Chapter 14: Answer For My Question

1K 36 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez




Chapter 14: Answer For My Question



Nandito ako ngayon sa L.U kahit pasado ala-una na ng umaga ay hindi ako sumuko para hanapin yung statue na yun. Sa lawak ng secret gared na ito sigurdo aabutin pa ako ng ilang araw para hanapin yun.



"Psst.." rinig kong may sumisitsit sakin.



Sinimulan naman akong kabahan, pero hindi ko yun pinansin at patuloy ako sa paglalakad.



"Psst..psst.."




Napahigpit naman yung hawak ko sa flashlight ko at tinuloy ko pa rin yung paglalakad ko.



'Kahit anong mangyari, hahanapin ko ang sagot sa mga katanungan ko..'



"Psst....pssst.........psst.."




Sa sobrang kabado ko ay nagawa ko namang tumakbo. Hindi kaya may pagalang-gala sa Secret Garden na isang masamang kaluluwa na pinatay ng walang awa? Wait? Ang OA na ng imagination ko.



Naghanap naman ako ng matataguan ko at nagtago naman ako sa isang malaking bato. Napansin ko naman na nawala na yung sumisitsit sakin kaya naman nakahinga naman ako ng maluwag. Binuksan ko yung flashlight ko at hindi ko naman maitago ang tuwa sa labi ko.



'Nakita ko na yung hinahanap ko..'





Inilawan ko naman yung statue na nakita ko at napatingin naman ako sa paligid at naanig ko yung magkatabing statue ng aso at rosas na yun.




'Ngayon malalaman ko na ang sagot..'



Kaya naman sinimulan ko naman yung gawain ko, ang hanapin ko yung sagot sa katanungan ko, halos abutin na ako ng alas singko ng umaga at hindi ko pa rin nakikita yung hinahanap ko. Kanina pa ako paikot-ikot sa dalawang statue na ito pero hindi ko makita yung sagot na yun, pero hindi pa rin ako sumusuko..



"Elica?" at napalingon naman ako sa tumawag sakin.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now