Chapter 35 // Kidnap

5.1K 194 25
                                    

Chapter 35

Kidnap

***

  

Kasalukuyan kaming nasa isang malaking building. Yung parang sa mga napapanuod mong pinaglumaang building sa mga pelikula. Hindi ko alam na may ganitong lugar rin pala na malapit sa school.

Tiningnan ko ang katabi kong si Alex at wala pa rin siyang malay. Nakatali ang kamay at paa niya at nakatape rin ang bibig. Hindi ko alam kung may ginawa pa ba sila sa kanya dahil buong byahe ay nakatulog ako.

Kanina pa kami andito at wala namang nangyayari. Ano ba talaga ang balka nila?

Nakita ko ang apat lalaki na naglalaro ng baraha sa may gilid. Hindi nakatape ang bibig ko kaya nagawa kong sigawan sila.

"Hoy kayo!!!" ang tawag ko at agad naman silang napalingon. Nagturuan pa sila kung sino ang tinatawag ko."Kayong apat diyan!! Sino ba kayo huh?! Bakit niyo kami kinidnap??!! Ha!! HA!!! Sagutin niyo ko!! Bakit di niyo ko sagutin?? Bingi ba kayo o pipi?? Ha?! Kayo! Ang papanget niyo! Pakawalan niyo kami dito!!" ang sigaw ko habang nagpapapalag kahit nakatali ang mga kamay ko sa may poste.

"Pwede bang wag ka munang maingay. Baka matalo pa ko dito!" ang utos ng isa sa kanila.

"Eh anu kung matalo ka? Bakit nga sabi niyo kami kinidnap??!! Anong kailangan niyo? Pera? Sorry pero hindi kami mayaman!! Wala akong pera! Eh kung nagreresearch na lang kaya kayo ng mga taong milyonarya para iyun ang kinikidnapin niyo!! Hindi yung baraha ang inaatupag niyo!! Pakawalan niyo na kami!! Wala kayong makukuha samin!!"

"Hindi pera ang habol namin kaya kung pwede. Tumigil ka kundi tatapalan namin ang bibig mo tulad nung sa katabi mo!"

"Wala akong pakialam!! Pakawalan niyo kami!! Pakawalan niyo kami!"

"Ano bang ingay yan ha?! Natutulog ako eh!!" ang sabi naman ng isang lalaking papalapit samin.

"Boss, eh itong babaeng to. Kanina pa pong nagtatatalak."

"Ito ba?" sabay tingin sakin. "Ano bang problema mo?!"

"At may gana ka pang magtanong kung anong problema ko??! Eh kinidnap niyo kami eh!! Malamang yun ang problema ko!!"

"Ang ingay nga ng lintik! Dami mo sinasabi! Tumahimik ka na lang!"

"Ayoko! Pakawalan mo kami!!"

"Hindi na kita matatagalan! Bwiset! Nasaan na ang cellphone?" tanong niya sa lalaking nasa tabi niya.

"Eto boss." Sabay abot ng cellphone.

Kinuha naman agad niya ito at nagsimulang magpipindot sa keypad. Nang matapos ay iniangat niya ito para itinapat sa kanyang tenga. 

"Hello.." ang sabi niya. "Hoy! Teka teka! Wag mong ibababa! May sasabihin ako.. Andito girlfriend mo.. Hindi ka naniniwala?.. Haha! Eto, pakinggan mo.." 

Inilapit niya ang cellphone sa may tenga ko at nabingi naman ako sa narinig kong mga sigaw ni Mark mula sa kabilang linya. 

"GAGO KA, ALJOVEN! WAG NA WAG MO KONG PINAGLOLOLOKO! KUNG AYAW MONG MASAKTAN!" 

"Oh? Ngayon ka magingay!" ang sabi nung lalaki sakin. "Hindi ka magsasalita?" Hinatak niya ang natutulog na si Alex at akmang susuntukin ulit niya ito. Nagising naman agad si Alex at nagulat sa mga pangyayari.

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon