You are Still my Girl

38.2K 398 12
                                    

"You don't even know what you are saying.... hindi mo pa ako kilala... I have demons Aaron.. and you don't want to know them..." That was the last sentence I spoke to him before I stood up and went to Joy's room. 

I know masakit sa kanya yun dahil walang clear explanation ang ginawa ko sa kanya. Pero yun naman ang totoo. I pretended to be my own husband's mistress just to what? Confirm things? To hurt me further? Kahit ako hindi ko alam kung bakit. I am confuse.. And I am a mess. 

A text message came in from Aaron.

A text message came in from Aaron

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I just sat. Speechless.... Hindi ko na nakuhang magreply at hindi ko na rin naiintindihan kung ano man ang sinasabi ni Joy. 

"You are still my girl...." Those words echoed in my head.

Flashback:

Nakayuko ako sa balikat ni Aaron, habang umiiyak dahil nakita kong magkahalikan si Aiden sa gym kanina. Dapat kanila Joy ko sasabihin kaya lang hindi pa sila tapos sa ginagawa nilang thesis. Buti nalang available si Aaron.

"Ang tanga tanga ko." Sinasabi ko sa kanya habang umiiyak. Hindi ko na iniisip yung mga taong dumadaan dahil nakaupo lang kami sa isang bench dito sa university namin. 

"Tahan na, gusto mo ng ice cream?" hinihimas niya yung ulo ko habang sinabi niya yun. 

Ice cream? Isip isip ko. Iniangat ko yung ulo ko para tignan siya.

"Ice cream? Ngayon mo pa naisip na tanungin ako kung gusto ko ng ice cream?" Halos sinisigawan ko na siya pero nasisinghot pa din ako.

Tumawa siya ng malakas habang inilagay niya yung braso niya sa leeg ko saka hinimas himas yung ulo ko. Para tuloy akong bata na hinihimas yung ulo ko. Kaya kahit naiiyak pa din ako, medyo napangiti ako.

Pagkatanggal ng pagkakahawak niya sa akin napanguso ako sa kanya bilang pagpoprotesta. Kaya lalong tumawa yung loko.

"Ang cute mo talaga." Pinisil pa niya yung pisngi ko kaya hinampas ko yung kamay niya.

"Aray! Masakit ah!" Pero tumatawa lang siya.

"ayan, wag kana umiyak. Hindi bagay sayo." sabay abot niya sa akin ng panyo niya. 

kinuha ko naman yun, pero kahit anong punas ko ng mata parang may pumapatak pa din na luha sa mata ko. Buti nalang talaga nandito si Aaron. 

"Wag kana umiyak. Ayaw kitang nakikitang malungkot. Tandaan mo nandito lang ako para sayo." Hinihimas pa rin niya ang ulo ko.

I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now