Let me Think

37.7K 450 8
                                    

Days....


Weeks....


And now it has been 5 months...


5 long months na namin ginagawa ni Aiden ang pagkikita sa isang hotel na hindi niya alam na ako at si Natalie ay iisa. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko pero nauumpisahan ko ng maenjoy ang ginagawa namin. Dahil na rin siguro hinahanap ko ang mga yakap at halik ng asawa ko na hindi niya sa akin maibigay.


Not until last night. We are kissing so passionately and I embodied Natalie. The woman Aiden fantasize, kinalimutan ko na ako si Michaela, kinalimutan ko na ako ang asawa ni Aiden. Then, he whispered.


"I think, I'm starting to fall for you Natalie." I distanced my self at him. Hindi ako agad nakapagreact sa sinabi niya.


"W-what?" after a few moments of silence. Napaupo ako and siya rin umupo sa harap ko. Hinatak ko yung kumot para matakpan ang katawan ko.


"Natalie, I think, I love you." Ngumiti siya sa akin pagkasabi niya nun. Bago pa pumatak ang mga luha ko tumayo na ako sa kama at dumiretso sa kabilang kwarto.


"w-wait!! Natalie. wait?" patayong sinabi ni Aiden pero dali dali kong isinara yung pintuan sa likuran ko. Inilock ko rin yun para hindi rin niya mabuksan.

Nainlove siya sa babaeng hindi naman totoo. Na ginawa lang ng asawa niya. Naririnig ko na kumakatok si Aiden sa likuran ko pero hindi ko pinansin. Hindi magandang ngayon ako umalis dahil nandiyan pa rin siya sa labas at baka hintayin niya lang ako sa labas.


Nilapitan ko naman ang main door at inilagay ko ang vault para kung manghingi man siya ng susi para sa kwarto na ito hindi pa rin siya makakapasok. I turned as I saw the phone I've been using to message Aiden. It was ringing and it was Aiden. I picked it up.


"Hello." Unting unting tumulo ang mga luha ko.


"Natalie! Why did you leave? Sinabi ko lang naman ang totoo." Sinabi ni Aiden sa kabilang linya. "Please, open the door we need to talk." Pagpapatuloy niya.


"I think we should stop seeing each other." Pabulong na lumabas yung mga salita sa bibig ko.


"B-but why?" -Aiden


Hindi ako nakapagsalita at napaupo ako sa kama and drop my head in my hand.


"Aiden, I don't think this is a good idea. For crying out loud you have a wife!" medyo napataas ang boses ko at kinabahan ako na baka mahalata niya na ako lang ito.


"Yun ba ang problema? iiwanan ko siya. Just say the word." -Aiden


Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Aiden. Hindi ko na rin alam kung papaano pero pagkaangat ng ulo ko nasa sahig na yung cellphone ko.


----


Nagising nalang ako dahil nagriring yung phone ng kwarto. Pagtingin ko sa digital clock sa tabi nito.

I'm my husband's MISTRESS (completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang