Positive or Negative

37.6K 426 31
                                    

The place still looks the same. Ang pagkakaiba lang siguro, nilagyan na nila ng mga modern na chandelier yung ceiling nila. Earth tones pa rin yung theme ng buong restaurant, yung mga waiter at waitress nakablack na polo, black na pants at black na apron. I was looking around not looking at the direction of Aiden.  And I can feel na ganun din yung nararamdaman ni Aiden. Then at the corner of my eye I saw him, taking glances at me. 

I can't blame him, I make sure to wear a fitting short dress. Making sure na kitang kita ang legs ko. 

It took all I got to look at his direction. 

"Aiden...." tinawag ko yung pangalan niya nung nakita kong nakayuko siya. Napatingala naman siya agad pagkatawag ko sa kanya.


Aiden's POV: 

"God, she looks so pretty." Isinisigaw ng isip ko. Hindi ko siya makuhang tignan. Nahihiya rin ako sa kanya at hindi ko alam kung saan ako mag-sisimula. 

Should I say I'm sorry? But how?

"Aiden.." I clearly heard her voice and quickly yank my head towards her direction. Aww.. Nakayuko pala ako. Hindi ko talaga siya makuhang tignan.

"Sorry... Gusto mo bang umorder na?" tinanong ko sa kanya, a very pathetic question I know. 

Umiling lang siya. Bakit parang iba yung tingin ko kay Mica ngayon, she looks so much prettier. Was it because I just found out that Mica and Natalie is one of the same?

"Aiden? Ito lang ba ang ipinunta ko dito? Ayain mo akong kumain?" Tinanong niya ako, tatayo na yata siya.

"Mica please sit. Mag-usap tayo." I know my voice is very pleading. "I want to know, ikaw ba si Natalie?" Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa.

"Oo." Maikli niyang sinabi sa akin.

Napapikit ako dahil alam ko naman na yung sagot sa tanong na iyon. How stupid am I?

"Ba-Bakit mo nagawa yun?" My voice broke. 

She tilted her head. 

"Aiden ano sa tingin?" But her voice did not.

"Then why? Was it for revenge?"I immediately regret those words the moment it left my mouth.

"Seriously Aiden? Revenge? Ganun ba yung pagkakakilala mo sa akin?" she paused. Then continued. "Truth Aiden. Kaylangan kong malaman ang totoo. Kaylangan kong malaman kung kaya mo pa rin akong lokohin, kung kaya mo akong iwanan dahil sa iba. All those time Aiden, na nagpapanggap ako bilang kabit mo? Napakasakit nun para sa akin. Every touch, every kiss, everything repeatedly stab me until I'm turned to nothing." my mouth dried up. as if naubos ang lahat ng fluid ko sa ulo ko.

What do I say to that? I tried opening my mouth but I can't say anything.


Mica's POV:

"Kasalanan mo toh...." Sinagot sa akin ni Aiden after a few moments of silence.

"Bakit sakin mo ibabaling ang sisi.???" Namumuo ang galit ko sa kanya.

"Dahil hindi mo ako mabigyan ng anak." And lastly, sinabi na rin niya ang matagal na niyang hindi masabi sa akin. I knew the blood in my face was drained. 

FLASHBACK:

Nakatingin ako sa maliit na stick na kanina inihian ko. "Please 2 lines lumabas ka na." Paulit ulit kong sinasabi sa utak ko. Lagpas 1 month na rin kasi akong hindi dinadatnan. 

"Hun? Nasan ka?" Naririnig ko si Aiden sa labas na hinahanap ako. 

Gusto ko sana siyang supresahen kung sakaling magpositive yung pregnancy test. 

"Hun, nandito ako sa banyo." Lumabas na rin ako at hawak ko pa rin yung Pregnancy test. 

Pagkakita sa akin ni Aiden, ngumiti siya sa akin saka ako hinalikan at nung nakita niya kung anong hawak ko lalong lumaki yung ngiti niya.

"Ano positive na ba? diba more than a month ka ng delayed?" ngiting ngiti siya sa akin nung tinatanong ako.

"honey, wait lang. may 1 minute pa tayo para malaman kung ano nga yung result." napapangiti ako sa reaksyon niya dahil para siyang bata na excited makita yung regalo niya. Kaya inilapag ko sa lamesa yung pregnancy test saka kaming dalawa ang naghintay.

Single line lang. Napasimangot ako nung nakita ko yung resulta.

"Baka naman mali yang pregnancy test na yan, magpaultrasound ka na kaya? Magpaappointment tayo sa OB gyne mo bukas hun." sinabi sa akin ni Aiden. Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

----

"Sorry Mica, hindi ka buntis." Sinabi sa amin ni Dra. Cruz yung OB gyne ko. Pagk,atapos niyang tignan yung ultrasound result ko.

"Pero doktora, more than one month na po akong delayed." sinabi ko sa kanya. 

"Mica, nasa medical field ka rin, alam mo naman na maraming possible cause ang pagkadelay ng period mo, nandyan ang stress, nasa rotating shift ka pa rin ba?" tumango lang ako sa sinabi niya. "Isa rin yan, hormonal. Ganito nalang ang gagawin natin. Since hindi ka pa nagkakaruon I'll send you for some hormonal test. After a week or pagkakuha mo nung result mo see me again para maresitahan kita ng proper medications mo." sinabi niya sakin.

"Thank you po." sinabi ko sa kanya at kinuha yung laboratory request. 

----

Ilang buwan na rin ang nakakalipas, uminom na ako ng progesterone pills para makatulong sa hormones ko. At after sex namin ni Aiden kung anu- ano na ang ginagawa namin para lang mabuntis ako. Pero nothing seems to work.

"negative" Parin ang result ng pregnancy test ko.

"Mica I'm sorry to say, but you are not pregnant." Sinabi sa akin ni Dra Cruz, at sabay nuon binitawan ni Aiden ang pagkakahawak sa kamay ko. "Ilang buwan na tayo nagtatry na mabuntis ka?" Tanong niya sa akin.

"uhm--"mentally nagbilang ako. "may 1 year na po." sinagot ko sa kanya pagkabilang ko sa isip ko.

"hmmm.... I better refer you to a fertility specialist. it is clear to me na the problem may be coming from your side, Napasperm test naman natin si Aiden and his laboratory results were normal." she smiled a little. "Mica please don't take this the wrong way. Baka may mga bagay lang akong namiss na mas matututukan ni Dr. Cabalquinto, more options."

I know she is being nice, and alam ko na ako talaga ang may problema dahil si Dra. Cruz ang pinakamagaling na OB dito sa hospital or in this country. My mind went blank as she wrote in her prescription pad.

---

"Aiden, puntahan pa natin si Dr. Cabalquinto. Baka talagang may mga options pa na pwede tayong masubukan." Sinabi ko kay Aiden pagkapasok ng bahay namin. Then he looked at me very coldly.

"Just stop. Ikaw ang may problema sa ating dalawa. Kaya kung gusto mo ikaw nalang ang pumunta sa doktor na yan." sinabi niya sa akin.

"Bakit ganyan mo ako pagsalitaan?" Halos namumuo na yung luha ko.

"Mica, baog ka!!! You know how much I wanted a child?!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Aiden. The unwanted tears started to fall. Then he walked towards the door.

"Don't wait up, gagabihin ako." then he shut the door.

That was the first time, the first time he treated me as garbage.

=======


There is nothing more demeaning for a woman than to have her husband treat her like she can't do anything for him, even though she already gave her all.


-Nyang




I'm my husband's MISTRESS (completed)Where stories live. Discover now