Why do you LOVE to hurt me?

60.4K 692 25
                                    

"Miss pwede magpa-BP?"

Hindi ko pa mapapansin si Lola na nagpapaBP kung hindi pa ako kinalabit ni Vincent yung katandem ko sa ER ngayon.

"Ay. Sorry mommy. Sige po upo muna kayo pahinga para medyo mababa yung makuha nating BP. Puntahan ko po kayo." Ngumiti lang si lola tapos naupo na sa mga bench na malapit dun sa ER.

Hindi kasi nabusy ngayon sa ER kaya natutulala ako.

"Mika wala ka yata sa sarili mo ah? Kanina ka pa tulala." Napansin pala ni Vincent.

"Medyo inaatok kasi ako kaya medyo natutulala ako." Nag-excuse nalang ako sa kanya para naman matapos na yung usapan namin.

"Oh. Okay. Magsabi ka lang kung may hindi ka magandang nararamdaman. Tsaka wag mo kakalimutan si lola na nagpapaBP. Kain lang ako" Kumindat pa siya sa akin saka lumabas ng ER.

8 hours ng shift ko tulala ako o madalas akong magkamali. Dapat nga by now sanay na ako sa nangyayari sa amin ng asawa ko. Pero hindi pala nakakasanayan yun.

Pauwi na ako, gusto kong mag-isip kaya naglakad nalang ako. Tutal hindi naman ganun kalayo yung tinitirhan namin.

"Mica?" Napalingon ako nung may tumapik sa balikat ko. Nagulat pa ako nung nakita ko si Aaron. kaibigan ko nung college pa kami tsaka nanligaw sa akin.

"Oh Aaron.!" Medyo napalakas yung boses ko dahil medyo nagulat ako.

"Okay ka lang ba?" Halos sabay na kaming naglalakad ngayon.

"A-ah! Oo naman. Bakit mo natanong?" Maangmaangan kong tinanong sa kanya.

"Eh. Kasi kanina pa kita tinatawag. Dun palang banda sa kanto dun." Tumuro siya sa may likuran namin.

"Oo naman noh. Okay na okay ako." Tapos naglakad nalang ako ng tuloy tuloy. Halos tahimik lang kaming naglalakad. Hindi kami gaano nag-uusap.

"Teka. Kumain ka na ba? Diba galing ka ng duty? Malamang hindi ka pa nakakakain. May jolibee dyan oh tara? Libre ko" nakangiti siyang inaaya ako.

"Hindi na. Uuwi nalang ako. Hindi pa naman ako nagugutom eh." Sinagot ko naman siyang nakangiti rin. Matagal na kaming magkaibigan kahit ilang beses ko na siyang binusted dati hindi nagbago yung pakikitungo niya sa akin. Kaya kampante akong siya kasama kong maglakad pauwi.

"Hindi na! Tara na! Kain na tayo." Hinawakan niya ako sa kamay saka hinatak papunta sa Jolibee.

"Teka lang. Hoy! Aaron. Hindi na talaga. Okay lang. Hindi pa talaga ko nagugutom." Bahagya kong hinahatak yung kamay ko.

"Tara na kasi. Libre nga kita eh. Minsan lang naman tayo makakapagkwentuhan eh." May ilang segundo rin kaming naghahatakan sa gilid ng kalye nung biglang may bumusina sa amin. Pagtingin ko kung saan galing yung bumusina nakita ko yung sasakyan namin, mahusay si Aiden.

Binitawan ko si Aaron nung nakita namin si Aiden na nakatingin sa amin pero hindi bumitaw sa akin si Aaron.

Bumusina ulit si Aiden saka ibinaba yung bintana niya. "Tara na Mica" pagtawag niya sa akin.

"Aaron alis na ako. Next time nalang yung panlilibre mo ah." Hinatak ko ng biglaan yung kamay ko para mabitawan niya ako saka pumunta sa sasakyan namin. Pagkasakay ko hindi umimik si Aiden hanggang makarating kami ng bahay.

"Aiden. Anong gusto mong pagkain? Magluluto na ako." 6:30pm palang naman. May oras pa ako para makapagluto ako. Pero hindi sumagot si Aiden sa tinanong ko. Dumiretso lang siya sa banyo.

Pagkalabas niya bagong ligo siya, pagkatapos dumiretso naman sa kwarto. Pinuntahan ko siya dun at nakita kong nagbibihis siya na pang-alis.

"Saan ka pupunta?" Tinanong ko sa kanya.

"Aalis ako. Obvious ba?" Sagot niya sa akin.

"Saan ka nga pupunta?"

"Lalabas ako. Wag kana magluto, sa labas na ako kakain." Napanganga nalang ako nung sinabi niya yun.

"Dito ka na kumain. Sabayan mo naman ako. Hindi pa ko kumakain eh." Halos nagmamakaawa na ako sa kanya.

"Ah. Kaya ba nakikipaghatakan ka sa kalye? Dun sa Aaron na yun?" Hindi ko siya maintindihan. "Sa susunod na makikipaglandian ka, wag sa kalye ha?" Lalong hindi ko na siya naintindihan.

"Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabi mo?" Halos maiyak ako nung sinabi ko yun.

"Wag mo nalang akong pakialaman." Dinaanan nalang niya ako saka lumabas ng kwarto.

Hindi na ako nakapagpigil kaya sinundan ko siya. "Saan ka na naman ba pupunta? Isa sa mga kerida mo?" Hindi niya pinansin yung sinabi kong iyon. Patuloy pa rin siya sa paglalakad.

"Mahal mo pa ba ako?" Isinigaw ko na yung natitira kong lakas sa kanya.

Lumingon lang siya sa akin bago siya lumabas ng tuluyan sa pintuan. "Maswerte ka dahil dito pa ako umuuwi." Pagkasabi niya nun lumabas na siya at isinara yung pintuan.

Parang jello yung tuhod ko kaya napaupo na ako sa lapag. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya sa akin yun. May limang minuto na ang nakalipas nung nakaalis si Aiden pero nakatitig lang ako sa pintuan. Yun lang ba yun? Ganun lang ba kadali sabihin yun? Si aaron ba yung dahilan nung pagkakaganun niya? Ako ba?

Ang daming tanong na bumabalot sa isip ko habang nakaupo ako sa malamig na sahig.

--- ╯ 3╰

I'm my husband's MISTRESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon