Chapter 5 // Miss Guidance Counselor

7.4K 263 52
                                    

Chapter 5

Miss Guidance Counselor

***

Dito ako ngayon sa tapat ng school namin. Nagtatago sa likod ng puno. Eh pano ba naman. Wala pa rin akong uniform. Baka magalit na si Kuya guard sa kakulitan ko. Nakalimutan ko kasi kahapon eh. Di ba kasi, nakatulog ako sa student council office.

Ang plano ko sana ngayon ay tumakbo papasok kapag hindi nakatingin si Kuya guard. Eh paano ako dadaan kung hindi nga siya nakatingin pero nakaharang naman sa daan tapos may hawak pang pamalo. 

Ah wait.

Magtatapon siya ng basura sa labas. Ito ng ang chance ko. Huminga ako ng malalim. Ready.. Set.. GO!! At kumaripas ako ng takbo. Nakita ako ni Kuya guard at hinabol.

"Hoy! Tigil." ang sigaw niya sakin. Di ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Kahit papaano hindi naman ako pagong kaya hindi ako naabutan ni Kuya guard. Medyo mabilis din siya kaya nahirapan pa ako na makahanap ng mapagtataguan. Halos medyo dikit kasi ang laban namin ni Kuya.

Nang mawala na siya sa paningin ko, dumiretso agad ako sa greenview. Bumili ng uniform, nagbihis sa CR at inilagay ang pants ko at ibang uniform sa locker. Pag pasok ko palang ng room ay nakita ko agad si Angie kaya ikwinento ko agad sa kanya ang lahat ng mga nangyari. 

"Wala bang nakakita sa'yo? Baka ireport ka nila sa Guidance office. Baka parusahan ka." ang sabi niya na para bang natatakot siya para sakin. Dahil doon, natakot na rin ako. Sigurado naman kasing maraming nakakita sakin kanina dahil syempre umaga ngayon at maraming nagsisidatingang mga estudyante.

"Andito ba si.. Who’s that nga? Vianca or Bianca Perez?" Ang narinig kong usapan ng mga babae sa may pintuan. Tumingin ako at nakita ko si Queenie Keller. Ang Prinsesa ng Yungib, este Princess Yumi. At kasama pa ang dalawa pa niyang alipores.

Nang makita niya ako, pumasok siya ng room namin at lumapit sakin. "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw yung Perez na yun di ba? Sumama ka samin. Now na!"


"Huh?"
 ang pagtataka ko.

Lumabas siya ng room namin tapos hinigit naman ako nung dalawa niyang alipores. Hulu! Saan kaya nila ako dadalhin? Sa Pluto? Sa underworld? O baka naman sa Guidance na? Hindi naman siguro. WAG SANA! Huhuhu. Wala pa kong isang week dito tapos magkakakaso na agad ako.

Tumigil sa paglalakad si Keller at humarap samin. "Alam mo ba kung saan tayo pupunta?" at ngumiti siya. "Sa guidance. Kala mo hindi malalaman ng guidance ang ginawa mong pagtakas sa guard. No way! Hahaha! Tayo na nga!"

Eh sumbongera naman pala ang mga tao dito eh. Iniwan nila ako sa may pinto ng guidance at saka umalis. Kumatok ako sa pinto pero wala akong narinig na sumagot kaya pumasok na lang ako.

"Hello? May tao po ba?" ang tanong ko habang dahan dahang humahakbang.

Bigla naman agad lumabas ang isang napakagandang girl sa isang kwarto doon. "Princess Diana?" Ang gulat na gulat kong tanong. Ano naman kayang ginagawa niya dito? Hindi ba dapat nasa Student Council siya?

"Ikaw na ba si Bianca Perez?" Ang tanong niya kaya tumango lang ako. "Alam mo na ba kung bakit ka nandito? Oh, maupo ka muna."  ang sabi niya kaya umupo ako.

"Opo. Sorry po talaga. Hindi ko na po kasi alam ang gagawin ko kanina eh. Wala na po kasi akong maisip na ibang paraan. Sorry po talaga. Di na po mauulit. " tapos yumuko ako. Bago lang ako dito at ayoko namang maging masama ang unang impresyon ng mga tao sakin.

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon