Chapter 6: Hindi Ko Alam

1.3K 33 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez




Chapter 6: Hindi Ko Alam


Nandito ako ngayon sa boutique ni Myrrh at tinutulungan ko sya sa mga ginagawa nya. Dahil kagabi halos hindi ako pinatulog ng lalaking yun. Halos naka141 dial na ako sa kanya at hindi nya sinasagot yung mga tawag ko, kaya naman nandito ako para huntengin yung lalaking yun.






"Girl, gusto mo bang magmodel ulit? Babayaran naman kita eh..." sabi sakin ni Myrrh at pinagiikot ko nito ang daliri nya na tila humingi ng pabor.



'Kunwari pa tong babaeng to, para hindi naman malakas sakin..'



"Ok.." tipid na sabi ko sa kanya.



At saka binaling ko naman yung tingin ko dun sa mga sketch ni Myrrh na nakakalat sa study table nya. Kaya naman agad ko naman itong inaayos at napansin ko naman na naglagay na naman ito ng sipit sa gilid ng buhok nito. Napaliling na lang ako sa ginawa nya. Nagmukha na naman tong sampayan sa ginagawa na pero bagay naman sa kanya yung pinaggagawa nya.




Mga 11:30 na rin ng mapansin ko ng makarating na si Van sa boutique ni Myrrh. Good, dahil sigurado yari sya sakin. >_<



"Van!" tawag ni Myrrh sa kanya at binaling ko naman yung tingin ko sa iba baka kasi mahalat nya na nakatingin ako.



Alam nyo na...medyo assuming din yan...




Naramdaman ko naman na papalapit silang dalawa sakin kaya agad naman akong napatayo at kinuha ko yung damit na imomodel ko sa photoshoot mamaya. Kaya naman lakad-takbo na ang ginawa ko para makapasok sa dressing room. Pero sa hindi inaasahan ay nasabit yung paa ko dun sa kurtina kaya naman napadapa ako. Pagkatigala ko nakita ko si Van at Myrrh habang nakatingin sakin.




"Elica anong ginagawa mo dyan?" tanong ni Myrrh sakin kaya naman agad naman akong napatayo.



Napakagat naman ako sa ibabang labi ko sa hiya dahil nakita pala nya yung pagkadapa ko, at hindi lang yun!! MARAMI ANG NAKAKITA!!




"Nandito ka naman?Siguro sinusundan mo ko dito noh? Umamin ka.." sabi ni Van sakin at ngumisi ito.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now