if I can't bit HIM i'll Join HIM

45.3K 539 8
                                    


I have formulated a plan and a week from now, makikita ni Aiden si Natalie. I just hope my plan work.

After namin mag-usap, gumawa ako ng elaborate plan. And i have sent this message to him.

 And i have sent this message to him

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

---

Sa tuwing naaalala ko ang ginawa ko hindi ako mapakale. Patuloy pa rin kaming magkamessage ni Aiden bilang si Natalie. At sa bahay nakikita ko rin na hindi rin mapagsidlan ang excitement ni Aiden.

Hindi ko alam kung makikilala niya ako. Bumili ako ng wig na kulay copper brown, bumili rin ako ng lacey black lingerie, at ng ilang makeup pero ang pinaka importante binili ko yung nakita kong lacey black mask sa isang accessory shop na nakita ko.

Will this work?

Friday

Inirequest ko na maging day off ko ngayon. Pero ang alam ni Aiden panggabi ang duty ko ngayon sa ospital. Tama nga ako hindi napansin ni Aiden ang mga binili ko.

Napag-usapan namin ni Aiden na kaylangan niyang mabayaran ang mga kwarto namin para makapagcheck in ako ng maaga.

Maaga rin umalis ng bahay sI Aiden para pumasok sa opisina. Ang excuse niya sa akin meron siyang dinner with a client pero alam ko na na nagsisinungaling siya.

Umalis ako ng bahay dala ang isa ko pang pagkatao. Pero bago pa ako makarating sa Hyatt hotel nagpahinto muna ako sa taxi sa isang restaurant na malapit dun.

Nagbanyo lang ako para ayusin ang sarili ko.

Inilagay ko ang wig ko, nagmakeup ako, high heels at pinalitan ang suot kong pantalon sa isang body hugging na damit, ngayon ko lang narealize sexy pala ako. Inilagay ko sa wallet ko yung wedding ring ko at nagsuot pa ako ng shades. Pagtingin ko sa salamin halos hindi ko nakilala ang sarili kong mukha.

Pagdating ko sa hotel halos lahat ng kalalakihan dun napapatingin sa akin. Hindi rin naman ako magtataka dahil medyo sexy ang damit kong naisuot. At kung makikita ko rin ang babaeng kagaya ko ngayon baka mapanganga rin ako.

Paglapit ko sa reception area. Yung receptionist parang napatulala rin nung nakita akong lumapit sa kanya. Hindi ko tinanggal yung suot suot kong shades.

"Hi good morning. Room reservation under Aiden Fuentes." Ngumiti ako sa kanya ng pagkatamis tamis. Pero deep down inside kabadong kabado na ako.

Konting information ang hiningi nila para sa comfirmation at lahat ng ibinigay ko ay hindi totoo. Nung hiningan nila ako ng ID para proof of identity tinawagan ko nalang si Aiden at ipinakausap sa agent na kausap ko. Kumuha rin ako ng susi ng kwarto ni Aiden. Para makapasok ako dun.

Una kong pinuntahan ang kwarto ni Aiden at inilagay ko sa kama ang isang blind fold na kulay black. At isang sulat na may lipstick stain na ginawa ko.

Ang nakalagay sa sulat.

Welcome lover. Call me kapag dating me. I'm already at the other room. Put the blindfolds on, sit on the bed and count for 60 secs. Then you'll know I'm here.

Lumabas na rin ako agad pagkatapos kong tanggalin ang safety vault sa pintuan na nagkoconnect sa mga kwarto namin.

Pagdating sa kwarto sinigurado kong nakavault ang pintuan ng kwarto para kung manghingi man ng susi si Aiden ng kwartong ito hindi siya makakapasok ng basta basta lang.

Inilabas ko yung mga gamit na kaylangan ko. Yung mga makeup, at yung lingerie na binili ko kasama ang matching na robe at ang contact lense na may hazel color para hindi niya ako makilala lalo pati na ang lacey black mask.

Nagmakeup ako smokey black at naglagay ng red na red na lipstick, iniayos ang wig ko para masecure ng husto sa ulo ko. Inilagay ko na rin ang contact lens ko. Sa ganun ayos palang lalo na akong napamangha sa nagagawa ng makeup. Lalong nag-iba ang itsura ko.

Isinuot ko na rin ang black lingerie na binili ko. Natatawa ako sa sarili ko. May halong excitement at kaba na hindi ko maintindihan. Pagkatapos kong ilagay ang lingerie tinignan ko ang sarili ko sa salamin at natawa ako ng malakas.

"Who are you bitch?"

Mukha akong model sa victoria secret o isang hi class na pukpok na kalimitan kong nakikita sa mga pelikula. Itinago ko sa closet yung gamit ko pati na yung travel bag na ginamit ko. Dahil panigurado makikilala ni Aiden yung mga yun.

Naupo ako sa kama at inilagay ko sa tabi ko ang cellphone na ginagamit ko pangcontact kay Aiden.

"Ikaw ngayon si Natalie. Don't forget about that."

Pagkatapos kong ihanda yung pisikal ko na anyo ngayon kaylangan ko naman ihanda ang emosyon ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na gagawin ko toh." Yan ang tumatakbo sa isip ko habang nilalaro ko ang black lace mask sa kamay ko.

-----

╯ 3╰

I'm my husband's MISTRESS (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon