His other PHONE

43.8K 655 15
                                    

Simula nung gabing napahiya ako sa harap ni Aiden, lumipat na ako sa kabilang kwarto. Halos hindi na kami nag-uusap pero ipinagluluto, pinaglalaba at pinagpaplantsa ko pa rin siya. Inshort yaya niya ako.

May mga panahon na sinusubukan ko siyang kausapin pero talagang nag-iba na siya. May mga panahon na talagang susuko na ako pero sa tuwing naiisip ko na mag-iisa ako sa buhay hindi ko kinakaya.

Isang araw na naglilinis ako sa dati naming kwarto. May napansin akong telepono sa ilalim ng unan niya. Hindi pamilyar sa akin ang teleponong yun. Kaya sinubukan kong buksan. Unfortunately may password kaya hindi ko nakita ang laman nun. Kaya binulsa ko nalang yun at nagpatuloy sa ginagawa ko.

Pagdating niya ng bahay naabutan niya akong nanunuod ng TV sa sala namin.

"Hello!" Bati ko sa kanya.

"Hi" sinabi niya sa akin. Halos ganun lang naman yung batian naming dalawa.

"Kumain kana? Kung hindi pa may niluto ako dyan yung favorite mo. Gusto mo paghanda kita?" Sinubukan kong maging magiliw yung pagtatanong ko sa kanya pero dumiretso lang siya sa kwarto. Kaya hinayaan ko nalang siya.

Makaraan ang ilang minuto lumabas siya ng kwarto na parang may hinahanap. Sa isip isip ko alam ko na hinahanap nito. Malamang yung cellphone niya. Kaya hindi ako nagsalita at patuloy lang na nanuod ng TV.

"Uhm! May nakita ka bang cellphone sa kwarto?" Tinanong niya ako pagkatapos niyang maglabas pasok sa kwarto ng ilang beses.

"Ha?" Kunyari hindi ko siya agad narinig.

"Sabi ko. Kung may nakita ka bang cellphone sa kwarto?" Medyo nilakasan na niya ang boses niya. Para siguro marinig ko na yung sasabihin niya.

"Ito ba yun?" Binunot ko yung phone sa bulsa ko at pinakita sa kanya.

"Oo. Akin na." Maikli niyang sinabi.

"Anong number mo.dito?" Tanong ko sa kanya.

"Wag mo na alamin. Company issued yang phone na yan kaya hindi pwede ang personal." Lumapit na siya para kunin sa akin ang telepono.

"Ah ganun ba? So kapag tinanong ko sa opisina niyo yung number niyan makukuha ko?" Hinigpitan ko yung pagkakahawak sa cellphone.

"Tumigil ka nga. Akin na yan" sinabi niya ulit sa akin.

Iniabot ko na sa kanya yung telepono dahil alam kong konti nalang ibabato ko na yun.

"Alam ko naman na special talaga yang phone na yan eh. Para sa mga extra curicular activities mo." Tumingin nalang ako ulit sa TV na kunyari nanunuod habang paakyat siya pabalik ng kwarto.

"Kung alam mo naman na pala, wag ka na kasing nagtatanong. Ikaw lang ang nasasaktan." Sinabi niya ng medyo malakas bago niya isinara ang pintuan ng dati naming silid.

Sa galit ko pinatay ko na ang TV at pumunta sa kwarto na tinutulugan ko. Hindi ko na yata kaya ito.

Pumanhik ako sa kwarto ko at nagbalot ng mga damit saka nagbihis. Pagkatapos kong kunin ang ilang gamit ko lumabas ako ulit ng kwarto saka binuksan ang pintuan palabas.

"KUNG AYAW MO NA SA AKIN, EDI AALIS NA AKO DITO! MAGSAMA KAYO NG MGA KABIT MO!!!" isinigaw ko para siguradong marinig niya saka ko ibinagsak yung pinto na halos manginig yung bahay namin.

Lahat ng tao may hangganan at narating ko na ang akin. Babalik nalang ako sa Mommy ko paniguradong tatanggapin niya ako.

Wala ng luhang tumulo sa pagkakataong ito at hindi ko na nilingon ang bahay na dati ay tinawag kong AMIN.

-------

╯ 3╰

I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now