Chapter 11 // Student Council Office

6.1K 245 40
                                    

Chapter 11

Student Council Office

***

"Hay." Ang bilis ng araw. Biruin niyo, monday na agad. Eto ako, naglalakad papuntang Section 3A at hawak hawak ang limang papel. Tama! Section 3A. Ginawa ko nga ang assignment niya. Nacurious kasi ako sa kapalit eh.

"Hoy, ikaw. Di ba ikaw si Bianca Perez? Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ng epal na si Keller pero hindi ko siya pinansin. Naglilingon na lang ako sa klasrum nila para hanapin ang nakawalang gurilya. Mukhang wala pa siya dito.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko at nakitang magse 7:00 na. Bakit di pa siya dumadating? Siguro lagi siyang late.

Nagulat ako nung biglang hawakan ni Keller ang balikat ko para iharap ako sa kanya. 

"Hoy! Kinakausap kita." Napatingin siya sa hawak kong papel at kinuha niya ito. "Mark Porter? Bakit na sayo ang homework ni Mark? Siguro nangopya ka no!"

"Anong nangopya! Hindi no!" Ang pagtatanggol ko sa sarili ko. Ako na nga itong gumawa ng homework niya ako pa ang masasabihang nangopya.

Bigla kong nakita ang adviser namin na papasok na ng klasrum kaya iniwan ko na lang na hawak ni Keller ang homework ni Mark. 

"Bahala ka na diyan ah. Ikaw na magbigay niyan kay Mark. Alis na ko." ang sabi ko kay Keller at parang nagulat pa siya.

Tatakbo na sana ako ng bigla na naman niyang hawakan ang balikat ko at sinabing, "Hindi pa tayo tapos!"

Dahil nagmamadali na ko, wala akong ibang nasabi kundi, "Edi hindi pa. Maiwan na kita diyan."Hindi na siya nakapag salita dahil tumakbo na agad ako papuntang klasrum.

Buti hindi pa nagattendance dahil may binabasa pa si ma'am. Hindi nga niya ako napansing pumasok kahit nasa unahan ang upuan ko. Mukhang importante talaga ang binabasang papel ni ma’am ah. 

Maya maya, ibinaba na niya ang papel at humarap samin.

"Class, sino ang gustong sumali sa Miss Winston? Raise your hand." ang tanong ni ma'am.

Walang nagtangkang sumagot. Naglilingon ako sa mga kaklase ko pero parang walang nakikinig kay ma’am.

"Wala ba tayong volunteer?" ang muling tanong ni ma'am pero parang busyng busy pa rin ang mga kaklase ko sa mga ginagawa nila.

"Ma'am a- ako po." Ang narinig kong mahinang boses mula sa likod kaya napatingin ako at nakitang nagtaas ng kamay si Angie (yung first friend ko dito sa room).

Nagtsismisan naman agad ang mga babae kong kaklase. "Aba. Kung sasali si Angie, dapat ako na lang." Tapos nagtaas ng kamay itong isang kong classmate.

"Sige. Ako nga rin." ang sabi pa ng iba. Kaya nagtaasan din sila ng kamay. Ang kakapal ng layers ng mga mukha nila no? Kung makapagsalita sila parang bawal sumali ng Miss Winston si Angie ah. Eh mas maganda pa nga si Angie sa kanila eh.

Dahil baka mainis pa ako lalo, humarap na lang ako sa unahan. Mas lalo akong kinabahan dahil kailangan ko ring magtaas ng kamay. Kailangan ko ring sumali sa Miss Winston. Sa sobrang daming volunteers baka hindi ako ang mapili ni ma’am na magrepresent ng klase namin.

Lumunok muna ako bago ko dahan dahang itinaas ang kanan kong kamay. "Ma-a'am ako rin po. He he he."

"So.. Si Ms. Perez na ang representative naten." ang sabi ni ma'am.

"Bakit naman po? Hindi na ba tayo magvovotation?" ang tanong ko naman.

"Bakit pa? Kung wala na namang may gustong sumali." Ano daw? Tumingin agad ako sa likod ko at nakitang wala ng ibang nakataas ang kamay kung hindi ako na lang. So.. Ako na ba talaga ang lalaban para sa klase namin? Parang hindi kapanipaniwala.

May inabot na papel sa akin si ma’am. Fill up-an ko daw. Kailangan na daw iyong maipasa sa Guidance ngayon din. Kaya nung natapos kong sulatan ang form, nagpunta na agad ako sa Guidance.

"Ate Jes! Eto na po ang form ko." Habang pinapatong ang f-in-ill up-an kong papel sa lamesa.

"Ano ba yan?" Ang nagtatakang tanong ni Ate Jessy. Tiningnan niya ito bago binasa. "Ikaw talaga. Joker ka. Hindi ito dito. Sa Student Council Office 'to." Ang natatawa pa niyang sabi.Ano ba yan! Si Ma'am talaga. Mali mali ang information na ibinibigay sakin.

Edi nagpunta pa akong SC Office. Medyo may kalayuan pa man din iyon sa klasrum. Kumatok ako tapos dahan dahang binuksan ang pinto. Nakita ko ang Gurilyang nakaupo at nagbabasa ng papel. Bakit ba lagi kong nakakalimutang, si Gurilya ang SC president. 

"Eto na nga pala ang form ko." ang sabi ko sa kanya habang inilapag ang papel na hawak ko. Kinuha naman niya ito agad para basahin.

Dahil yun lang naman ang pinunta ko dito, aalis na rin dapat ako nang bigla siyang nagsalita. "Teka. Umupo ka muna." 

"Bakit?"

"Edi, tumayo ka kung ayaw mo." Grabe! Ang sungit no? Dahil nainis na din ako, napilitan na lang akong umupo. 

AWKWARD.

"Salamat nga pala sa homework..." Ang sabi niya habang binabasa ang papel. Ni hindi nga siya tumingin sakin dahil nakaharang ang papel sa mukha niya. "Buti marunong ako sumunod sa usapan..." ang dagdag pa niya.

"Oh? Ano namang meron?" ang tanong ko.

"Yung... kapalit... Bukas... na lang..." ang patigil tigil niyang sinabi. Ewan ko ba kung ine-epilepsy ba tong isang to. Joke.

"Ano ba yung kapalit?"

Pinalo niya ng malakas ang lamesa at tumayo. Nagulat nga ako eh. Parang galit ata. Ewan. Eh wala naman akong ginagawang pwede niyang ikagalit no. 

"BASTA YUNG KAPALIT! BUKAS! MAGSUOT KA NG MAGANDANG DAMIT! KAILANGAN 7:00AM NASA GYM KA NA!" ang sigaw niya. 

Ano naman kayang meron bukas? Bakit kailangan kong magsuot ng maganda? At bakit kailangang 7:00AM dapat nasa gym na? Huwag niyong sabihing...

Date ito?

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon