Chapter 8 // What happened?

6.8K 260 100
                                    

Chapter 8

What happened?

***

"Ang.. first kiss.. ko."

"WAH!" ang sigaw ko. Napaupo sa pagkakahiga ko sa kama. Napansin kong nasa dorm na pala ako kaya nakahinga ako ng malalim. Panaginip lang pala.

Bigla nagbukas ang pinto. 

"Ate, ano pong problema?" ang tanong ni Jillian. Agad siyang lumapit sakin at inihug ako. Ang sweet niya no?

"May napanaginipan kasi ako. Nakakatakot." 

"Nakakatakot po? Tungkol saan naman po?" Tumayo siya saglit at ikinuha ako ng tubig.

"Tungkol sa.. sa.." Napaisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol doon.Anong sasabihin ko? Na tungkol yun sa first kiss ko?

Bigla kong nakita yung project.. Tama! "Sa project.. Hindi daw kasi tatanggapin nung teacher ko yung project." Pagsisinungaling ko. Wala na kong maisip na ibang paraan eh.

"Ah. Ang sama naman pala po nung panaginip niyo." Binigay niya sakin ang isang basong tubig at umupo sa tabi ko.

Bigla ulit may nagbukas ng pinto. "Ano daw ang problema?" Nasamid ako nung marinig ko ang boses ni Jerome.

*ehem *ehem

"Teka.. Anong ginagawa mo dito?" 

"Syempre! Binibisita ko si Jillian. Bakit? Kala mo ikaw no? Tsk. Mukha mo." Ang mapangasar niyang sagot tapos pumasok siya at umupo sa isang upuan namin sa kwarto.

"Jerome, tumigil ka nga. Hindi magandang biro yan." Ang pagtatanggol naman ng aking anghel. Hahaha. Buti nga kay Jerome. 

Ibinigay ko kay Jillian ang baso at inilagay naman niya sa lababo. "Nga po pala Ate. Bakit po kayo hinimatay kanina?" ang tanong naman ni Jillian.

Hinimatay? Anong hinimatay?? Teka, hindi naman ako hinimatay ah.

***  FLASHBACK

Tumatakbo ako.. Tapos takbo pa.. Tapos takbo lang.. Nang bigla akong nabangga. Natumba kami pareho.. Tapos naglapat ang mga lips namin.

Tumayo ako agad tapos inilawan ang mukha nung tao..

Si JEROME! Nagkatitigan lang kami ng matagal. Gusto ko sanang tumayo kaso hindi ako makagalaw kasi..

"Ang..  first kiss.. ko." Tapos di ko na alam ang nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

 END OF FLASHBACK ***

So ganon pala ang nangyari. Kinilabutan ako na hindi pala panaginip ang first kiss ko.

"Ate?" Iwinave ni Jillian ang kamay niya sa mukha ko. "Ano pong nangyari? May naaalala po ba kayo?"

"Wala eh. Huwag na nating isipin yun." ang sagot ko sa kanya. Pero bigla namang sumingit ang epal na si Jerome. 

"Wala kang naaalala? Eto. Papaalala ko sa'yo.. Tumatakbo ka. Ewan ko. Basta takbo ka lang ng takbo na parang may humahabol sayo. Tapos bigla kang bumangga sakin. Na out of balance ako kaya natumba tayo pareho at hinali-"

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon