Chapter 14 // Preparation

6.1K 227 39
                                    

Chapter 14

Preparation

***

"Ako na diyan!" ang sabi ni Jerome habang inaagaw ang ginugupit kong illustration board.

"Wag na. Ang dali dali lang nito. Ako na!" Ang sabi ko pero pinipilit niya pa ring kunin. Dahil malakas siya, nakuha rin niya. Badtrip. Wala na kong gagawin.

Naggagawa kasi kami ngayon ng mga props dahil kasama ako sa finals. Tama! Isa ako sa limang napili para lumaban sa Miss Winston. Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko isa tong malaking milagro.

Patapos na nga namin ang mga props eh. Ang sabi kasi ni Jillian, talent daw ang paglalabanin dito. Eh dahil hindi ako magaling kumanta o kaya sumayaw. Maglilip sync na lang ako. Syempre sasayaw na lang din ng konte. Kung pwede lang sanang maging talent ang pagcocompute edi sana napadali pa ang buhay ko. Sana hindi na ko maghihirap ng ganito.

"Bukas na natin ituloy 'to! Kakapagod!" ang pagrereklamo ni Jerome.

"Sino ba kasing nagsabing tumulong ka! Kung hindi na tumulong, edi sana hindi ka napagod!" ang sigaw ko sa kanya. Gagawa gawa tapos magrereklamo. Hay nako! Eh wala pa din naman siya masyadong nagagawa. Ang gusto lang niya, agawin lahat ng mga ginagawa ko.

Bigla namang tumayo si Jillian. 

"Ate Bianca. Kailangan ko na pong mauna. Nagtext po kasi si Kuya Mark. Punta na daw po agad ako sa SC office. Sorry po talaga. Babawi na lang po ako mamaya."

"Naku, okay lang yun! Sige! Mag ingat ka sa Gurilyang yun, Jillian ah." Ang pagbabanta ko. Feeling ko may topak na naman yung isang yun kaya pinapupunta agad niya si Jillian dun. Napakamalas din naman ni Jillian dahil siya pa ang naging vice president ng isang yun.

Umalis na si Jillian kaya nagaya na rin akong umuwi. Tutal parang wala na naman kaming matatapos dahil puro na lang reklamo etong asungot na 'to.

Habang naglalakad na kami papauwi.

AWKWARD!

"Ah.. Eh.." ang nasabi ko. Gusto ko kasing magsalita ng kahit ano basta matanggal lang ang tinatawag nilang silence sa paligid. Alam mu yun? Pero hindi ko naman alam ang sasabihin.

Bigla siyang lumapit ng konti sakin tapos dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Wag! Virgin pa ang kamay ko. Gusto kong tanggalin pero mahigpit ang pagkakahawak niya kaya hindi ko matanggal.

"Sana lagi tayong ganto." Ang sabi niya kaya napahinto naman ako sa paglalakad. Pumunta siya sa harap ko at ngumiti, "Huwag kang mawawala sakin ha?" Tapos hinigit niya ako para yakapin. Ano bang nangyayari kay Jerome? Nababaliw na ba siya?

Nang makarating na kami sa dorm, hinatid niya ako sa room namin tapos nagpaalam na rin pero bago siya umalis, dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. At ngayon, parang maglalapat na ang mga labi namin pero parang natawa siya.

Dahan dahan niyang inangat ang mga labi niya at inilapat niya ito sa may noo ko.

"Sige. Good night." ang sabi niya tapos nagwave na siya habang naglalakad palayo.

Bigla ko namang naalala na magkatabi lang ang kwarto namin ni Mark. "Teka.. Hindi ba kayo magkasama ni Mark?" Ang tanong ko pero umiling lang siya.

"Hindi eh. Kasama ko kasi si daddy." Ang sagot pa niya tapos nagsmile ulit bago umalis.

Bakit kaya? Magkaaway kaya si Mark at ang daddy nila? Eh sino ba namang hindi makakaaway nung may topak na yun? Eh malagurilya yung ugali niya. Errr! Iniisip ko pa lang siya, naiinis na ko. Ewan ko ba. Naimagine ko pa yung araw na sinabi niyang kainin ko yung bulaklak. Sura! Gawin ba naman akong kambing.

Pero dapat hindi ito ang mga bagay na iniisip ko. Dapat yung contest. Kailangan kong manalo! Hindi lang para sa popularity pero para na rin mapatunayan ko ang sarili ko.

Maaga akong natulog dahil pagod na pagod na rin ako at dahil maaga pa akong gigising bukas.

KINABUKASAN ~:D

*knock knock

"Sino ba 'to?! Ang aga aga eh!" Binuksan ko agad ang pinto tapos nakita ko si Jerome. Ano kayang ginagawa ng mokong na to dito?

"Good morning!" Ang bati niya tapos dirediretso siyang pumasok ng room namin. Ni hindi nga nagpaalam kung pwedeng pumasok eh. "Bakit hindi ka pa bihis? Magbihis ka na tapos sabay sabay na tayo ni Jillian pumasok."

Edi, sabay sabay nga kaming pumasok nina Jillian. Excuse akong umabsent sa klase ko dahil kasama ako sa finals ng Miss Winston. Sabi ni ma’am para daw makapag prepare ako ng maayos.

Dumeretso agad ako sa room kung saan nakalagay ang lahat ng props ng mga contestant para icheck at para tapusin na rin ang mga natitirang props na hindi namin natapos kahapon.

"Teka, anong nangyari dito?!" ang sigaw ko habang nanlalaki ang mga mata ko. Napansin ko kasing lahat ng props na pinaghirapan namin, yes. Ang tanging props lang namin, ang nasira. Baka sinira dahil maayos naman ang props nung iba. "Sino ang may gawa nito?!" ang tanong ko sa mga nakapaligid na estudyante nang bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

Dumating naman agad sina Jillian at Jerome.

"Nasira na lahat." ang sabi ko sa kanila habang patuloy na tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Siguro dahil matinding effort din ang ginamit namin para lang matapos ang mga yan.

Lumapit sakin si Jerome at niyakap ako. "Wag ka ng umiyak. Gagawan natin yan ng paraan. Ako bahala."

Kinahapunan gumawa ulit kami ng props. Kahit masakit sa loob ko ang nangyari, pinilit kong pagandahin at ayusin ang mga nasirang props. Ang sabi ni Jerome, may plano daw siyang hulihin ang mga sumira ng props namin.

Pinatay namin ang ilaw at pinaniwalang wala ng tao room. Mga 30 minutes na ata kaming nagtago sa malalaking props pero wala pa ring dumadating. Parang gusto ko ng matulog. Pagod na rin kasi ako.

"Oh, game na ulit?" ang narinig kong usapin ng mga babae sa labas ng kwarto kaya parang nagising ako. Sila na ba kaya ang mga nanira ng props namin?

Narinig naming may nagbukas ng pinto at nagbuhay ng ilaw. Nanatili kaming tahimik ni Jerome dahil ang sabi nya, intayin daw naming sirain nila ang mga props. Tama kayo ng rinig! Intayin daw naming masira ang mga pinaghirapan namin para makasigurado!

Kahit masakit sa loob ko, sinunud ko siya para makasigurado nga kami na siya nga ang sumisira ng mga props namin.

Maya maya, narinig ko na nga, na sinisira na nila ang mga props namin. Tumayo si Jerome para gulatin sila. 

"Huli kayo!" ang sigaw niya pero parang siya pa ata ang nagulat. "Ikaw?" ang tanong pa niya na parang kilala niya kung sino man ang taong ito.

Tumayo ako para makita ko kung sino siya. Nagulat na lang ako na isang familiar na mukha ang aking nakita.

"Ikaw ang sumisira ng mga props namin?" ang tanong ko sa kanya.

            

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon