Chapter 33 // Alex

4.7K 170 28
                                    

Chapter 33

Alex

*** 

"I want you to take your shirt off. Now." Utos ng head. Parang napaawang naman ang bibig ni Mark dahil sa gulat. "I said. Take your shirt off." 

"Are you serious?!" Ang gulat na gulat pa ring tanong ni Mark na napasmirk pa. Parang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ng head.

"Yes."

"What?!" ang tanong naman ng parang nabinging si Mark.

"You'll be our model." Ang maikling sabi ng head sabay alis. Lumapit naman agad ang mga make up artist para ayusan siya. 

"Hey!" Ang pahabol na sabi ni Mark sa babae pero hindi siya pinansin nito. "Can you please stop that!" Ang sabi pa niya sa mga nagsisimulang magayus sa kanya. "Hindi ko gagawin ang kung anu mang sinabi niya!" 

"Sir, wag naman po. Maawa naman po kayo samin. Tiyak na magagalit yun kapag hindi ka namin naayusan." Pagmamakaawa nila. Kawawa naman talaga sila dahil sigurado akong masesermonan sila nung babae. Tumingin ako kay Mark pero mukhang wala akong magagawa.

"Hindi! Kahit ano pang sabihin niyo. Ayoko!!" 

"Mark naman." Ang sabi ko habang nakakunot na din ang noo. Paano niya nagagawang sabihin iyon sa nila? Hindi ba niya naiisip na  baka matanggalan sila ng trabaho dahil sa kanya?

"My God, Bianca. Hindi mo naiintindihan." 

"Please na, Mark. Kawawa naman sila. Puhleaseee!" ang pagpupumilit ko. Sana pumayag siya.

"Ang drama niyo! Makaalis na nga." Ang sabi ni Victoria sabay ikot ng mata. Wala kong pakialam sa kanya! Umalis siya kung gusto niya. Che!

"Mark. Please." Nagawa ko pang magpacute, mapapayag ko lang siya.

"Okay! Fine. Pero ngayon lang." Ang sabi niya tapos tumingin siya sa mga make up artist. "Narinig niyo yun? Ngayon lang. Kaya hanapin niyo model nyo sa susunod ah!" 

Inayusan nila si Mark tapos pumasok naman sa fitting room para magbihis. Nilapitan ko naman si Alex para makapag-usap kami. Buti wala si Victoria sa paligid. Nabwibwiset kasi ako sa kanya eh.

"Alex!" napalingon naman agad siya nung marinig niya ang pangalan niya."Bakit di mo naman nabanggit na nagmomodel ka pala? Nagulat tuloy ako nung makita kita dito." Sabi ko tapos napangiti lang siya."Kailan ka pa ba nagmomodel?" 

"Hmm. Sa tingin ko, magdadalawang taon pa lang. Ikaw? Hindi mo din nabanggit na nagmomodel ka pala."

"Hindi. Ngayon lang naman siguro ito. Triny ko lang." Sabay ngisi. Bakit parang medyo na o awkwardan ako sa kanya? Dahil ba mukha siyang lalaki ngayon? O dahil wala siyang suot na pantaas? Pero bakla siya eh!

Itatanong ko na sana kung hindi ba siya nilalamig dahil wala syang suot na pangtaas pero bigla namang dumating itong si Victoria. 

"Look, ang bilis mangahas. Malandi talaga." Ang sabi niya habang iniikot na naman ang kanyang mata. Ang sarap tusukin!! Pigilan niyo ko!

"Vic, stop it." 

"What Alex?" Ang tanong niya na parang walang ginagawang masama. Nagmamaangmaangan pa. Nagmamalinis. Plastic talaga siya!

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon