Chapter 30 // Lovers Quarrel

5.1K 182 30
                                    

Chapter 30

Lovers Quarrel

 

***

Muli kong ibinaling ang aking tingin sa lalaking nasa harap ko, hindi ko naman agad napansin na papalapit na pala ang mukha niya sa mukha ko. 

"Wag kang magreact ha." ang bulong niya pa kaya naguluhan ako. Anong 'wag magreact' bang sinasabi ng lalaking to?! Baliw na ba siya?

"Ano bang sinasab-"

Natigil ako dahil bigla na lang niya akong HINALIKAN!!  Dahil sa gulat, hindi agad ako nakagalaw at nakapagreact.

Nakita ko na lang na biglang hinablot ni Mark ang damit ng lalaki at inunahan ng suntok. Natumba ang lalaki at nakita kong dumugo agad ang may kanang bahagi ng labi niya. At doon na ako natauhan.

"Mark!" ang sigaw ko habang pinipigilan siyang makalapit sa lalaki. Pero sa huli, ako pa ang itinulak niya kaya tumapon ako sa tabi. Oo, malakas ang pagkatulak niya dahilan kaya napaupo ako sa sahig. Parang wala na sa sarili si Mark.

"ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO HA?! TARANTADO KA!!" ang sigaw ni Mark nang makalapit na siya sa lalaki. Hinawakan niya pa ang kwelyo nito para maitayo. "ANO!! SUMAGOT KA!!" sigaw muli ni Mark pero hindi sumagot yung lalaki.

"AH! HINDI KA SASAGOT?! T*NG*N* M*!!" Susuntukin na sana ulit niya yung lalaki pero salamat at biglang dumating sina Phil at iba pa nilang kaklase. 

"Mark, anong nanyayari dito?" tanong ni Phil. Kitang kita sa mga mata nila ang pagkagulat dahil sa nadatnang pangyayari.

"Wag kang makialam dito." ang sagot niya kay Phil at muling ibinalik ang tingin sa lalaki, "IKAW, ALEX! ANONG GINAGAWA MO SA GIRLFRIEND KO?! HA!!!"

"Hindi mo ba nakita? Gusto mo bang ulitin ko?" ang mayabang na tanong niya na parang hindi alintana sa pwedeng gawin ni Mark. Nagawa pa niyang tumingin sakin at kumindat!

 "EH, GAGO KA PALA EH!" susuntukin na ulit sana ni Mark pero napigilit siya ni Phil.

"Bitaw! Isa.." ang pagbabanta niya kay Phil habang nanlilisik ang mga mata. "Hindi ka bibitaw?  DALAWA."

Dahil sa takot kong baka suntukin rin niya si Phil, pumagitna ako sa kanila. Di baling ako na lang ang masaktan, wag lang ang mga kaibigan ko. Sa akin bumaling ang nanlilisik na mga mata ni Mark. Natakot ako. Naisip ko tuloy kung, tama pa ba ang ginagawa ko.

"Isa ka pa!" sigaw naman niya sa mukha ko. Nainis na rin ako kaya sinigawan ko na rin siya.

"Mark, ano bang problema mo?!!" tanong ko sa kanya kahit na alam ko naman ang dahilan kung bakit siya nagagalit. Para sakin kasi, hindi sapat na dahilan yun para idamay ang ibang tao tulad ni Phil.

"BAKIT AKO ANG TINATANONG M-" naputol ang sinasabi niya dahil sinampal ko siya. Oo, sinampal ko siya, sa unang pagkakataon. Ni hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa. Siguro dahil feeling ko sumosobra na siya. Feeling ko mali na ang ginagawa niya.

Nung makita ko naman yung mukha niya, na parang gulat na gulat sa ginawa ko, ewan ko, pero parang nasabi ko sa sarili kong, mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa yun.

"Mark, hindi ko sinasady-" Hindi pa natatapos ang sinasabi ko pero binitawan na niya ang kwelyo ng lalaki at naglakad na paalis. "Mark, teka lang." Ang tawag ko pero hindi siya lumingon. Lagot! Ano ba kasi tong nagawa ko!

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon