Chapter 13 // Red Rose

6.2K 239 40
                                    

Chapter 13

Red Rose

***

Tumunog nga ang kantang TWO IS BETTER THAN ONE.

Nang tumingin ulit ako sa back stage, nakita kong andun na si Mark. Biglang bumilis ang kabog ng dib dib ko. Hindi ko alam pero parang may hinahabol ang puso ko. Nang makita ko ang kamay ni Mark na may hawak na tatlong pulang roses, parang mas bumilis pa ang pagtakbo ng puso ko. Ewan ko. Parang mahaheart attack na ata ako.

Nang tumingin na siya sakin, parang tumigil ng bahagya ang tibok ng puso ko. Wah! I need oxygen. Ano ba kasing nangyayari sakin?

Dahan dahan na niyang ini-step ang kanang paa niya palapit sakin.. Teka, papalapit ba talaga siya sakin? Oo, papalapit nga sakin pero..

Bigla kong nakita si Jerome. May maikli siyang ibinulong kay Mark bago niya kinuha ang mga roses na hawak hawak niya. Humarap na ako sa audience dahil parang ayokong makita ang mga pangyayari. Parang nalungkot ako pero hindi ko alam ang dahilan. Maya maya na lang, naramdaman ko na may isang taong dahan dahang lumapit sa kinatatayuan  ko.

So maybe it's true

That I can't live without you

And maybe two is better than one

Muli kong inilipat ang aking tingin sa taong iyon at hindi nga ako nagkamali. Nakita kong papalapit na sakin si Jerome. Parang gusto kong itanong na "Bakit si Jerome?.. Anong nangyari kay Mark?"  Pero parang wala akong karapatan.

But there's so much time

To figure out the rest of my life

And you've already got me coming undone

And I'm thinking two is better than one

Narinig kong nagiritan ang mga audience nung lumapit na sakin si Jerome na may dala dalang mga rosas. Tumingin ako sa mga audience at nakitang nagsisigawan sila pero hindi ko sila marinig. Wala akong marinig. Hindi ko alam pero parang nabibingi na ko.

Dahan dahang inabot ni Jerome sakin ang mga rosas tapos.. Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Kahit ako ay nagulat. Ano bang ginagawa ni Jerome? Hindi ba nakakahiya. Baka kung anong isipin ng mga taga Winston niyan.

"Can you be my girl?" Ang tanong niya kaya parang bumalik ako sa totoong mundo. Bigla kong narinig na mas lumakas ang tilian at sigawan ng mga audience.

Maya maya, sabay sabay na silang nagsigaw ng,

"Yes!" 

"YES!" 

"Yeeeees na yan!"

"Yes! Yes! Yes!" 

Biglang napabaling ang aking tingin sa back stage at doon, nakita kong nakatayo si Mark. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya bigla na lang siyang umalis. Gusto ko sana siyang habulin sa hindi ko alam na dahilan pero parang dumikit ata ang mga paa ko sa may sahig.

"Bianca.. Can you be my girl?" Ang muling tanong ni Jerome sakin. Hinawakan pa niya ang kamay ko na parang gusto na niyang marinig ang sasabihin ko.

Ano bang isasagot ko? Teka, bakit ko pa ba to pinagiisipan? Eh wala naman akong nararamdaman para sa kanya ah. Ni hindi ko naman siya gusto. Kaya "No" ang dapat kong isagot.

Huminga ako ng malalim bago ko ibuka ang mga labi ko. 

"Jerome.. N-" di ko pa natatapos ang sinasabi ko pero bigla niyang hinalikan ang kamay ko tapos tumayo siya at niyakap pa ako.

"THANK YOU VERY MUCH!" ang sigaw niya habang niyayakap ako. Nagulat ako sa mga pangyayari. Teka, mali ata ang narinig niya. Sinubukan kong kumalas sa pagkakayakap niya pero mas hinigpitan pa niya ito. Mas lumakas ang tilian ng mga audience hanggang makapunta na kami sa back stage.

Di pa natatapos ang Pakitang-Gilas, umalis na agad ako ng gym. Parang gusto kong magpahangin sa rooftop. Sobrang dami kasing nangyari. Parang hindi ko kineri.

"Hay.." ang nasabi ko nung makarating ako ng rooftop. Nakakapagod palang tumaas dito. Parang umaakyat ako sa bundok.

Inhale~ Exhaleee~

"Anong ginagawa mo?" bigla akong nagulat dahil may biglang nagsalita. Pagkakita ko si Mark pala iyon. Nakaupo lang siya doon na para bang matutulog.

"Oh? Andiyan ka pala." Ang tangi kong nasabi. Malas naman. Kala ko makakapagrelax na ko dito. Mukhang hindi pa pala.

"Umalis ka nga dito. Istorbo ka." Ang sabi naman niya tapos ipinikit na niya ang mga mata niya. Grabe siya! Kung makapagpaalis, kanya tong rooftop? "Nga pala. Wala na kong utang sayo ah." Ang dagdag pa niya. Tumayo na din siya at nagsimulang maglakad palayo.

"AY! WAIT LANG! MAY SASABIHIN AKO!" ang sigaw ko dahil medyo malayo na din siya. Buti na lang at narinig niya kaya siguro siya humito. Tumakbo naman agad ako papalapit sa kanya para marinig niya ng maayos ang sasabihin ko.

"Ah.. Eh.." 

"IH.. OH.. UH..! ANO BA?! SA TINGIN MO, MARAMI AKONG ORAS PARA MAKIPAG-USAP SAYO EH-EH? ANO BANG SASABIHIN MO? TSK!" ang sigaw pa rin niya sakin kahit nasa harap lang niya ako.

"Huwag ka ngang sumigaw! Gusto ko lang namang magpasalamat eh!" ang sagot ko tapos bumalik na rin agad ulit sa may rooftop.

Doon ko napansin ang isang rosas sa tabi ng inupuan niya. Kinuha ko agad yun tapos hinabol ko ulit si Mark. 

"HOY!" ang sigaw ko pero hindi siya lumingon. Tumakbo pa nga ako para mahabol siya.

Nang maabutan ko na siya, pumunta agad ako sa harap niya para mapatigil siya sa paglalakad. Grabe talaga siya! Pinagod pa ko. "Kanina pa kitang tinatawag. Oh! Yung bulaklak mo!" inabot ko sa kanya ang bulaklak niya pero tiningnan lang niya ito tapos naglakad na ulit.

"HOOOOOOOOOOOOOY! TEKA NGA! Sabi yung bulaklak mo-"

Bigla siyang lumingon.. "Sa'yo na lang.." ang sabi niya. Lub dub.. Lub dub.. Narinig ko na naman ang magiging dahilan kung bakit ako mahaheart attack.

"Kainin mo." Ang dugsong pa niya. HUH?! Ano namang ibig niyang sabihin? Ano ko kambing?

"ANONG KAININ KA DIYAN!" ang huling sigaw ko sa kanya. Naiwan na lang ako doon dahil nakaalis na siya. Naramdaman ko namang medyo uminit ang mukha ko. Namumula na naman ako.

Anong ibig sabihin nito?!

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon