Chapter 34 // Victoria

4.8K 164 21
                                    

Chapter 34

Victoria

***

"Ano to?" ang tanong ni Mark habang nakatingin sakin. Hindi maipinta ang mukha niya at halatang hindi niya nagustuhan ang nakita.

"Mark, magpapaliwanag ak-" natigil ang pagsasalita ko dahil biglang sumabat itong si Victoria.

"Grabe, Jupiter, hindi ako makapaniwala na magagawa yan ng girlfriend mo. Para bang hindi pa siya kuntento sayo dahil pati si Alex nilalandi niya! My gosh! Iba na rin talaga ang mga tao ngayon!" 

"Mark, wag kang maniwala. Hindi ko gusto ang nangyari." Paliwanag ko pero sumabat na naman itong si Victoria.

"Anong wag maniwalang sinasabi mo, Avril? Kitang kita naman sa kuha ko di ba? Malinaw na malinaw! Mamahaling camera pa ang ginamit ko diyan!" 

"Mark, maniwala ka sakin. Please." 

"Hindi ko alam, Bianca." maikling sagot ni Mark na parang nagpaguho ng mundo ko. Anong sinasabi niyang hindi niya alam? Hindi ko alam pero tumulo na lang ang mga luhang kanina ko pang pinipigil.

"Walang kasalanan dito si Bianca. Ako ang may kasalanan. Kaya kung magagalit ka, sa akin ka dapat magalit." Pag-ako naman ni Alex. 

"Ano bang sinasabi mo Alex?" hinawakan pa ni Victoria ang braso ni Alex. "Pwede bang wag mong ipagtanggol ang malanding yan!" dagdag pa nito pero hindi siya pinansin ni Alex.

"Mark, sana maniwala ka kay Bianca. Hindi niya gusto ang nangyari. Ako ang may kasalanan. Niyakap ko siya kahit hindi niya gusto." 

"Alex, ano bang sinasabi mo? Nilandi ka niya kaya mo yan nagawa!" 

"Shut up, Vic!" ang narinig kong tumaas na boses ni Alex. Tinanggal niya ang pagkakakapit ni Victoria sa braso niya bago muling lumingon kay Mark."Mark, sana maniwala ka kay Bianca. Gusto lang siyang siraan ni Vic sayo." 

"What?! So, ako pa ngayon ang nagmumukang masama?!" ang sabi ni Victoria bago muling iniikot ang mata.

"Sinisiraan? Tsk. Parepareho kayo!" sabi ni Mark kaya mas lalong nagpatulo ng mga luha ko. Di siya tumingin sakin at nakatuon lang ang tingin sa camera. Ewan ko pero nasasaktan ako. NG SOBRA!

"Delete." Aniya habang pinipindot ng madiin sa mga button sa may camera. Parang napatigil ang pagpatak ng mga luha ko. Lahat kami’y nagulat sa ginawa niya. Napansin kong napaawa pa nga ang bibig ni Victoria."Ito ang dapat sinisira." Humigit siya ng pwersa pataas bago niya itinapon pababa ang camera. Nagkawasak wasak ito. Wala na ang camera ni Victoria.

Tumingin siya sakin bago lumapit at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ko pabalik sa loob pero bago iyon. Tumigil muna kami sa harap ni Alex.

"May tiwala ako kay Bianca. Sayo, WALA." At pinandilatan pa niya ito.

Kumuha siya ng t-shirt at inabot sakin. Kinuha niya rin ang mga gamit namin sa may gilid at tuluyan na kaming lumabas ng shooting area kahit hindi pa man tapos ang shooting. Ni hindi nga kami nakapagpaalam kay Alvin.

Pagkalabas namin ng building, pumara agad siya ng taxi pauwi. 

Kahit mahaba ang byahe, hindi niya ako kinausap. Nakasakay lang kami na parang hindi magkakilala. Tumitingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa may labas at mukhang malalim ang kanyang iniisip. 

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon