Chapter 31 // Camera Man

5.1K 176 21
                                    

Chapter 31

Camera Man

 

***

Ayon kay Queenie Keller, Si Trisha ay inaanak ng may-ari ng school na pinapasukan ko ngayon. Maimpluwensya siya kaya walang gustong bumangga sa kanya. Masama ang ugali niya kaya maraming galit sa kanya. Wala namang naglalakas loob na pumatol sa kanya dahil nga inaanak daw siya.

At ang sabi pa niya, bestfriend daw ni Mark yun. Kahit ako hindi makapaniwala. Paano naging bestfriend yun ni Mark? Para namang hindi sila gaanong naguusap sa school. At parang hindi rin naman sila close. Ang weird!

"Tara na." ang aya ni Mark habang lumalabas ng kwarto niya. Inintay ko kasi siya. Sabi kasi niya sabay kaming papasok sa school. Pero nakakaasar lang dahil ako naman ang hindi niya inintay! Naglakad na siya agad! Ako na nga itong nag-intay, ako pa tong iniwan.

"Umagang umaga masunget." ang bulong ko sa sarili ko na parang narinig naman niya.

"Halika nga." tapos inabot niya ang kamay niya sakin kaya inabot ko rin ang kamay ko sa kanya. Hinila niya ako sa tabi niya tapos sabay kaming naglakad.

"Sorry nga pala." ang sabi ko sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.

"Para saan?"

"Sa pisngi mo." Na gui-guilty na ko. Eh paano ba naman kasi. Bumakat sa pisngi niya ang pagka sampal ko nung isang araw. Huhu. Ganun ba kalakas ang sampal ko sa kanya? Eh nabigla lang naman ako eh.

"Okay lang. Wag mo na lang uulitin." ang cool na sabi niya kaya napangiti ako ng bahagya.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin, biglang nagring ang phone ni Mark kaya sinagot niya ito agad. 

"Oh, Melo.. Ahh.. Osige, punta na kami diyan." tapos ibinaba na niya. Hinila niya ako papunta sa ibang direksyon. Direksyon na hindi papunta sa school namin. So ganun na lang? Hindi man lang niya ako tatanungin kung gusto kong sumama? Basta hila hila na lang? 

"Teka, saan tayo pupunta?" ang tanong ko.

"Basta may pupuntahan tayo." ang sagot niya. What an answer! Mali ata ang tanong ko! At tama ang sagot niya! Pisti.

"Saan nga." hindi na niya ako sinagot at patuloy lang akong hinila. "May pasok pa tayo. Teka, Mark." ang sabi ko pero parang wala siyang narinig.

Sa hinaba haba ng nilakad namin, dumating lang kami sa isang lumang building. Papasok pa lang kami, kinikilabutan at kinabahan na ko. Tapos nakita ko pa ang nagkukumpulan na maraming lalaki. Wah! Creepy! Buti na lang at nakita ko si Melo kaya medyo lumuwag na ang pakiramdam ko. Sinalubong agad niya kami pero hindi man lang bumati. Mukhang seryoso ata. May problema kaya? 

"Nasan siya?" ang walang paligoy ligoy na tanong ni Mark.

"Andun." ang tipid naman na sagot ni Melo sabay turo dun sa mga nagkukumpulan na mga lalaki. Sinundan naman namin ni Mark ang itinuturong iyon ni Melo. Napansin kong, isa isang tumabi ang mga lalaking ito habang lumalapit kami ni Mark.

Nang makarating na kami sa may gitna, nakita ko ang isang lalaki na parang inaalalayan na lang ng dalawa pang lalaki. Parang hindi na ito makatayo. Parang nanghihina na. Kitang kita naman ito sa mga natamo niyang sugat sa may mukha.

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon