Peanut

36.6K 448 10
                                    

I  was crying my eyes out at the consultation room ni Dra. Cruz while waiting for my urinalysis, my pregnancy test result and for the good doctor. 

Hindi ako makapaniwala na baka nga buntis ako, ang tagal naming hinintay ni Aiden ang pagkakataon na ito. At ngayon na malamang nga na nandito na yung pinakahihintay namin, ako lang mag-isa dito sa opisina ni OB ko. 

"Congratulations Mica it is Positive." napatingin ako kay Dra. Cruz nung pumasok siya sa kwarto, hindi ko man lang namalayan na pumasok na pala siya, kung hindi pa siya nagsalita baka talagang hindi ko alam na nandun siya. She disregarded the tears in my eyes. 

"And now, tignan natin kung ilang weeks na siya. Please humiga ka dito, you know the drill, i will give you some privacy." She directed me to the familiar table, at sa tabi nun nandun yung ultra sound machine. "Magiging okay lang ang lahat." She handed me a box of tissue and I know hindi para sa ultrasound yun, para sa mga mata ko yun.

After a couple of minutes, I was situated in the bed near the machine and I heard her walking around the consultation room. 

"Okay na ba Mica?" tinanong niya ako.

"Opo Doktora." saka lang binuksan ni doktora Cruz yung kurtina. 

"Transvaginal ang gagawin nating ultrasound para makita nating maigi, kapag kasi sa tiyan natin tignan baka wala pa tayong makita." Pagpapaliwanag niya sa akin. Kahit alam ko na ang dahilan ng gagawin niya narelax pa din ako sa pagpapaliwanag niya. 

"Hinga ng malalim Mica." Sabay ng paghinga ko, ipinasok na ni Doktora yung probe sa ari ko. Saka minaobra para makita niya yung uterus ko. 

"There is your baby." Napatingin ako sa monitor na tinuro ni doktora. Napaluha na naman ako nung nakita ko yung parang peanut na tinuturo ni doktora. "And here is your baby's heart beat." Meron siyang pinihit para may lumabas sa speaker na mabilis na tibok.  Kaya lalo akong napaiyak.

Totoo nga, may baby na kami ni Aiden. 

"You are about 6-7 weeks pregnant." nakangiting sinabi sa akin ni Doktora, nung hindi ako makapagsalita dahil iyak lang ako ng iyak.

-

"Pero doktora, diba po sinabi niyo noon na baka may problema ako? bakit po ako nabuntis ngayon?" Tinanong ko sa kanya nung nakaupo na ulit kami at may isinusulat siya sa akin na riseta. Pagkatanong ko nun, napatigil siyang magsulat. 

"Mica, I told you before na baka ikaw ang may problema, hindi ko sinabi na ikaw nga ang may problema, hindi ko rin alam kung bakit noon hindi ka mabuntis kahit anong gawin ninyo, Ang masasabi ko lang sayo, human anatomy has its wonders and miracles and this is one." sabay ngiti niya sa akin. 

I find her words comforting. I don't know why.

As the consultation ended and I left the hospital, I was clutching the piece of printed out paper with my baby's first photo and cant help but be over protective with my tummy. Habang hinihimas ko yung tiyan ko kinakapa ko kung may baby bump na ba o ano pero wala pa. Hindi pa halata na nandun yung little peanut ko. As I walk, I can't help to smile.

Hindi na ako mag-iisa, palagi na kitang kasama peanut.

_____

Maluwag namang tinanggap ni Miss Villa ang resignation ko. Lalo na nung pinakita ko sa kanya na buntis ako. Ang mommy ko naman ang lalong naging excited nung sinabi ko sa kanya na I am pregnant. 

"Ano na ang balak mo?" tanong sa akin ni mommy nung nagkausap kami.

"Ha?" tanong ko sa kanya.

"Sasabihin mo ba kay Aiden?" Tanong ulit niya and I can hear the annoyance sa boses niya.

"Mom, sa totoo lang hindi ko alam. Siguro, siya naman yung tatay kaya may karapatan siya." Sinagot ko sa kanya. At narinig ko yung buntong hininga niya. 

"Basta alam mo na yan, and by the way, baka kunin na ng embassy yung passport mo okay?" sinabi niyang bigla.

"Passport? for what?" hindi ko alam kung anong balak ni mommy. And I am genuinely curious.

"Para makapunta ka na dito, it would be perfect kung dit-" Bago pa niya matapos yung sasabihin niya kaylangan ko na siyang putulin.

"Hold on- hold on. I don't remember anything applying for---" she cuts me off.

"Anak, remembered nung last time tayong mag-usap? About your approval to complete the application? I took that as a sign na ipursue yung application mo. Don't worry anak, everything is taken care off. Kapag kinuha yung passport mo ipadala mo agad dahil ayaw kong magtagal ka pa dyan, especially padating na yung apo ko." tuloy tuloy siyang nagsalita. I rolled my eyes dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

It is clear to me that my mom is offering me a clear way for a new life. 

Naiisip ko palang yung conversation namin hindi ko na alam kung anong dapat ko pang isipin.

"Peanut, ano sa tingin mo? Punta nalang ba tayo sa lola mo o sabihin natin sa daddy mo na parating ka na?" nababaliw na yata ako pati tyan ko na hindi naman mukhang buntis kinakausap ko. 

ano nga ba ang dapat kong gawin.

should I just run away with my baby without Aiden knowing?

or Should I stay , tell him about our baby, let him decide then run away?

Pero nabigyan ko na ng ultimatum si Aiden.

"Ano bang gagawin ko Peanut?"

----


"A mother's love for her child is like nothing else in the world" -unknown


-Nyang

╯ 3╰  


I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now