Little Red Box

43.2K 431 29
                                    

"Okay Mica, I will let you go home. Pero tatandaan mo, you have to take it easy. Hindi ka pwedeng mapagod ng husto o mastress. Kaylangan mo din inumin yung mga prenatal vitamins mo and go on our monthly check-ups." nakangiti niyang sinabi sa akin. After more than a week kong stay dito sa hospital. Nakangiti naman sa corner si Aaron, na walang humpay na nag-alaga sa akin.

"Thank you po doktora." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Tumingin si Doktora sa aming dalawa, saka ibinaling ang tingin niya kay Aaron. "So, ikaw ang mag-uuwi sa kanya ngayon?" tanong sa kanya ni doktora.

"Opo, pero ihahatid ko lang siya sa kanila." sumagot si Aaron sa kanya. Saka bumaling sa akin si Doktora.

"Si Aiden? Hindi mo ba tatawagan para ipaalam sa kanya na uuwi ka na?" Napatingin ako sa kay Aaron na umiwas ng tingin sa amin ni doktora. Si Dra. Cruz naman nagsulat lang muna sa chart ko na parang hinihintay yung sagot ko sa tanong niya.

"Doktora, si Aaron po muna yung tutulong sa akin pauwi, saka na po kami mag-uusap ni Aiden." Nakita kong tumaas ang kilay ni Doktora habang nagsusulat sa chart ko.

"Okay, basta tatandaan mo ang mga bilin ko sayo." Isinara niya yung chart saka tumingin sa akin. Tumango nalang ako bilang sagot ko sa kanya. Hindi na siya nagsalita nung palabas na siya ng kwarto.

"Ayan makakauwi na kayo ng baby mo." Sinabi sa akin ni Aaron pagkalabas ni doktora ng kwarto ko.

Ngumiti ako sa kanya, habang dahan dahan akong umupo sa kama ko. Nung nakita niya kung anong gusto kong gawin. Nagdali dali siyang pumunta sa tabi ko para alalayan ako.

"Mica sabihin mo sa akin, nandito kaya ako. Diba sinabi ni doktora kaylangan mo magdahan dahan" Dinig sa boses niya ang pag-aalala. Kaya napangiti ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba naman? uupo lang naman ako." Natatawa ako nung sinabi ko sa kanya yun.

"Nag-aalala lang po ako, ayaw kong mapwersa ka agad agad." Nakangiti niyang sinabi sa akin. "Ihahatid kita mamaya kapag kasettle ko ng bill sa ibaba." Sinabi pa niya sa akin.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko naintindihan yung sinabi niya. "Anong isesettle ang bill?" Tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Mica, don't worry--" Ako naman ang pumutol sa kung ano man ang sasabihin niya.

"Aaron, may health card ako and ayaw kong ikaw ang gumastos dito. I hope you understand." sinabi ko sa kanya.

"Ofcourse, I'm sorry." sinabi naman niya sa akin.

----

Pagdating sa bahay, Si Aaron naman inalalayan ako at tinulungan ako sa mga gamit ko.Halos hindi nga niya ako pinagbuhat ng mga gamit. Pinaupo niya lang ako sa sala habang ipinapasok niya yung mga bag ko tsaka yung mga pagkain.

"Aaron, pwede ba tayong mag-usap." Tinawag ko siya matapos niyang ilapag yung huling bag ko.

Napakunot siya ng noo na ang ibig sabihin kinakabahan siya. Matagal ko na siyang kaibigan kaya alam ko na ang ibig sabihin ng mga pagkunot kunot ng noo niya.

Ngumiti ako sa kanya para makampante siya. But, I know deep down kinakabahan siya.

Tumabi siya sa akin sa sofa kung saan ako umupo. Hinawakan ko yung kamay niya. "Thank you sa paghatid mo sa akin dito." Ngumiti ako sa kanya.

"Maliit na bagay." Sinabi niya sa akin at ngumiti rin siya sa akin at hinawakan rin niya yung kamay ko.

"Alam mo, dati iniisip ko paano kaya kung tayo yung nagkatuluyan?" Para siyang naluluha at bahagyang pinilis yung kamay ko. "Kung ako sana yung pinili mo dati, walang ganitong complication. Mamahalin kita at ang mga magiging anak natin ng walang katumbas." Pagpapatuloy niya.

"Aaron, ano bang sinasabi mo?" Para akong maiiyak pero pilit kong pinipigilan.

"Mica, ako muna yung magsalita." Sinabi niya sa akin. Kaya tumango nalang ako.

"Ang tagal tagal kong pinangarap na ikaw ang makasama ko panghabang buhay, ikaw lang ang gusto kong makasama." tumitig siya sa akin at ganun din naman ang ginawa ko sa kanya.

"Mapaglaro ang tadhana Mica." humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Alam ko naman nuon pa na may asawa ka na pero ikaw lang talaga ang gusto ko. Alam kong mali pero nabubuhayan ako ng loob sa tuwing malalaman ko na nagloloko yung asawa mo." Napailing siya nung sinabi niya yun.

May kinuha siya sa bulsa niya. Isang maliit na pulang kahon at inilagay niya yun sa palad ko. Ngayon it was clear may mga luha na siya sa mata.

"Matagal ko ng binili yan, After graduation to be exact." Binuksan niya yung maliit na kahon. May isang singsing dun na may diamond. Mukhang engagement ring. Kaya pagkatapos tignan ng ilang segundo yung singsing napatingin ako sa kanya.

"Pero mukhang nahuli akong tanungin ka nuon. Ngayon hindi ko na aaksayahin yung oras na ibinigay sa akin. I will not force you into anything." Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Ngayon parehas na kaming umiiyak. "Kapag ako ang pipiliin mo, ibibigay ko sa baby mo at sayo ang pangalan ko. Hindi siya kaylangan lumaki ng walang ama. Ako mismo ang tatayong ama niya. Hindi ka na mag-iisa at hinding hindi ka na iiyak. Kung iiyak ka man dahil sa tuwa hindi dahil sa sasaktan kita. Ibibigay ko ang lahat lahat ng kaya kong ibigay." tuloy tuloy niyang sinabi sa akin at ngayon parehas na kaming umiiyak.

"Pero kung gusto mong bumalik kay Aiden, hindi rin kita pipigilan. At hindi na rin ako makikialam sa relasyon ninyo. Gusto kong malaman mo na kahit anong piliin mo ay tatanggapin ko."

Alam ko na kung anong sinasabi niya sa akin, this is a plea, a promise and a goodbye all rolled into one. Kung hindi ko siya piliin ito na ang paalam niya sa akin, at kung piliin ko naman siya ito na ang kanyang ultimate declaration and confession of love.

"Aaron..." then he hugged me. A very comforting, loving hug.

"Wag muna ngayon, Mica. Please isipin mong mabuti." I can hear his sobs under my hair.

"Mahal na mahal kita Mica at kayang kaya kong patunayan yan sayo." Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"I think I have to go. Kaylangan mo ng time para mag-isip. At kaylangan ko na umalis habang kaya ko pa." Binitawan niya ako sa pagkakayakap at tumayo na.

I was left ones again with a heavy heart. Alam ko sa sarili ko na mahal ko si Aaron at alam ko din sa sarili ko na mahal ko si Aiden.

-nyang


I'm my husband's MISTRESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon