picnic. Nahihirapan pa ako kasi malaki na ang tiyan ko at mukhang ka buwanan ko na. Pero eto may gana pa akong mag-gala.

Pasimuno na naman kasi si Elaine na kailangan na may baby shower daw. Una naiinggit sya dahil second baby ko na ito. Pero nagulat ako ng malaman ko na nagdadalang-tae este tao din si Elaine. Tantya ko mga nasa 5 months na rin yung baby.


"Marcus wag kang magmadali.." inis na sambit ko sa anak ko.

"Pumasok ka na sa kotse, aalayan ko lang si Mommy mo.." utos ni Van kay Marcus.


At dahil masunuring bata si Marcus ay pumasok na ito sa back seat. At si Van ay inalalayan ako papasok ng passanger seat. Nahihirapan kasi akong gumalaw malaki nga yung tiyan ko kaya naman si husband to the rescue. Hindi namin alam kung ano ang magiging gender ng anak namin, mas gusto namin ang surprise para mas exciting.


"Dahan-dahan lang Cai baka malaglag yung anak ko.."


Tignan mo tong lalaking to mas inaalala nya pa si baby kesa sakin.

Napansin nyang hindi pa ako pumapasok sa loob ng kotse kaya naman lumapit ito. Nakapout lang ako sa kanya.


"What?" takhang tanong nya.

"Hindi mo na ba ako love?"

"Syempre love kita, ano na naman bang nangyayari sayo?"

"Hmph! Parang ayaw ko ng ilabas si baby kasi sya lang inaalala mo.." at kusa na akong pumasok sa loob.


Nakita ko naman sa periphial vision ko na napailing ito. Siguro tinopak na naman ako, mahirap talaga pag buntis ka pati yung mood mo nababago.

Pumasok na sya sa kotse at tinignan nya si Marcus na busy sa paglalaro sa PSP nya.


"Hey young man! Ok na ba lahat?" tanong nya kay Marcus.


Nagthumbs up na lang si Marcus habang hindi nakatingin kay Van. Napangisi na lang si Van at saka instart ang kotse.

Sa kalagitnaan ng biyahe (oo malayo kasi ang pupuntahan namin) nagkantahan naman yung mag-ama. Nagpapataasan pa sila ng boses at natatawa na lang ako pag may pumipiyok sa kanila. Pero hindi ko inaasahan na sumisipa si baby sa tiyan ko kaya naman napapaaray na lang ako.


"Mukhang naiingayan lang si baby sa inyo, itigil nyo na yan.." tumingil naman yung mag-ama at tawanan na lang ang naririnig ko.


Pero hindi na normal ang nararamdaman ko. Mas lalong sumakit yung tiyan ko.


"Mom? Are you ok? You look so pale.." ani ni Marcus.

"Malikot lang si baby, anak.." sabi ko.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now