Nine

154K 1.4K 19
                                    



Gabi na nang makauwi ako. Grabe si Nina mag shopping, pati ako nahawaan niya. Ang dami kong pinamili. May pasalubong din ako kay Reese, kila Manang Lucia, Manang Celia, Ate Rosa at Ate Susan. Syempre, hindi ko naman makakalimutan si Sir Hanzen.

Dumiretso agad ako sa kwarto ni Reese, bukas ko na lang ibibigay kila Manang Celia yung pasalubong nila. Baka nagpapahinga na din kasi sila.

Mahimbing na natutulog si Reese sa crib niya. Na-miss ko din tong bubwit na to ah. Hinawakan ko siya sa pisngi niya.

Kamusta na kaya si mommy at daddy? Naisip ko lang sila bigla. Nandun naman si ate eh. Siya na lang muna ang bahala. Tutal, siya naman talaga sa simula pa lang.

"Bakit ngayon ka lang?" Napalingon agad ako sa nagsalita. Si Sir Hanzen lang pala, prenteng prenteng nakasandal sa may pader. Kanina pa kaya siya dyan?

"N-nakakagulat naman po kayo Sir."

"It's already 10, uwi ba to ng isang matinong babae?" Anu daw????

"Nag day off PO ako ngayon Sir Hanzen. Baka po nakakalimutan niyo lang."

"Hindi ka ba nag aalala para sa kaligtasan mo? Gabi ka na umuwi, paano kung may nangyari sayong masama?"

"Ganyan din po ba kayo mag tanong pag nag di-day off sila Manang Lucia? Isa pa, kung ang iniisip niyo lang po ay ang pagpapaburol sakin pag napahamak ako sa daan, hindi niyo na po dapat problemahin yun. You can just throw me somewhere."

"That's not what I mean. Anyway, alam kong pagod ka. Pwede ka ng magpahinga Miss Elizalde."

Parang ang OA ko ata, hmm. Sige, mali na nga ako sa sinabi ko.

"A-ah S-sir. Eto po pala." Kinuha ko yung isang paper bag na may lamang pasalubong ko sa kanya. "Pasalubong po. Sorry po pala." Kumunot ang noo niya, tapus tinanggap din naman.

"Thank you. Pero hindi ka na dapat nag abala pa."

"Wala po yun. Sanay lang po kasi ako na pag umaalis, laging may pasalubong pag balik. Ganun po kasi ang parents--" Napayuko na lang ako. Di ko na napagpatuloy ang sasabihin ko. May naalala kasi ako.

"Umiiyak ka ba Ciara?" Napatingala ako sa kanya, tapus ang lapit na pala niya sakin. Mga tatlong dangkal na lang. Umiling iling lang ako, di naman kasi ako umiiyak. "Then, what's this?" Tapus hinawakan niya ang pisngi ko. "Don't tell me pawis lang to?" Tapus hinawakan ko na din ang pisngi ko. Luha nga.

"Come with me." Tapus hinila niya ko.

"Saan po tayo pupunta?" Wag niyo pa hawakan ang kamay ko, naga-ground ako. Hindi naman ako pinansin.

Binitawan lang niya yung kamay ko nung nasa may gazebo na kami sa may garden.

"I usually stay here pag may problema ako. You know what, parang magkapareho kayo ni Reese."

"Bakit niyo naman po nasabi yun?"

"Ikaw, nagtatago para hindi ka makita ng parents mo. Si Reese, tinatago ko para hindi makita ng mommy niya."

"A-alam niyo po?"

"Yes. Sino bang hindi makakaalam? makapangyarihan ang magulang mo Ciara, hindi ka ba natatakot?"

"As long as I know what i'm doing, wala akong ikakatakot. Nagawa ko nga mag tago sa kanila for six months, knowing na makapangyarihan sila. Marami silang pera, eh di dapat nalaman agad nila yung location ko."

"Pero hindi malayo tong Alabang sa Quezon City, Ciara. May makakakita rin sayo." Alam ko. Si Jorgen nga, nakita ako kanina sa mall.

"Hindi ko lang sila maintindihan eh. Hindi nila pinaalam sakin. Hindi ko napaghandaan. Kaya siguro naging impulsive din ako dahil dun." Tumingin ako sa kanya. Nakatingin lang din siya sakin, medyo awkward kaya, tumingin na lang ako sa mga flowers na nakapalibot sa gazebo.

"Gusto sana kitang i-hire sa company ko. Pero naisip ko na, walang makakasama si Reese. Masyado pa namang habol sa'yo yun."

"Salamat na lang po Sir. Gusto ko na din naman po yung trabaho ko. Hindi naman po gaanong mahirap. Isa pa, napamahal na sakin si Reese." Speaking of her, gusto kong itanong yung tungkol sa mommy ni Reese. Pero nahihiya ako.

"Sir, nabanggit niyo po kanina na itinatago niyo si Reese sa mommy niya. Bakit po?" Kasalanan ko bang madulas ang dila ko?

"Because she doesn't deserve to be a mother. Masyado pa siyang bata. Gaya mo, nagtatago lang din siya noon. Pero ngayon, kinukuha na niya sakin si Reese."

"Eh bakit niyo po pinatulan kung masyado pang bata?" Ok, ang daldal ko talaga, minsan di maiwasan. Napakunot ng noo si Sir sa tanong ko. Tapus biglang tumawa ng mahina, bakit ba ang sexy ng tawa niya? Parang nag mo-model din yung mga tawa niya eh, keha-hot.

"You wouldn't understand." This time, ako naman ang kumunot ang noo. "Magpahinga na tayo, Ciara. May pupuntahan tayo bukas nila Reese." Wow!! Family day! Feelingera alert!! "Ciara, tara na. Pumasok na tayo sa loob." Nakatanga lang pala ako sa gazebo, nakakahiya tuloy.

Tama pala, namili ako ng mga damit kanina, kaya may maayos naman akong maisusoot. Konti lang kasi yung naitakas kong damit nung umalis ako. Excited na ko para bukas!!

His BABYsitter (Complete)Where stories live. Discover now