My Hero

36.2K 407 1
                                    

"Anong ginagawa mo sa bahay ko?" Bungad agad sa akin ng nanay ko pagkasagot ko sa telepono ko dahil tumawag siya.


"Hi ma! Hello din." Biniro ko pa siya dahil hindi nga naman siya naghello sa akin.


"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo sa bahay ko? At sa kapitbahay ko pa malalaman na nandyan ka ngayon? Kelan mo sa akin balak sasabihin yan?" Medyo inilayo ko na yung cellphone ko sa tenga ko dahil tuloy tuloy na siyang nagsalita. Kahit medyo malayo na yung telepono pero naririnig ko pa rin yung boses niya.


"Mommy tatawagan na sana kita naunahan mo lang ako." Sinabi ko nalang sa kanya para medyo mapanatag siya.


"Aba!!! Michaela?! Bakit hindi mo pa rin sinasagot yung mga tanong ko?" Tanong parin ang isinagot sa akin ng nanay ko, kaya napabuntong hininga nalang ako.


"Mommy, mahabang kwento, itetext ko nalang siya." sagot ko sa kanya, alam kong magiging malakas na naman yung boses niya kaya medyo inilayo ko yung cellphone ko.


"Michaela hindi mo ba sasagutin ng diretso ang mga tanong ko sayo?!" Napasimangot nalang ako nung sinabi niya yun.


"Mommy mahaba talaga promise." halos nakanguso na ako, alam kong makulit ang nanay ko at hindi niya palalagpasin itong pagkakataon na ito.


"Michaela, marami akong pambayad ng long distance call kaya umpisahan mo nalang na magsalita." sagot niya sa akin.


Kahit anong iwas ko naman panigurado naman akong kukulitin lang naman ako ng nanay ko kaya, huminga nalang ako ng malalim at nag-umpisa akong magkwento, pero syempre hindi ko isinama ang tungkol sa pagpapanggap ko bilang si Natalie. Naikwento ko rin ang tungkol kay Aaron. Matagal na rin kasing kakilala ng mommy ko si Aaron at mula pa noon malapit na rin ang loob niya sa kanya.


"Mica, I'm sorry for not being there." Naririnig ko ng medyo naiiyak na si mommy. At himala naman na hindi na ako naiyak sa pagkukwento ko sa kanya. Siguro ito na yung oras na hinihintay ko na maubos ang luha ko para kay Aiden.


"Mommy, wag kang mag-sorry. May kanya kanya tayong drama sa buhay." Sinabi ko sa kanya.


"Hindi anak, dapat nandyan ako sa tabi mo ngayon." Rinig pa rin sa boses niya na naiyak siya.


"Mommy it's okay. Pagsubok lang ito sa buhay ko." Nag-uumpisa na naman na maluha yung mata ko, hindi dahil kay Aiden kung hindi dahil sa mommy ko. Ayaw ko siyang nag-aalala tungkol sa akin.


"Pero anak, bakit nga ba kasi hindi mo pagbigyan si Aaron? It is very clear naman na he is very much inlove with you. kahit naman noon pa. Mas nauna pa nga niya akong niligawan kaysa sayo, hindi kagaya ni Aiden. Kasi naman, kung sinabi ko pala sayo nuon pa yung tingin ko sa Aiden na yan, dapat hindi ka nagkaganyan." Maopinyon pa rin talaga si mommy, kapag meron siyang naisip sasabihin.


"Bakit ma? ano ba yung naisip mo kay Aiden nun?" Tinanong ko siya dahil para naman siyang walang nabanggit nuon. O meron? hindi lang ako nakinig?


"Kasi nung sinabi mo sa akin na magpapakasal na kayo, hindi mo man lang hiningi yung opinyon ko. Masyado pa kayong mga bata noon. Tapos bigla bigla kayong nagpasya nalang na magpapakasal. Kung ako lang ang masusunod noon baka dati ko pa inawat yun." sinagot niya sa akin.


"Bakit nga ba hindi mo nalang kami inawat?" -Mica


"Dahil ayaw kong sabihin mo sa akin na pakialamera ako. Nandito lang ako para gabayan kayo sa mga desisyon, pero kayo parin ang gagawa niyan. Anak kita ko naman noon na sobrang mahal mo si Aiden kaya hindi ko na rin yun inawat. Pero ayaw ko rin naman na makikitang masasakyan ka ngayon." Rinig na naman sa boses niya na umiiyak siya.


Tama nga naman si mommy, ako pa rin ang gumawa ng desisyon, desisyon na ginawa ko dahil sa pagmamahal.


"Mommy, thank you for listening. okay lang ba na dito muna ako tumira?" halos pinupunasan ko na ang mga mata ko dahil sa luha.


"Oo naman anak, pero ayaw mo bang sumunod nalang dito sa akin? Sabi ko naman sayo matagal ko ng naayos yung mga papers mo, confirmation mo nalang ang hinihintay ko para matapos na at makuha mo na yung visa mo."


Matagal na akong inaaya ni mommy na sumunod sa kanya sa Canada para dun ako makapagpractice ng nursing ko.


"Mommy susubukan ko munang ayusin yung sa amin ni Aiden, sasabihin ko po agad sa inyo kung anong mangyayari." Sinabi ko yun para mapalagay na rin siya.


"okay anak, sabihin mo lang sa akin. I love you Michaela, lagi mong tatandaan na nandito lang si mommy para sayo. Mag-iingat ka dyan. I have to go anak." Alam kung puno ng concern yung sinabi niyang iyon.


"I love you too mommy. Mag-iingat ka rin dyan mommy. Bye".


As we both hang up. Parang ilang tonelada ang naiangat sa akin.


A sigh of relief shifted all over me.


I never thought that a conversation with my mom would be so freeing. Her comforting words gave me strength that I never had. She is my one true hero.


I leaned back at the sofa with a care free spirit. Now I needed to sort things out with Aaron.


Ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya?


Kung sa kanya naman ako tumakbo after Aiden, hindi ko ba siya masasaktan?


Can I be the woman he wants me to be?


Can I even make him happy?


There is only one way to find out..... And we needed to talk...


I dialed his number and immediately he answered.


"Hi Aaron.... It's me.... We need to talk...."


----


-nyang


╯ 3╰



I'm my husband's MISTRESS (completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora