Reminisce

36.2K 413 6
                                    

Aiden's POV: (minsan lang po ito)

*click

That was the sound of the door when Mica shut the door.

"Mica!!!" Hindi ko sigurado kung narinig ako ni Mica o hindi.

Sinubukan kong tumayo pero nakalimutan kong nakahandcuffs ako.

"What the fuck!?! Bakit kasi!!" Inis at frustration ang nararamdaman ko pero only a bit of surprise nung nakita ko siya kanina na ganun.

Lying on the floor was the wig and the black mask. I looked at it as if my life depended on it. Nasapo nalang ng kamay ko yung mukha ko nung napayuko ako.

"Aiden!!! Sira ulo ka talaga!" Napasigaw ako sa sobrang galit.

Was I only attracted to "Natalie" dahil I looked at her differently from my wife? O I was attracted to other women because I don't see my wife? If I saw my wife like that before could we have prevented all of these.

Fuck you Aiden!! you are such an asshole!!!

I can't help it to blame myself.

I continue to shake my hand but the only thing I could hear is the handcuff's rattle.

"Mica.... I'm sorry".

........

======

(Balik na po sa POV ni Mica ^3^)

"Ahahahaha!!!" Mangiyak ngiyak na sa kakatawa si Dimple at si Joy pagkatapos ko sa kanilang ikwento yung nangyAri.

"Ano ba naman kayo?" I can feel my face heating up because I'm blushing.

"Sorry, sorry. kasi nAman hindi ko maimagine. Gigil na gigil na siya tapos basag trip namAn yung ginawa mo". Tumawa na naman si Joy ng pagkalakas lakas.

"Ehhh.. Ayaw ko naman patagalin pa yun noh! Tsaka wala ako sa mood nun." hindi ko alam kung alin sa sinabi ko yung nakakatawa pero humagalpak na naman sila sa kakatawa.

"Ate kung nasa mood ka pala noon, edi may mangyayari pala sa inyo?" HiNdi ako nakapagsalita, pero kita ko sa reaksyon nila na na-amuse sila sa kung ano man yung nakita nila sa mukha ko. At lalo silang tumawa ni Dimple. 

"Ate para kang baliw. Haay naku ate ano na ba ang balak mo?" Tanong sa akin ni Joy.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil ang alam ko kaya ko naman ginawa yun para malaman na niya yung totoo.

"hindi ko alam, kaya ko lang naman ginawa yun para alam na niya ang totoo, nahihirapan na rin kasi akong magpanggap, hindi ko rin kasi alam kung anong makukuha ko kung ituloy ko pa yung pagpapanggap ko. Nasa kanya na yung desisyon ngayon kung anong gusto niyang gawin. Ang dami ko na sa kanyang ibinigay. Halos buong pagkatao ibinigay ko na sa kanya." Halos naluluha na ako pagkatapos kong sabihin sa kanila yun. Hindi ko rin mapinta yung mga mukha nila pagkatingin ko sa kanila.

"Oh? anong nangyari sa inyo? Ano ba naman kayo?! Ako yung iniwan ng asawa hindi kayo." pinupunasan ko na yung mukha ko gamit yung panyo sa bag ko, nakikita ko rin sa mukha nila na malungkot sila para sa akin.

Mas gusto ko na hindi na nila ako isama sa mga problema nila.

"Pero.... anong gagawin mo kapag nagkita kayo ni Aiden?" Tanong sa akin ni Dimple, "hindi naman malayong hindi kayo magkita." pagpapatuloy niya.

"Hindi ko rin alam," yun nalang ang sinabi ko dahil talagang wala....


====

Pauwi na ako sa bahay ng mommy ko, ng may humatak sa kamay ko. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan yun, paglingon ko si Aiden yung may hawak ng kamay ko. 

"Pwede ba tayong mag-usap?" All the blood in my face drained. Kaya sinubukan kong hatakin yung kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Aiden, anong ginagawa mo dito?" tinignan ko siya diretso sa mukha niya na walang bahid ng alinlangan. 

"Gusto lang kitang makausap." Hindi ko alam kung anong nakikita ko sa mukha ngayon ni Aiden.  Lungkot? Pagsisisi? Hindi ko alam. 

Gusto ko bang malaman kung ano ang sasabihin niya?

"Aiden, paki bitawan ako." Mahinahon ko sa kanyang sinabi. Halatang may gusto siyang sabihin sa akin kaya inunahan ko na siya. "Hindi pa ako handang makipag-usap sayo, hindi pa ngayon." pagpapatuloy ko.

"Pero--" Lumuwag yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Parang natunaw yung puso ko nung nakita ko ang reaksyon niya. "Kaylangan na nating mag-usap, hindi na natin kaylangang patagalin pa toh."

I put my free hand above his hand holding me.

"Aiden, wag dito sa gitna ng kalye and I am not sure kung kaya kong maiwan na mag-isa sa loob ng isang confined space na tayong dalawa lang. Sana maintindihan mo. I just can't." Pagpapaliwanag ko sa kanya. 

"okay, okay naiintindihan ko. " binitawan na niya yung kamay ko then he backed a few steps behind. And run his hands on his hair. Halatang gulung gulo na siya sa mga nangyayari. "Sige, kahit magset nalang tayo ng lugar na madaming tao o kahit saan mo gusto. Basta makapag-usap lang tayo. Kaylangan mong mag-explain sa akin at ako sayo." 

Napailing ako. Napaisip din ako kung saan nga ba pwedeng makapag-usap kami na may mga tao pero may privacy pa rin kami. Isang lugar lang ang naisip ko.

"Sa Stella's tayo magkita. That would be perfect, public place na hindi naman ganun matao." Sinabi ko sa kanya after a few seconds.

"Good. Perfect. Lunch would be good?" tinanong niya sa akin.

Hindi na ako nagsalita, tumango nalang ako. Then I slowly walk towards the place I call home.

That conversation was really awkward, parang hindi siya yung asawa ko for how many years. Parang hindi kami nagsama ng ilang taon.

=======

Pagpasok ko sa Stella's, a rush of emotions flood into me. Dito kami first nagdate ni Aiden after namin magpakasal. Pero hindi ko kaylangan isipin yun ngayon dahil kaylangan muna namin makapag-usap ni Aiden. Lumapit ako sa reception para makapagpareserve na ng table. 

"Hi good afternoon." Bati ko dun sa receptionist.

"Hi maam, good afternoon." Bati naman niya sa akin.

"Table for 2 please." sinabi ko sa kanya.

Napakunot yung noo nung babae, at parang may tinignan sa computer niya.

"Maam kayo po ba yung kasama ni Sir Aiden?" Tanong sa akin nung babae. 

"uhm! yes." I am confuse. Bakit kilala nitong babae si Aiden.

"Maam this way po, hinihintay na po niya kayo." Nag-umpisang maglakad yung babae papuntang loob.

Nandito na si Aiden? Aba himala, maaga siya. Eager much. May ilang lamesa kaming nadaanan nung babae tapos nandun na kami sa part nung restaurant na puro booth at medyo konti yung tao. Sa bantang gitna nung mga booth nakaupo si Aiden. May isang tasang kape dun sa harap niya. Agad siyang tumayo nung nakita niya akong papalapit ng lamesa.

"Miss thank you po." sinabi ko dun sa babae.

Ngumiti lang siya sa akin saka narin umalis. 

Lumapit ako sa kinakatayuan ni Aiden.

"Hi Aiden." Sinabi ko sa kanya. 

"Hello." He was very clip. 


Ito na kaya yung makakapagpabago ng relasyon namin ni Aiden? O ito na yung ending naming dalawa. Aaminin ko na natatakot ako sa kung anong magiging resulta ng pag-uusap namin dahil pumunta ako dito ng walang expectation.


......


-Nyang


I'm my husband's MISTRESS (completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα