Helpless

37K 406 1
                                    

As expected dumating yung letter galing sa Canadian Embassy at kinukuha ang passport ko. Obviously my mom insisted that I send my passport "para magkaruon ka na ng visa papunta dito." As my mom kept on shouting when i told her.

Now I am almost 9 weeks pregnant. Sa tuwing humaharap ako sa salamin tinitignan ko kung halata na ba yung tiyan ko pero parang wala naman. May maliit lang na bump but that's it.

"Peanut nandyan ka ba talaga?" Sa tuwing kinakausap ko yung tyan ko hindi pa rin ako makapaniwala na buntis talaga ako. Hindi ko pa nasasabi kay Aiden ang tungkol dito.

Naisip ko paano kaya kung sa text message ko sa kanya sabihin. Short and direct to the point. "Buntis ako." Pero napakainformal naman at baka hindi siya maniwala.

Should I call him? Pero hindi ko rin alam kung paano ko sa kanya ioopen.

---

"OMG!!!" Nakangiting napasigaw si Dimple nung sinabi ko sa kanila ni Joy ang tungkol kay Peanut nung nagkita kita kami for lunch sa isang restaurant sa makati. "Totoo ba yan?" Dugtong pa niya.

Napapailing nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Ate congrats! Kaya pala mahilo hilo ka nung nagduty ka kasama ko." Bati naman sa akin ni Joy.

"Thank you sa inyong dalawa. Kayo palang ang nakakaalam ang tungkol kay peanut. Bukod kay Mommy. At nung nagpaalam ako sa ospital." Nakangiti akong tinapik yung tiyan ko.

Pagkatingin ko sa mga mukha nila parang confuse sila.

"Teka?! Hindi pa alam ni Aid--" tanong ni Dimple, pero bago pa niya matapos yung sasabihin niya pinutol ko na .

"Hindi ko rin kasi alam kung papaano ko sasabihin sa kanya." Alam ko na narinig din nila yung lungkot sa boses ko.

"Sabihin ang alin?" Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan nung boses.

Sa may likuran ko nakatayo si Aaron. Great! Ano kaya ang narinig niya sa pinag-uusapan namin?

"Aaron?! Anong ginagawa mo dito?" Si Joy na yung unang nagsalita nung halos magkatitigan na kami ni Aaron ng medyo matagal. Nung minuto rin na yun saka lang inalis ni Aaron ang pagkakatingin niya sa akin.

"Actually, may kameeting ako, coincidence lang na nakita ko si Dimple, hindi ko akalain na nandito pala kayo." Tumingin ulit siya sa akin at nakangiti pa rin siya.

Hindi pa rin ako makapagsalita kaya umiwas na ako ng tingin.

"So. Ano yung hindi mo masabi at kanino?" Alam ko na sa akin niya tinatanong yun.

Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa kanya kaya kinuha ko nalang yung juice sa lamesa para uminom ng kunti.

"Uhm. ...." Sinabi ko pagkalapag nung juice. I kept on scrumbling my head to find something to say.

"Yung pagpunta niya sa Canada. Hindi niya alam kung pupunta siya sa Canada." Si Dimple na ang nagsalita.

Kamuntik na akong mabilaukan nung sinabi ni Dimple yun kaya napanlakihan ko na siya ng mata.

"P-pupunta ka ng Canada?" Rinig ang gulat sa boses ni Aaron.

"Uhm..." Hindi ko pa rin masagot si Aaron.

"Pinag-iisipan pa niya Aaron, hindi pa siya decided." Si Dimple pa din yung nagpaliwanag.

Napatingin si Aaron kay Dimple. Tapos balik sa akin.

He lowered his head to mine as if my ibubulong.

"Can we talk? I'll call you later." Sinabi ni Aaron sa akin. Wala akong binigay na sagot sa kanya pero tinignan ko lang siya.

"Ladies, its very nice seeing you all but I have to go. I don't want to keep my company waiting." Pagpapaalam sa amin ni Aaron.

Napalingon ako nung papalayo na siya sa lamesa namin. Nung nakasigurado na akong nakalayo na siya tinignan ko si Dimple ng masama.

"Oh-ow!" Sinabi ni Joy sabay inum ng tubig.

"Dimple what are you thinking?!" Halos lumalabas na sa ilong ko yung usok dahil sa galit.

"What?! What did I do?" Cool na cool si Dimple nung sinabi niya yun, na para bang wala siyang ginawang masama.

"Why? Why did you have to say that?" Galit pa din ako at alam ni Joy yun dahil hinawKan niya ako sa kamay na parang inaawat ako.

"Totoo lang naman yung sinabi ko, at mas gusto mo ba na sabihin sa kanya na hindi mo alam kung paano sasabihin sa ex husband mo yung tungkol sa baby niyo?" She looked straight to my face. "At bakit ka nagagalit sa akin? Kung hindi yun yung gusto mong malaman niya bakit hindi ikaw yung nagpaliwanag? Hindi yung puro uhm lang ang sinabi mo? Ano yun?! Lugaw?" Pagpapatuloy ni Dimple.

Alam ko sa aming tatlo, si Dimple ang may pinakamalakas ang personality sa amin. Totoo rin naman ang sinabi niya. Bakit hindi ko nalang sinabi kay Aaron na buntis ako with Aiden's baby. Bakit hindi ko sa kanya inamin ang tungkol kay peanut? 

"Dimple wag mo na siyang pagalitan. Alam mo naman na naguguluhan si ate ngayon at masama sa baby niya na malungkot pa siya." Rinig sa boses ni Joy ang concern.

I was getting up to leave dahil hindi ko na rin alam kung saan pupunta yung usapan namin. Parang may kirot sa puson ko. Kaya napahawak ako sa may bandang tiyan ko at sa gilid  ng lamesa for support.

Napatingin ako kay Joy at kay Dimple. Yung maliit na kirot sa pusunan ko biglang lumala yung sakit. I gasped a small sigh of pain. Napabitaw ako sa kinakahawakan ko at napaluhod sa lapag. Pakiramdam ko hihimatayin ako dahil sa sakit at dahil na rin sa takot. Tears filled and falls down in my eyes the moment I realized what might be happening. 

"Peanut, wag mong iiwan si mommy." Yun lang ang ibinubulong ko sa sarili ko. "Peanut, please."

Nakita ko nalang na nasa tabi ko na Dimple. Tinabig na nila yung lamesa pati yung upuan sa likuran ko para maipuwesto nila ako na nakahiga sa lap niya. 

Blur...

Nag-uumpisang magfade yung ingay sa paligid ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari. 

Blur..

General POV:

Si Dimple na mismo ang umalalay kay Mica sa lapag, iniayos niya ito para makahiga siya sa lap niya.

"Malamig na tubig, kaylangan ko ng malamig na tubig!" Isinigaw ni Dimple sa Waiter na nakatingin sa kanila. "Mica, sorry. Hindi ko sinasadya na mastress ka." Hinahawi ni Dimple yung buhok ni Mica. Alam niyang nakasalampak na sila sa lapag pero kaylangan niyang unahin ang kaibigan.

Si Joy tumakbo sa kinakaupuan ni Aaron para humingi ng tulong. Alam niyang kung makukunan si Mica kaylangan nilang dalhin agad siya sa ospital.

"Uhm. Aaron Excuse lang." Bago pa man sabihin ni Joy kung anong nangyari kay Mica, Pagkalingon palang niya nakita na niya na may nagkakagulo sa lugar na kinauupuan nila. 

Bumilis ang tibok ng puso niya sa pag-aalala. "gentlemen, sorry but I have to go." Dali daling umalis si Aaron sa kinauupuan niya at nakasunod naman si Joy.

"Anong nangyari? Kanina okay naman siya ah." NAg-aalalang tanong ni Aaron sa dalawa. Hindi alam ni Joy at Dimple kung dapat nilang sabihin kay Aaron ang kondisyon ng kaibigan.

"Hindi na importante yun. Kaya mo ba siyang buhatin? Dalhin na natin siya sa ospital." Sinabi ni Dimple sa kanya.

Hindi na sumagot si Aaron dahan dahan niyang binuhat ang lupaypay na katawan ni Mica. Habang palabas sila sa restaurant tinignang maigi ni Aaron ang maputlang mukha ni Mica saka niya hinalikan sa noo. 

"Mica, Please maging okay ka lang sana." Ibinulong niya sa walang malay na si Mica.


-nyang


I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now