Chapter 38: Elisha's Confession

1.1K 25 0
                                    


Unexpected You by MyrrhRamirez


Chapter 38: Elisha's Confession


Inurong yung kasal ko kinabukasan dahil na rin sa nangyari kahapon. At nalaman ko kay Dad na patibong nya pala yun kay Van para malaman kung gaano daw ako nito kamahal. Worth it naman dahil nakita ko na rin ang possesive side nya.

Nandito kami ngayon sa isang jewerly shop at naghahanap ng singsing para sa kasal. Ewan ko ba sa lalaking yun at gustong palitan yung biniling singsing nila Dad. Di daw kasi bagay at old fashion daw. Ang arte diba? Kaya eto, ang hirap pumili ng design kasi ang gaganda talaga kung pwede nga na isuot lahat sa daliri ko gagawin ko eh.


"Ano may napili ka na ba?" inip na sabi ng katabi ko.

"Tsk! Ang hirap kayang pumili! Lahat kasi magaganda eh..." at saka napakamot na lang ako sa ulo ko. " Eh kung tinutulungan mo kaya ako diba? Hindi yung sunod ka ng sunod dyan.." inis kong sabi sa kanya.

"Kung gusto mo kunin mo na lang lahat ng singsing dito tapos isuot mo lahat sa daliri mo.."


Napairap na lang ako sa sinabi nya. Ang galing talagang mag suggest ng lalaking to. -.-


"Ewan ko sayo Van.." inis na sabi ko at saka iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at naghanap ng pinakamagandang singsing dito.


Nagpatuloy ako sa paghahanap at dahil ayaw makipagcooperate ng lalaking to ako na lang. Bahala sya sa buhay nya.


"Are you looking for your wedding rings ma'am? How about this? Latest po ang design na to. Maraming gustong kumuha pero dahil sa may kamahalan mo wala po kumukuha.." sabi nung sales lady.


Napatingin naman ako dun sa singaing na pinakita ng sales lady. Ang cute kasi ng design kasi nakahiga yung eight tapos may diamond sa gitna. Kaso eto kasama ko walang pakialam.


"Ano yan na lang?" bored na tanong nya.


See sabi ko naman sa inyo walang pakialam ang isang to.


"Parang di ka naman satisfied? Van naman! Cooperation please!" at saka umirap ako sa kanya.


Napakamot na lang sya sa batok nya at saka umiwas ng tingin sakin. Kahit na naiinis ako sa kanya nakukuha ko pang kilingin sa kanya


"Miss kukunin na namin yan.." sabi nya dun sa sales lady.


Mukhang nagulat pa nga yung sales lady nung sinabi ni Van na kukunin na yung singsing. Pero sa hindi nagyayabang barya lang kasi sa fiancee ko yun.


May sinulat na kung ano-ano si Van dun at kung anu-ano pang transaction ang pinaggagawa. At nagulat ako ng bigla akong hilain palabas ng jewerly shop nitong lalaking to. Ewan ko ba dito at tinamaan na naman ng mood swings nya. Sigurado mamaya galit na naman to.

Ang buong akala ko kung saan ako dadalhin nito ni Van sa mansion na naman pala. Dati hindi sya basta-basta makakapasok ng mansion pero ngayon anytime kahit mag pabalik-balik pa sya ok lang. Eh tropa na sila nung guard at mga maids dito.

Unexpected You [CGS #3]Where stories live. Discover now