Chapter 4 // Mr. Dormmate

8.6K 303 57
                                    

Chapter 4

My Dormmate 

***

"Uhh."  Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Mukhang napasarap ata ang tulog ko ah. Nagstretching muna ako ng konti sa kama bago ako tumayo. "Teka, ano bang oras na?" Dahil wala akong orasan dito sa kwarto, ang phone ko ang aking tiningna para malaman ang oras. Nagulat ako dahil maraming message galing sa isang unknown number.

Inopen ko ang pinaka last message ni unknown.

                     From: 0927 *** ****

                     Ate. Nasan na po kayo? Bakit wala pa kayo sa klasrum nyo?

                    -Jillian

Nang mabasa ko na yun, saka ko pa lang tiningnan ang oras. 

"Waaaaaaahhhhh! 8:00 na pala!!!!" Nagdalidali akong tumayo para maligo. Ilang minuto lang ako nanligo pero nagkuskos naman ako ng ayos no, binilisan ko lang talaga. Tapos ng magbibihis na ko, napansin kong wala pa pala akong uniform. Di ako nakabili dahil sa nangyari kagabi. Lagot na.

Nagsuot na lang ako ng pantalon at isang white t-shirt at tumakbo na papuntang school. Gaya nga ng inaasahan ko. Hindi ako pinapasok ng guard. Hindi talaga siya naniniwala sakin. Mukha ba akong hindi kapanipaniwala?

Tinext ko agad si Jillian na ayaw akong papasukin. Sabi niya pupuntahan daw niya ko pero nasa gym siya. Masyadong malayo kaya medyo matatagalan pa siyang makapunta dito.

Pinili kong umupo muna habang naghihintay. Siguro mga 30 minutes na ang nakakalipas pero wala pa rin si Jillian. Ano kayang nangyari?

May dumaan na isang lalaki sa harap ko. Nakauniform siya na tulad ng sa school namin kaya naisip kong hingan ng tulong. Bahagya kong hinila ang uniform niya para pahintuin ang paglalakad niya. Inangat ko ang ulo ko para makita ko siya pero nakatalikod siya kaya yung likod lang nabahagi ang nakita ko.

"Kuya. Favor naman oh." Dahan dahan siyang lumingon sakin. At sa kinamalas malasan naman oh. Ito pang lalaking feeling gwapo na nakatira sa tabi ng room namin. As always, nakakunot na naman ang noo niya at ang sama pa ng tingin sakin.

"ANONG FAVOR KA DIYAN! AYOKO NGA!" ang sagot naman niya tapos nagpatuloy na siya sa paglalakad. Bakit ba palagi na lang siyang sumisigaw? Teka, nagulat na lang ako dahil dirediretso siyang pumasok sa gate.

"Teka! Kuya guard! Papapasukin niyo yan?! Di ba late siya." ang pagtuturo ko sa guard.

"Kuya. May pinagawa kasi sakin ang student council kaya nalate ako." ang mahinahon naman niyang sagot. Tumango lang yung guard tapos pinapasok na siya. Dahil nainis ako, pinaglaban ko ang aking karapatan. Nagreklamo ako ng bonggang bongga!

Sinabi kong nagdadahilan lang siya. Sinabi ko rin na gawa gawa lang niya yun pero ang sagot naman ni kuya guard, malabo daw mangyari. Bawal daw kasing gamitin ang word na student council sa kasinungalingan kundi malalabag mo ang rule #55. Nakalagay daw yun sa student handbook.

Pero kahit ganun, kahit mukhang ako pa ang mali, nagreklamo pa rin ako. Sabi ko, kahit na may pinagawa o wala ang student council, hindi siya excuse dahil late pa rin siya.

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon