CHAPTER 31 - Alive and Pissed Off

486K 12.5K 1.6K
                                    

CHAPTER 31 - Alive and Pissed Off

NAKAUPO sila ni Lucien sa malaking tipak ng bato nang biglang magsidatingan ang napakaraming Rogue. Mahigpit siyang napakapit sa kamay ni Lucien. Good thing they are now dressed.

"Stay still." Ani Lucien na ngayon ay pula na ang mga mata at handang lumaban para sa kaligtasan nila. "I won't let anything happen to you."

Same here. Hindi siya papayag na may mangyaring masama sa pinakamamahal niyang lalaki.

Tumayo si Lucien, at sa isang-kisap mata, umatake ito sa mga Rogue na tanging kamay lang nito ang gamit. Mas magiging madali sana ito kung may gamit silang espada.

"Tumakbo ka na Virgo!" Sigaw ni Lucien habang abala ito sa pakikipaglaban.

Instead of running, she leaped from the rock to the horde of Rogue's surrounding Lucien and started ripping their heart and throat out.

Her eyes were red. Unfeeling. She kills.

Vixor trained her to fight when they were in Russia. Ginamit niya ang lahat ng natutunan sa pakikipaglaban niya ngayon. She moves fast and lethal. At ganoon din naman si Lucien na halos hindi na niya makita sa sobrang bilis ng bawat galaw.

Hinihingal na lumayo pansamantala si Virgo sa laban. Kahit gaano pa kadami ang napapatay nilang Rogue, may dumaragdag sa bawat namamatay. No. They'll end up dead if this continues to go on.

"Lucien." She moved to Lucien's side. "Kailangan na nating umalis, parami sila ng parami."

Virgo can see defiance on Lucien's eyes. Akala niya hindi ito makikinig sa kaniya kaya nga nagulat siya na pinagsiklop ni Lucien ang kamay nila saka hinila siya patakbo, palayo sa lugar na 'yon.

As they run, Rogues run after them. They're growling and salivating as they chase them.

Magkahawak kamay silang tumakbo ni Lucien. Para silang nakalutang sa hangin habang mabilis na tumatakbo. Malakas ang kabog ng puso niya st habol niya ang hininga pero hindi siya tumigil.

"Hurry, Virgo!" Lucien shouted.

But their running feet came into a halt when Rogues blocked their way. Akmang babalik sila sa kanilang pinanggalingan ng makitang naroon din ang mga Rogue at handa silang patayin.

"Wala tayong ibang choice." Ani Lucien. "We have to fight our way out."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Lucien. "I love you, Lucien."

"I love you too, Virgo."

Handa na silang lumaban ng bigla nalang may nahulog mula sa itaas at ekspertong umapak ang mga paa nito sa lupa. Napamulagat si Virgo. She knew this man. Is he the leader of these Rogues?

May iniabot itong espada kay Lucien. "Here. Have fun." Then Xon gave her a bow and arrow. "Have fun too. Don't get yourself killed."

Tinanggap niya ang bow at arrow saka nagtanong. "Anong ginagawa mo rito?"

"Well, I'm here to save you." Pagkasabi no'n ay mabilis nitong inatake ang mga Rogue.

Xon slashed here and there. Kapag hindi niya sinasaksak ang puso ang pinupugutan nito ang ulo ng mga Rogue na lumalapit dito. Tumulong na rin si Lucien.

Nang hindi pa rin nila maramdaman na nababawasan ang mga Rogue, the three of them decided to run.

"Run towards the south." Sigaw ni Xon. "Nakaparada ang sasakyan ko ro'n."

They didn't answer, they just follow what Xon said.

Ilang metro palang ang layo nila ng may biglang sumabog na parang bomba.

Favorite Obsession Where stories live. Discover now