CHAPTER 34 - Little Girl

694K 16.2K 3.1K
                                    

CHAPTER 34 - Little Girl

Two months later...

"DAD, maayos ang lagay namin ni Virgo. You don't need to worry. We're fine." Pagkausap ni Lucien sa ama niya na nasa kabilang linya.

"Okay. Mag-ingat kayo riyan." Anang ama niya. "Wala pa akong balita sa Royal Family. Ang umaatend sa mga meeting ay si Prinsesa Vixen palagi, kaya naman wala akong maibibigay na impormasyon sayo."

"Ayos lang, Daddy. Safe kami, 'yan ang importante."

"Sige, paalam na."

"Sige. Ingat kayo riyan."

"Kayo rin."

Nang mawala ang ama sa kabilang linya, umupo siya sa gilid ng kama kung saan doon nakahiga si Virgo.

Alam niyang nag-aalala ang pamilya niya sa kalagayan nila. But they're really fine. They'd been in Fyn cave for more than two months now and they are well protected. Kung noon ay nagdududa pa siya kay Vixon, ngayon wala na. That man did everything to protect Virgo. Pati na rin si Vixor at ang iba pa nilang kasamahan sa kuweba na iyon. Kaya hanggat maari, ayaw ng mga ito na makipaglaban siya baka raw may mangyaring masama sa kaniya at hindi kayanin ni Virgo, maapektuhan ang pinagbubuntis nito.

But it is his fight too, kaya naman makikipaglaban siya para kaligtasan ng asawa at magiging anak niya.

For two months they took refuge in Fyn's cave. And now, they are welcoming the next month. So far, walang Rogue na nagtatagumpay na pasukin ang kuweba.

Kinabahan si Lucien ng makitang kumislot si Virgo at napahawak ito sa bilog na bilog nitong tiyan. Palaki ng palaki ang tiyan nito sa bawat linggo na lumilipas and if their calculation is right, manganganak na ito sa susunod na linggo.

Sana maging maayos ang lahat.

"Lucien..."

Mabilis na hinawakan niya ang kamay ng asawa. "Ano 'yon? You want food? Blood? What do you want?" Sunod-sunod niyang tanong.

Virgo smiled at him. "Feeling ko manganganak na ako."

Hinaplos niya ang nuo nito na puno ng pawis. "Ayos lang. Narito ako—"

The alarm buzzes. Umaatake na naman ang mga Rogues.

Virgo gasped in fear. "Narito na naman sila?" Kinakabahang wika ni Virgo habang mahigpit na nakakapit sa kamay niya.

Lucien kissed Virgo on the lips. "I'll keep you safe."

Tumango ang asawa. "Mag-ingat ka, okay?"

"I promise."

Lumabas si Lucien sa silid nilang mag-asawa at mabilis na naglakad patungo sa war room para kumuha ng espada. Kailangan niyang protektahan ang kaniyang mag-ina. He's willing to do everything, even to die, just to keep them safe.

BUMANGON si Virgo sa pagkakahiga sa kama at dahan-dahang naglakad palabas ng silid. Pupuntahan niya si Fyn. Nararamdaman niya, malapit na siyang manganak. Kailangan niya ng tulong.

Naririnig ni Virgo ang mabibilis na yabag ng paa ng mga kasama niya sa kuweba na handang isakrepesyo ang mga buhay maprotektahan lang siya. Kaya kailangan maayos ang maging lagay ng anak niya.

"Fyn." Tawag niya sa lalaki. Sana marinig siya. "Fyn... tulong." Wika niya habang nakasandal sa pader at naglalakad. "Fyn..."

Bumaba ang tingin niya sa hita niya. Nanlamig ang buo niyang katawan ng makitang may dugo na dumadaloy sa mga hita niya.

"Oh, my holy." Nasapo niya ang bibig sa sobrang kabang nararamdaman. "Fyn! Fyn! Lucien! Help me! Lucien!" Tumigil na siya sa paglalakad. "Tulong! Lucien! Manganganak na ako! Lucien!"

Favorite Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon