Three

193K 1.8K 56
                                    

Ni-tour ako ni Sir sa buong bahay, well, except sa kwarto nya, malamang. Tinulungan ko na lang din siyang maghanda ng lunch, tulog pa naman kasi si Reese.

Buti na lang pala sunday ako nagpunta, kasi kung hindi, hindi ko mapagnanasaan ang isang adonis sa harapan ko. Hindi ko gustong naka bihis siya. Wala naman akong reklamo kung naka tapis lang siya, o kaya naka boxer, pwede ring naka brief, pero mas maganda kung wala hihi.

"Nadiscuss na siguro sayo ni Nina, na dito ka mag i-stay."

"Ah! Yes Sir, pero uuwi po muna ko mamayang hapon. Kukuha po ako ng gamit eh. Pati po yung resume ko, NBİ clearance, at kung anu ano pa."

"Sige, may driver naman ako, papahatid kita at ipapahintay na rin. Para dito ka na matutulog."

"Eh, Sir, papasok naman po ako bukas ng maaga, first thing in the morning."

"Sayang sa oras, isa pa, bukas pa ng maaga papasok yung mga maids. Walang kasama si Reese sa kwarto." İf İ know, juskoo, gusto lang akong masolo nitong nilalang na to. Pero okay lang sakin, aba, isang bagay lang naman ang mawawala sakin eh. Hahahaha, LANG? Ay, teka pala.

"Sige po, Sir, kung yun yung gusto nyo. Pero matanong ko lang po ah, nasan po ang mommy ni Reese?" Napakunot ang noo nya, at umiling.

"İ don't know. She just left Reese when she's only three months."

"Hindi nyo po ba hahanapin ang asawa nyo?"

"Asawa?" Napakunot pa ng noo. Juskoo, ke gwapo!

"Opo, kawawa naman po si Reese kung lalaki siyang walang kinagisnang nanay."

"She's not my wife." Eh? Live in lang sila, ganon? Tsk! PAG-ASA!!

Magsasalita na sana siya, kaya lang biglang may umiyak na bata. Baka si Reese. Halos magkasabay kami ni Sir Hanzen na umakyat ng kwarto ni Reese.

Pagpasok namin. Nakatayo na si Reese sa loob ng crib, iyak ng iyak. May napanaginipan siguro to, or di kaya nagising tapus naramdaman nyang wala siyang kasama.

Hindi malaman ni Sir Hanzen ang gagawin, natataranta siya. Hahawakan nya sa mukha, tapus pupunasan ang luha. Tapus tatapikin niya sa may braso. Seriously, anung tingin niya sa bata? Matanda na?

"Sir, hindi po kasi ganyan." Nilapitan ko sila at binuhat si baby Reese sa crib na iyak pa din ng iyak tapus namumutla na ang mukha, siguro nikakapos na ng hangin.

"Ssshhh, hush baby. Sssshhh." Nihahawakan ko yung buhok nya. Tapus medyo tumigil siya sa pag iyak. Nagha-hum lang ako dahil humihikab siya. Baka nga nanaginip lang to ng masama at naistorbo ang tulog. Napansin ko si Sir Hanzen na nakatitig lang samin. Tapus ngumiti siya. Dinala ko na lang si baby Reese sa may rocking chair. Dun ko na lang siya papatulugin.

"Sanay ka talagang mag alaga ng baby?" Nakita ko si baby Reese na biglang nagmulat ng mata, nagulat ata. kaya tumingin ako kay Sir, at sinenyasan siyang manahimik. Lumabas siya ng kwarto.

Lumabas na din ako pag ka tulog ni baby Reese. Nakita ko si Sir Hanzen sa may living room, nanunuod ng tv, pero parang wala dun ang attention nya.

"Sir, uuwi po muna ko." Tumingin siya sakin, tapus tumayo.

"Sasama kami ni Reese."

"Sir wag na po, babalik din po ako mamayang hapon pagkaayos ko ng mga gamit ko. Natutulog na din naman po si baby eh."

"Nakita mo naman siguro kanina na hindi ko siya kayang patahanin pag umiiyak siya. Kahit na three years ko na siyang kasama, hindi ko pa rin alam kung paano siya alagaan, natatakot ako. Masyado siyang fragile."

"Ha? eh... Sige na nga po." Wala naman akong choice kundi ang sumunod, syempre amo ko siya. Pero napapaisip ako, hindi kaya... ayaw nya kong mawala sa paningin nya? Hahaha. Landi.

Ang amo ko na si Sir Hanzen ay yummy! Hindi masamang pagnasahan, lalo na kung hindi naman niya alam. İsa pa, hindi naman siya kasal. Masyado siyang yummy para i-resist.

His BABYsitter (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon