Chapter 22 // You're Mine

5.9K 190 35
                                    

Chapter 22

You're Mine

***

 "Anong ibig sabihin nito?!" alam kong nakakahiya ang ginagawa ko pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Bwiset na bwiset kasi ako. Baliw ba talaga siya?

"Ano naman to?" ang tanong pa niya habang kinuha ang papel sa kamay ko.

"Anong ‘ano naman to’? Ikaw dapat ang nakakalam niyan!" ang sigaw ko sa kanya. Nakakabwiset kasi talaga siya. Ako nga itong nagtatanong kung ano yun tapos ibabalik rin niya sakin.

Eh wala naman kasi akong kaalam alam sa kumakalat na litrato namin ni Mark. Kadiri! Nakasandal pa ang ulo ko sa dib dib niya. Eeew Talaga! Feeling ko ito yung sa party kahapon. Nung time na iniligtas niya ko sa manyak na lalaki.

Di na siya nagsalita pero napansin kong kumunot ang noo niya. 

"Sino namang maglalantad ng sikreto natin?" ang seryoso niyang tanong sa kanya sarili. Ano bang pinagsasabi niya? Baliw na nga talaga siya!

Narinig kong nagtsismisan ang mga kaklase niya ng kung ano ano.

"Anong sikretong pinagsasabi mo?!" nakakairita na talaga. Hindi ba dapat nililiwanag niya na mali ang nasa litrato? Bakit parang ginagatungan pa niya?

"Baby naman. Syempre na TAYO na. Hindi ka ba nagiisip? Di ba matagal na nating inililihim ang RELASYON natin?" Nagulat ako sa pinagsasabi niya. Nasisiraan na nga ata siya ng ulo. Badtrip!

Narinig kong mas lumakas ang tsismisan ng mga kaklase niya. Dumami na rin ang tao sa labas ng room nila. Takte naman kasi! ANO BANG PINAGSASABI NIYA?!

"Teka nga. An-" Napatigil ako sa pagsasalita nung  bigla niyang hawakan ang kaway. Hinigit niya ako hanggang makalayo kami sa classroom nila.

"Ano ba talagang problema mo sakin?" ang tanong ko pero hindi niya ako. Tinanggal ko ang kamay niya  na nakahawak naman sa braso ko. "Ano ba!! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha? May pasikre-SIKRETO ka pang nalalaman! At kailan pa naging sikreto ang isang KASINUNGALINGAN ha?" Hindi siya nagsalita kaya mas naasar ako. Wah! Mababaliw na ko!!! "Sagutin mo nga ako! Bakit mo yun ginawa?!"

"Wala lang."

"Huh?! Anong wala lang? Baliw ka ba talaga?" 

"Hindi. Gusto ko lang panindigan ang relasyong sinimulan natin. Hindi ba maganda yun? Ang top 1 at top 2, sa isang relasyon." ang sabi niya tapos nagsmirk pa.

"Anong pinagsasabi mong relasyon HA?"

"Dun sa party. Di ba pinakilala kita bilang girlfriend ko."

"Eh bakit mo kasi sinabing girlfriend mo ko?!" Err! Nakakabwiset talaga!

"Bakit naman hindi? Di ba yun din naman ang alam ng daddy ko? Edi yun."

"Eh pwede naman nating sabihin sa daddy mo ang totoo ah. Na hindi mo naman talaga ako girlfriend. Edi sana hindi lumaki ng ganito!"

"Bakit ka ba nagagalit? Parang sinasabi mong kasalanan ko ang lahat ng ito. Pwede mo namang sabihin na hindi mo ako boyfriend ah. Bakit pinanindigan mo pa rin? If I know, kinikilig ka na diyan." ang pangaasar pa rin niya sakin. The face! At bakit ako kikiligin? Eh naaasar nga ako.

"Anong kinikilig ka diyan?!! Baka ikaw!!" Ang sagot ko naman.

"Tsk! Ako? Kikiligin? Bakit? Dahil sayo? Nagpapatawa ka ba?" Ang sagot niya habang natatawa. Bakit ba siya ganito? Ang gusto lang lagi ay ang asarin ako. Osige na! Asar na asar na ko.

Nagsimula akong maglakad dahil mukhang wala ng mangyayari dito pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Teka. Basta totoo ang relasyon natin. Naintindihan mo? Girlfriend kita at BOYFRIEND mo ko. Yun ang gusto kong mangyari. At wala ka ng magagawa." ang sabi pa niya. Wah! Kapal talaga ng mukha!! Ewan ko sa kanya!

"Alam mo. Nababaliw ka na! Hindi ako pumapay-" Natigil ang sinasabi ko nung bigla niya akong itinulak sa pader! Sobrang lapit na ng mga mukha namin kaya kinabahan ko. Hahalikan ba ako ng isang to?! Subukan lang niya dahil susuntukin ko ang nguso niya!

"Tsk! Wag mong sabihing iniisip mo na hahalikan kita?" nakita kong nagsmirk ulit ang mga labi niya. "Hindi pa ngayon." dugsong pa niya. Anong hindi pa ngayon? Anong ibig sabihin? Hahalikan na niya ko next time? No way!!

Tinulak ko siya kaya napalayo na siya ng konti sakin.

"Magpatingin ka na sa doktor! Nababaliw ka na!" sabi ko.

"Yan ang gusto ko sayo. Laging nagpapatawa. Basta tandaan mo. Akin ka lang. YOU'RE. MINE." pagdidiin niya. "Hintayin mo ko mamaya. Sabay na tayong umuwi." ang sabi niya habang naglalakad na palayo.

"At bakit ako sasabay sayo?! Kala mo close tayo? Che! Magisa ka! Di ako sasabay sayo!"

"Wag ka ng umaangal. Sabay tayo dahil DELIKADO."

"Tss. Delikado? Talaga lang huh? Eh ikaw? Sa tingin mo, hindi ka delikado? Eh mas delikado pa nga ako sayo eh!" ang sigaw ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

Hanggang dismissal hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga pangyayari kanina. Bwiset talaga tong si Mark. Nawala tuloy ang concentration ko sa klase! Ang sabi pa niya, sabay kami umuwi. Nagpapatawa ba siya? MUKHA NIYA!

Pagkatapos ng klase, inayos ko agad ang mga gamit ko para makauwi na.

Naglalakad na ko sa labas ng school nung may biglang sumisit sakin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko ang limang babae na papalapit na sakin. 

"Ikaw ba ang girlfriend ni Jupiter?" ang tanong sakin nung isang babaeng nakasuot ng cap.

"Bakit? Sino ba kayo?" Pinilit kong magtapang tapangan kahit nakakaramdam na ko ng konting takot.

"Sagutin mo na lang." ang sabi naman nung isang ngumunguya ng bubble gum.

"Paano kung sabihin kong hindi." ang sagot ko pero napansin kong nangatal na ang boses ko.

"Hawakan siya!" ang utos naman ng babaeng nasa gitna.

"TEKA! Sabing hindi ako ang girlfriend ni Jupiter! Bitawan niyo ko!" ang sigaw ko pero hindi nila ako pinansin.

"Uhm. Ikaw ba ang nasa picture na to?" ang tanong niya habang pinapakita yung poster na may picture namin ni Mark.

"Oo."

"Edi ikaw nga!" Ops! Nadulas pala ako! Bawi bawi!

"Hindi! Hindi pala! Hindi ako yan! Bitawan niyo ako! Hindi talaga ako yan!" Sumigaw sigaw ako pero hindi pa rin nila ako binitawan. Pinipilit kong tanggalin ang mga kamay nila pero mas malakas sila. Syempre, lima kaya sila tapos ako magisa lang. LUGE AKO!

Maya maya, naglabas na ng gunting ang isa sa kanila. Ibinuka niya ito na parang tinitingnan ang talim. 

"Pwede na siguro ito." 

"Teka! Anong gagawin niyo! Bitawan niyo ko!!" Pinilit ko pa ring kalasin ang pagkakahawak nila pero pahigpit ng pahigpit ang mga ito. Wah! Help!!

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon